Heon P.O.V.
" Heon Baby buti umuwi kana san ka ba nagpupunta ha!?" Nagaalalang pagbungad ni mom napatingin naman ako kay Diana
" Hay nako anak Alam ko nagaalala ka dahil sa kumalat sa school niyo inexplain na saamin ni Diana na napagkamalan lang kayo kasi palagi ka niyang ipinagtatanggol "
" Ha!?" Parang bingeng sagot ko
' Nakapagexplain ka nang hindi man lang tinatanong ang opinyon ko '
" O iho maupo kana kakain na " Untag naman ni Yaya kaya napabalik ako sa maayos na isip nalungkot ako sa naisip ko na wala siyang pakealam sa nararamdaman ko
" Andyan na!!" Natatawang sambit ko kaya naman nagulat sila sa naging akto ko
" Bakit di ka kumakain Insan?" Takang tanung ko nagulat naman siya
' Saan ka nagulat sa pakikipaguusap ko sayo o ang tawagin kitang insan?'
" Ha? Kumakain naman ako heon hehe" Mahinang sagot niya kaya naman kumuha pa ko ng ulam at linagay sa plato niya
" Kumain ka pa" Nakangiting sambit ko sabay lingon sa kapatid ko
" O ikaw kumain ka din Nakatakbo ka lang ng ilang floor E hingal na hingal ka" Pekeng tawa ko
" Psh. Tigilan mo ko kuya ha!" Masungit na sagot niya kaya naman tumigil ako at kumain mararamdaman mong tumahimik ang kainan at nagpapakiramdaman ang lahat ng mapansin kong tapos na ako ay ako na ang bumasag sa katahimikan
" Papasok na po ako sa kwarto Mom hatiran niyo na lang ako ng choco drink at sandwich " Nakangiting sagot ko
" O sige anak--"
" Ako na pong magdadala tita para makapagpahinga din po kayo ng maaga" Nakangiting presinta nito pero tinignan ko lang siya sabay tumalikod sa mesa
Habang nakahiga sa kama ang siya namang pagpasok nito sa kwarto ko
" Heon andito---"
" Ilagay mo dyjan " malamig na sagot ko at di na nagsalita pa pero tumikhim siya at muling nagsalita
" Heon Ako na nga pala ang nagexplain--"
" Alam ko na" Dagdag ko pa
" Wag mo sanang masamain ang desisyon k--"
" Hindi ko naman minamasama" Sarkastikong sagot ko ng bigla siyang sumigaw sa tonong maririnig lang naming dalawa pero mababakasan ang inis niya
" Ano ba! Hindi mo man lang ba ako papatapusin!? Hindi mo man lang ba ako naiintindihan " Singhal niya
" Ako naiintindihan mo ba ko!?" Galit na sighal ko din
" Heon"
" Kanina pa ako nagiisip ng paraan para di' magalit sayo ang parents ko kung sakali mang makarating sa kanila ang nangyari pero nandyan ka at nagexplain ng hindi man lang sinasabi saakin kaya paano kita maiintindihan?" Naiiyak na singhal ko
"Hindi ko Alam kung anong tumatakbo sa isip mo Diana sa tuwing may problema ay palagi mo kong isinasantabi at inuuna yang nalalaman mo"
" Eh Hindi ka naman kasi nagtatanong!? Hindi kita isinasantabi may mga bagay lang talaga na hindi ka kasali kaya hindi ko kailangan ang tulong mo"
" Ha!?" Parang nabinge sagot ko
" Heon hindi sa lahat ng oras ay dapat kailangan kita kase kaya ko naman ang sarili ko kaya hindi ko kailangan ng tulong mo" Singhal niya at saka doon ako yumuko at unti unting tumulo ang butil ng luha ko napatakip pa ang kamay ko sa mata ko
BINABASA MO ANG
Trapped into Bad Girl's Love [Completed]
Teen FictionCién University isang prestigous school kung saan mga matatalino at mapeperang istudyate ang mga nakakapasok sa paaralang ito Anong mangyayari sa paaralang ito kung makapasok ang pinaka walang galang at masungit na babae sa loob ng paaralan? Hindi...