Chapter 4

4 1 0
                                    

Chapter 4

Late

"Ms. Maika."

Parating may kasunod na ngiti ang bawat pag salita niya.

"Late ka nanaman.."

nag mukha yatang tanong ang pag kakasabi ko nito dahil sinagot niya 'yon.

"Na-late ng gising kasi napagod sa intrams."

Kahapon ang dahilan niya na late siya ng gising dahil tinatamad siyang pumasok.

"Recite mo na yung Core Values, Mission, Vision, at School Hymn."

Ganito kasi ang ginagawa sa mga late sa school namin.

Policy na ito at matagal ng isinasagawa.

Kaya kung late ka, mas malelate ka lalo dahil kailangan mo pang I recite ang lahat ng ito.

"Ang dami. Hindi ba pwedeng babawasan?"

"Hindi."

Pang ilang beses na siyang late. Naninibago parin siya?

"Aw. Bakit?"

Nag papa cute pa ata siya dahil lumalabas ang dimples nito.

"Please recite. Para maka punta ka na sa klase mo.."

Nahihiya kong utos sakaniya.

Malapit na akong ma late nadin sa klase dahil sakaniya.

Ilang minuto nalang at mag sisimula na ang first subject.

Nirecite niya ang lahat ng ito ng sobrang bilis.

Halos wala na akong maintindihan sa mga sinabi niya.

Tumawa pa siya pag katapos.

"Done. Tara, pasok na tayo sa classroom."

Masayang sabi niya.

Hindi ko naman siya kaklase nuon. This year ko lang siya naging kaklase.

Dahil ilang beses na siyang late, ilang beses nadin kaming nagsasabay pumasok sa first subject.

Kaya mas lalong ibinabaling ng mga classmates ko ang atensyon nila saakin..at hindi maganda 'yon.

Umupo na ako sa harap habang umupo naman siya sa likuran kasama ang barkada niya.. napa lingon pa ako sakanila dahil ang ingay nilang mag kwentuhan.

Biology ang first subject namin, at saktong dumating nadin ang teacher.

Strikto ito kaya naman nawalang bigla ang daldalan ng mga kaklase ko.

"Good morning. Pass your projects now."

Ani ni Mrs. Gomez habang masungit na nakatingin sa likuran ng klase..

"Uy, Maika. Kayo ba ni Ja?"

Tanong ng seatmate kong si Daniela habang abala ako sa desk ko sa pag asikaso ng ipapasang project sa biology.

"Huh?"

Naguguluhan kong tanong sakaniya.

"Lagi kasi kayong mag kasama. Sabay kayo pumasok araw-araw.. Nakita din namin kayo kahapon, sumakay ka sa kotse nila."

Mataray na sabi nito saakin.

Napalingon ako sa ibang direksyon nung narealize ang ibig niyang sabihin.

Pinili ko paring mag patay malisya nalang.

Sabi na nga ba kaya ayoko talagang sumama sakaniya kahapon.

A Second To Infinity (Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon