Chapter 18

7.7K 352 35
                                    

Chapter 18

"Ynna was one of Vaughn's exes," I said. "What they had was a casual relationship. When they split up, they remained friends."

Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa inuupuan namin ni Lael at do'n ko inilagay ang lahat ng bigat ng katawan. Umihip ang hangin at dinama ko sa balat ko ang haplos no'n.

Tinanaw ko ang simbahan sa hindi kalayuan. Naka-upo kaming dalawa ni Lael sa isa sa mga benches na nasa gilid ng daan sa loob ng campus.

St. Agatha University is one of the biggest universities in terms of land area. May malalawak na field din na nababalutan ng Bermuda tulad ng nasa likuran ng bench na inuupuan namin ni Lael at sa kabilang kalsada.

Mula sa kinauupuan namin, tanaw ko ang senior high school building pati na rin ang building ng mga junior high school at elementary. Nakabukod din ang building para sa college students.

Iniisip ko pa kung dito rin ba ako mag-aaral sa college o sa ibang university. I'm not even sure kung ano'ng degree na gusto kong kunin.

I sipped on the drink Lael bought for me earlier. Matapos n'ya akong hilahin kanina, he tried to calm me down... o baka s'ya pa nga ang kinailangang kumalma. Napangisi ako.

I shouldn't be smiling because of what Lael felt earlier but I can't help it. Hindi ko alam kung ako ba ang pinakalma n'ya o ang sarili n'ya.

I also felt awed that he cared for me that much. He got mad for me. Pakiramdam ko, may karamay ako sa naramdaman ko.

I also feel like it was the first time someone cared for me that much. Ang saya pala sa pakiramdam.

"Ynna and I became friends because she approached me first," kuwento ko.

"I approached you too," Lael argued and I looked at him.

Nakasimangot s'ya at nakatitig sa akin. Nakasandal s'ya sa bench habang ako naman, maayos na naka-upo kaya kinailangan ko pa s'yang lingunin nang kaunti para matingnan.

Eventually, sumandal na rin ako sa bench at humalukipkip, hindi inaalis ang tingin sa kan'ya.

Hindi maaraw dahil sa makakapal na mga ulap sa alapaap. Maganda ang panahon at hindi gaanong mainit.

Lael looks nice under this weather... pero t'yak na guwapo pa rin naman s'ya sa kahit anong panahon. It's just that, whenever the sunlight hits his skin, his tan skin glows. Para s'yang isang modelo sa harapan ko kahit na naka-upo lang naman s'ya at nakikipag-usap sa'kin.

I can't explain it. Para s'yang may spotlight o magandang lighting parati para sa photoshoot. All his angles are perfect, idagdag pa na ang ganda rin ng personalidad n'ya.

Ang suwerte. Ang suwerte ng babaeng para sa kan'ya. I can imagine him as a perfect boyfriend -- always there when you need him, always cares for you, and someone who is all about you. 

Sumipa ako nang kaunti sa hangin at tiningnan ko ang mga sapatos ko. 

Kung puwede lang, sana s'ya na lang. 

Pero ayokong gawin 'yon kay Lael. I still have problems with Seve. Lael deserves someone who's not as troubled as me. I will need time... a lot of it so I can clean everything Seve has messed with my life. 

There's this feeling of embarrassment. Nahihiya ako kay Lael kaya pakiramdam ko, hindi s'ya para sa'kin. He's too good, too perfect and pure. Parang mapangahas ako kung gugustuhin ko si Lael.

I smirked and realized how crappy that is but that is what I'm feeling. He deserves someone who's better. Someone with tastes better than mine. Someone who makes better choices. 

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon