[Chapter:9]"Tara na ihahatid na kita sa dorm niyo" patuloy ni Sir K at agad kaming humarurot pagbaba ng hagdan.
"Asan na ba kasi si Erick ha!" Sigaw niya habang parehas kaming kabado habang tumatakbo. Yes! All of this doesn't feel right. Kinakabahan na'ko. Ano na namang pakulo nung announcer bukas ha? Ano na namang ganap 'to?
Kinukutuban na ako ng masama and naiinis ako kay Erick dahil iniwan man lang niya ako basta basta. He also run, but didn't wait for me. Epal mo Erick!
Nakita ako ni Sir K na nakatulala habang nagaanunsiyo ang unknown person na lagi naming naririnig and it give me goosebumps.
Naninindig ang buong kalamanan ko sa takot at kaba sa tuwing naririnig namin lahat ng 'yon and we're really scared because it doesn't feel right at all. Sino ba 'yun at laging pabida sa patayan?
"Sir nauna siya e" pangangatwiran ko naman sa kaniya dahilan para mas higpitan niya pa ang kapit sa aking mga kamay. Kalmahan mo lang mapipipi mo na po yung kamay ko sir sa totoo lang.
Lumabas naman na kami ng building at agad na tumakbo papuntang dorm. We're really quick at para kaming hinahabol ng zombies. Wala na rin pa lang mga guards sa paligid at anytime mawawalan na ng mga ilaw ang poste na nakapaligid sa buong eskwelahan.
Walang guard o anuman dahil wala na rin ang oras ng duty at shift nila sa gabi dahil masiyado na ring delikado. It was just 40 mins ago bago kami pumunta kay Sir K at masiyado ng delikado dahil wala na ring sikat ang araw sa labas, Senyales na malapit na ang killer maghasik dahil maaga din natutulog ngayon ang mga estudyante.
"I'm glad you're here Sir K" pagpapasalamat ko habang nasa loob na kami ng elevator at papunta na rin kami ng dorm.
"It's okay..." Maikli niyang tugon habang inaayos ang kaniyang mga salamin. Why so gwapo like that sir?
Tinignan ko naman ang aking sarili sa mirror ng elevator at gosh I just realized how stressed I am. Pinakaba ako ng pahablot hablot ng kamay nito. Hilig hilig manghablot. I stared at him while he stared at his clock, what's with your clock Sir K?
"Why?" Tanong niya dahilan para bumalik ako sa'king huwisyon. Jusko! Bakit naman kasi parang mangangain ako sa titig ko. Dinosaur ka girl?
"Ah eh wala Sir thank you po ulit" ngiti ko na lamang sa kaniya. Ang awkward naman nito sabing sorry na nga e. Napatalon naman ako sa gulat ng biglang namatay ang ilaw ng elevator and it stops moving. What are we doing now ha!?
"Shit!!!" Sigaw niyang sabi dahilan para matawa ako... Shemalu! Mukhang bakla ang tono. Ano na naman 'yun bakit naman ganiyang ang reaction mo mareng K?
"Ay gosh besh you didn't tell me ha" tawa ko dahilan para batukan naman niya ako. Ouch! Bakit nasapok niya ko e ang dilim dilim nga rito?
"Masiyado naman pong asintado sir" pagrereklamo ko habang kinakamot kamot ang malakas na kutos na inabot ko. Ang kati non ahh, seryoso.
"Nag break down din po ang system ng elevator?" Pahabol kong tanong at nagulat ako sa sobrang liwanag ng flashlight na itinapat niya sa mukha ko. Ano ba? Imbestigador ka ba?
"Yes, I think pumapatay na ang killer ngayon" sagot niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. What just he say? P-pumapatay? Ngayon? As in ngayon!? Now? Present?
Hinablot ko naman sa kaniya ang flashlight at inilawan ang pinto ng elevator. Jusko naman mamaya sumalubong siya edi double kill pa kaming dalawa ni Sir.
Agad naman niyang tinakpan ang bunganga ko at binawi ang flashlight na kinuha ko. Aray ko naman! Dahan dahan naman oh.
"Seryoso!? P-pano kapag ako na pala y-yung isunod niya ha!? Ayoko pa ma deads omg!" Kabado kong sabi habang hinihila hila ang kaniyang pajama. Sisilip ba'ko sa pinto ng elevator? Baka nakasuksok na pala yung mata niya! Oh gosh jusko ang arte mo talaga Cheska kahit kailan...
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Misteri / ThrillerFrancheska Celestine Mirasol Silbeste was a student in a school loaded up with a serial killer founders. The solitary thing to escape this school is to graduate college. However, imagine a scenario in which time passes by and he just considers and t...