Genre: Romance
-This is unedited
-This'll also be written in Tagalog and English~
"Ano ba?!" Tugon ni Charmaine habang hianhatak ni Lane palabas.
"Nahuli tuloy ako kanina!" Inis na sinabi ni Lane sa nakaupong Charmaine sa gilid.
"Pasensiya na nga diba, ilang ulit ko bang sasabihin sayo!?" Pasigaw na sinabi ng dalaga sa kaniya at tila ba mas nagalit lamang ang lalaki sa kaniya.
"Hoy pumasok na kayo!" Sigaw ng isang guro na papalapit palang sa dalawa, at mukang magiging bagong guro ng dalawa.
Pumasok na si Charmaine ngunit nagpaiwan lamang sa labas ang binata.
"Pumasok na na rin, ano pa ang inaantay mo?!" Galit na sinabi ng guro at pagalit na sumunod si Lane.
"Hoy anyare!" Mausisang tanong ni Alina sa kaniyang kaibigan, ngunit sinabihan lamang ito ng "Wala!"
"Magandang araw sa inyong lahat, mayroon tayong bagong mag-aaral, iha maaari mo ng ipakilala ang iyong sarili!"
Tumayo si Charmaine papunta sa harap, ang ngiti niya ay nakakapag akit ang salomon niya ay tila ba mas nagpapaganda lamang sa kaniya.
"Magandang umaga ako nga pala si Charmaine Linnett!" Bati ng babae sa kabilang lahat, ang iba ay tila ba makakapatay sa tingin ang iba naman ay nginitian lang siya.
Habang pabalik sa kaniyang lamesa tiningnan lamang siya ng masama ni Lane.
Sa pagsisimula ng klase, nainip rin ang dalaga parang walang pumapasok na impormasiyon sa tenga niya.
Hindi Niya mapigilang tumingin kay Lane Oo inaamin niyang gwapo ito, pero pangit daw para sa kaniya ang ugali neto.
Nang tingnan niya uli ang lalaki, hindi niya namalayang nakatingin pala sa kaniya ito, ngumisi lamang si Lane at inilayo muli ang tingin.
"Yon lamang at maaari na kayong umalis!" Sambit ng guro nila, ang oras na ngayon ay mag a-alas tres na.
Palalabas na sana siya, ngunit may humawak sa kaniyang mga kamay.
"Saglit lang!" Sambit ng lalake na tila ba may pangamba sa mga boses nito.
"Ano na naman ba?!" Inis na tanong ni Charmaine kay Lane.
Pilit na hinatak ni Charmaine sa kaniya ang kanang kamay nito.
"Mag usap muna tayo, bago ka kumain." Mahinahon nitong sinabi, habang pilit na hinahatak ito papunta sa gilid ng silid aralan.
"Tungkol ba saan" Sa tono ni Charmaine, mas huminahon ito.
"Tungkol doon sa kanina, pasensiya na nadala lang ako." Sinabi niya habang kinakamot ang likod ng I'll nito.
"Okay lang yon. Mauna na ako ah." Sabi ni Charmaine habang naglalakad palabas.
"Saglit lang!" Sigaw ng binata habang hinahabol siya.
"Sabay na tayo!" Nakangiting sabi ni Lane sa kaniya.
YOU ARE READING
Short stories
De TodoThese are some of the short stories that I make when I'm suddenly having that burst of inspiration to write stories that can't be long enough to be a book. I'm also experimenting here! Since I'm still exploring on how to write!