Chapter 12

79 33 0
                                    

Therra P.O.V.

Pagkalabas ko ng office ay dumeretso nakong locker at kinuha ang cellphone ko at baseball bat at saka ko ito pinatong sa balikat ko

" Woi Wala na daw klase? Ano yan!?" Tanung niya

" Pamalo to di mo ba alam?" natatawang tanung ko

" E aanhin mo nga yan Aber?"

" May bibisitahin lang " Nakangising sagot ko

" Aba'y kakaiba kang bumisita mars kelangan may pamatay na awra ha!?" Sarkastikong sabi niya

" Tss "

" Hindi mo ba ako pwedeng isama jan nang makawarm up man lang?"

" Yun talaga sadya mo E noh pero kailangang nagiinarte ka muna sa harap ko"

" Ava syempre babae ako di ba? Ikaw kasi bakla Hahah" Malakas pa itong tumawa kaya iniwan ko na siya at nagsimulang tahakin ang daanan papuntang parking pero ng papalapit na kami sa sasakyan namin ay may pumigil sa braso kaya napatingin ako doon at unti-unting inaagat ang paningin ko hanggang sa magtama ang paningin namin

" Pwede ba kitang makausap?" Mahinahong tanung niya

" Bakit?" tanung ko nagtaka naman siya kaya mas lininaw ko ang tanung ko

" Bakit kailangan mo kong makausap? May kailangan ka ba?" Dagdag tanung ko pa

" Hihingi sana kami ng Favor sayo" sagot naman ng isang kasama niya

" Para saan?" tanung ko pa

" Syempre para saakin, Bakit ba andami mong tanung pwede ka namang umoo o hindi " Sigaw nito napangisi naman ako

" Nagmamadali ako ngayon bukas mo na lang sabihin" Nakangiting sagot ko saka tinalikuran silang tatlo sineyasan ko pa si yeri na sibat na kami pero pinigilan niya ulit ako

" Saan ka ba pupunta mas importante pa ba yan kaysa sa sasabihin ko!?" Galit na tanung niya tinanggal ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko

" Hindi naman kita nobyo hindi ba?" Natatawang saad ko

" What!? Are you kidding me?" Naiinis na sambit nito

' Pikon nanaman ang loko'

" May pupuntahan kami kaya wala akong oras makinig sa pakiusap mo kung ano mang problema mo labas nako don Understand?" nakangising dagdag ko pa

" Hindi ka labas don Ikaw ang dahilan kung bakit nahuli kami ni lolo, Kami ni Diana"

' Diana nanaman?'

" E ano naman? Kahit mahuli ka pa ng pulis wala akong pake at saka wala naman akong resposibilidad sayo ikaw ang pumasok sa relasyong yan at hindi ako"

" Hindi mo naiintindihan Kailangan kita kailangan ko ang salita mo para hindi sila magalit---"

" Kailanganin mo lang ako sa kahit anong oras mo gusto pero wag sa ganitong rason"

" Anong ganito? Sinigaw mo sa school na nobya ko siya kaya kailangang makisama ka " Inis na sigaw nito tinaas ko naman ang baseball bat ko kaya napaatras sila

" Hintayin mo ko " Sambit ko tsaka tumalikod pero piigilan niya parin ako

' Bwisit na to kanina pa ko napapagod kakaharap ah '

" Saan--"

" Pupuntahan kita kaya paalisin mo na ako kasi may reresbakan pako " sambit ko saka tinignan siya

Trapped into Bad Girl's Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon