Chapter 2

4 0 0
                                    

                           Chapter 2

                           Hidden Pain

Nagmadali akong lumabas ng kwarto pagkatapos magbihis, andito kase si Markus di parin niya ako tinatantanan dahil wala siya sa awayan namin ni Dianna kinginang babae. Iniwan ko siya sa sofa kanina bago pumasok ng kwarto pagbalik ko ay mag-isang nagmemeryenda, pinalamot siya ni Manang panigurado. "At talagang di mo ako palalamutin sa awayan niyo ng higad na yun?" Saad niya habang punong-puno ang bibig. Sinenyasan niya akong maupo sa tabi niya. Nakiupo akong hinihilot ang masakit kung ulo dahil sa biglaang pagsugod sakin.

"Kita mo ba tung naiinis na mukhang to?" Turo nito sa kanyang mukha. Bakas ang inis at kyuryusidad nito kung ano ang buong nangyari kanina pero wala yan sa mukha ko. Inirapan ko ang mukha ng bakla at saka ko tinuro ang mukha ko talagang pinakita ko pa sa kanya ang galit na galit kung mukha, punong-puno pa ng inis pati dugo ko na hanggang ngayon ay kumukulo parin.

"Ay, oo kita ko teh. Mas maniniwala pa siguro ako kung ishare mo naman sakin ang buong detalye." Hirit nito, gusto kung ikwento ang buong nangyari dahil alam kung ito talaga ang gusto. Kaso pano ko sasabihin kung dipa bumaba ang init ng ulo ko. Gusto ko nalang umiyak hindi ko maintindihan ang sarili ko. Masakit, mahapdi at ang puso ko para nang mabibiyak. Naisipan kung huwag nalang akong magkwento bahala na siyang mag-imbento ng mga pangyayari. "Wala, galit na galit ako sa dalawang yun kaya huwag mo pang pasakitin lalo." Giit ko habang dahan-dahan kung sinusuklay ang buhok gamit ang kamay para di masyado maramdaman ang hapdi.

"Aysus, sige na teh alam mong kating-kati na kamay kung rumesbak dun eh. Saka bat di ako inform? Bakit ano bang nangyari sa inyo ni Mau? Look, lagi tayong magkasama but then why I'm always late? Late sa news about your relationship." Dakdak nito, marami na akong lihim sa kaibigan ko. Oo di pa pala niya alam na naghiwalay na kami kaya bukod sa nangyari kanina ay marami pa siyang dapat malaman pero huwag muna ngayon. It's unfair para hindi niya malaman kaso takot ako, takot ako na kung baka sabihin ko ang buong nangyari ay malalaman nila dito sa bahay.

Nagtampo na sakin ng tuluyan si Markus dahil nga di ako nagsasalita lagi kung tinatangi na ayaw kung maglabas ng sama ng loob. Umuwi siya kaya naman umakyat ako ng kwarto para magpahinga. Di na ako kumain wala akong gana. Nakakapanghina ng katawan. Bakit parang buong gabi ay para akong minamartilyo sa sakit ng katawan.

Kahit umagang-umaga kainis! Nanggigigil ako na parang may gustong suntukin ang kamay ko. Gutom ako kaya andito ako sa kusinang naghahanap ng pagkain mula sa fridge. Pagbukas ko ng door ang naka container na tubig ang una kung inabot. Umiinom palang ako ay may naririnig akong yabag ng paa mula saking likuran si Manang siguro yan. Maya-maya ay nagsalita ito "May noodles diyan painitin mo lang." Baritonong boses ni kuya siya lang pala. Sinawalang bahala ko yun, pagkatapos uminom hinanap ko agad ang tinutukoy niyang noodles. Binalingan ko siya ng tingin saka inirapan dahil sa kainisan ko. Badtrip parin talaga ako.

"Badtrip?" Hindi ko siya pinansin. Ayaw ko sa noodles, kahit kape nalang at bread for breakfast. Mas gusto ko yung hinahanda ni Manang kasya nakikikain sa favorite food ni kuyang spicy noodles. "Luh, ang kapatid ko parang tanda." Kung alam mo lang kuya, naiinis ako dahil magkikita na naman kami sa mortal enemy ko. "Hija, heto yung kape mo saka sandwich. Saka pinaghandaan kita ng fried rice with egg kumain ka dahil kagabi nilock mo yung pinto mo at kahit kalabugin ko pa ang pinto di mo ako pinagbuksan. Inisip ko nalang na tulog ka kaya di kita pinilit gisingin pa." Ang maalala ko natulog na agad ako kagabi dahil sa pagod at sakit ng anit ko. Kahit man gising ako kagabi nung tinatawag ako ni Manang ay ayaw ko nang bumangon para pagbuksan siya ng pinto. Tumango ako sa sinabi ni Manang. Sinimulan ko nang kumagat ng bread at si kuya na naman ang nagsalita.

"Ay, nga pala late akong umuwi kahapon saka sa morning nun lumabas na ako ng 5 a.m kaya di kita nahatid sundo bunso baka dahil dito kaya ka nagtatampo." Di ko alam kung sasang-ayunan ko ang sinabi ni kuya dahil relate din yun. Pero mas umaapaw parin ang inis ko sa nangyari kahapon. Mas masakit pa yung naiwan kasya yung di sinundo at hinatid. "Or baka guilty ka pa ba dahil sa mga hindi mo pagpasok last week?" Pinaalala naman nito ang kabaliwan ko. Porket di ako nagsasalita kung ano-ano na ang sunasabi nito. Binabalewala ko ang mga sinasabi nito at patuloy parin ako sa pagkain. "Shuss, tama nga yan hijo, hayaan mong kumain yang kapatid mo huwag mo ng inisin lalo." Sita ni Manang, tipid kung nginitiian ito dahil buti nalang dahil kahit na inosente si Manang sa nangyayari saking buhay ay naiintindihan ako. "No way Manang, she's my sister magkadugo kami so with that face? Mas gusto ko pang iniiinis yan. Para kase siyang tandang na natalo sa sabong." Saad niyang tumatawa. Tinaasan ko siya ng kilay sabay irap. How dare you!

kissing rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon