One shot..
KASALUKUYAN na naglalakad si Margaux(Margow ang pronounce) Cialie(Shalie) Mendoza ng bigla-bigla siyang inakbayan ng bestfriend/Crush niyang si Alexander Dustin Fernandez.
"Nakakagulat ka!." Sabi ni Margaux. Muntik na itong atakihin sa puso dahil sa nakakagulat na presentasyon ng bestfriend.
"Sus. Hindi ka na nasanay, Beh." Sabi ni Alex. Hindi maiwasan na kiligin ni Margaux dahil ayun naman talaga ang tawagan nila, boring daw kasi kapag bestfriend, bff. Makaluma daw.
'Kyaah. Beh talaga ang pinakasweet na tawagan ng mag bestfriend. Pigilan niyo ako!! Magwawala ako!!' Sa isip ni Margaux. Wala siyang kalaban-laban sa puso't isip niyang pinagtulongan siya para magustohan ang bestfriend niya. Wala siyang intensyon at walang rin siyang gana umamin dahil baka layuan siya nito.
"Bakit? Kailangan ko bang masanay? Sanay na sanay na ako, nag-comment lang. Psh" sabi ni Margaux. Kasi nga The More you Tampo, The More Lambing You'll Get. Iyan ang araw-araw na quote na never makakalimutan ni Margaux, kaya lagi siyang masungit at tampohin. Walang ka-alam alam si Alex sa tunay na ugali nito.
"Tampo ka na nyan, beh?" Tanong ni Alex pero tinanggal ni Margaux yung kamay niya.
"Tse. Wag mo kong tawaging 'Beh'!" Sabi ni Margaux pero hindi halatang nagpapanggap na nagtatampo. Actress.
"Sorry na Beh, Tampohin ka na naman dyan eh~ Sorry na" sabi ni Alex sabay yakap kay Margaux. Si Margaux naman 'More Tampo=More Lambing' kaya pinanindigan niya ito.
"Ayoko na nga, Beh" Tampo ni Alex. Titignan niya kung ito naman ang manunuyo pero walang nangyari.
"Beh. I love you" Nagulantang si Margaux. Lahat ng sistema sa katawan niya ay nag-react at gusto sana niyang sumigaw at magta-talon na para bang nanalo sa lotto. Pero may isang bagay ang tumatak sa isip niya.
'Joke na naman ata iyan eh. Hayy nakoo' sabi niya sa utak niya.
"Napatawad ka na. Hindi mo na kailangan ng I Love You pa dyan." Sabi ni Margaux at tinapik sa balikat si Alex.
"Alis na" sabi ni Margaux. Sunod lang kasi ng sunod si Alex.
"Ayoko" matigas na sabi ni Alex. Pasaway =_=
"Alis na nga kasi.. magsisisi ka" sabi ni Margaux. Nago-on na ang evil plan niya sa isip.
"Ayoko nga. Magsisisi pa ba ako kung naglalakad lang ako?" Sabi ni Alex. Namimilosopo na ito. Pag malapit na mainis, medyo mataray o pilosopo naman si Alex.
"Wag ka nga kasi sumunod." Sabi ni Margaux.
"Saan ka ba kasi pupunta?" Sabi ni Alex. Nagtitimpi na ang binata. He wants to guard ang kaibigan niya dahil ito nalang ata ang mapagkakatiwalaang babae. After that break up walang babaeng pinagkatiwalaan ni Alex.
"Somewhere. Basta." Sabi ni Margaux. May naisip na siya at paniguradong mapapahiya si Alex. Ok lang naman sa kanya na gawan ng evil plan ang crush niya para hindi nito mahalata na may pagtingin siya sa kanya.
"Susunod ako sa ayaw at sa gusto mo" matigas at mariin na sagot ni Alex. 'Makulit ka ha' sa isip ni Margaux.
"Edi Sumunod ka~" sabi ni Margaux at naglakad na ulit ng mabilis kasunod nito ang kaibigan. Pumasok na siya sa Restroom Ng Girls pero nakabuntot parin ang bestfriend na hindi nakita ang sign.
Konting minuto, napansin ni Alex na CR ito ng girls at lalabas na siya, pero bago pa siya makalabas....
Bumukas lahat ng pinto ang cubicle at lumabas doon ang girls na nag-cr lang at halatang nagulat ito ng napansin nila si Alex na nasa loob.
"Aaaahh!!"
"Oh My G!"
"Holy cow!"
"What the hell!"
Sabay-sabay na react ng girls at dumila naman si Margaux kay Alex. Si Alex naman ay mukhang naasar at dumila rin ng mabilis tapos lumabas na.
"Hahahahaha" tawa ni Margaux. So much na!.
======
DISMISSAL na ng class nila Margaux at Alex. Si Alex halatang gusto ulit gulatin si Margaux. Kaya dahan dahan siyang lumapit kay Margaux pero bago niya pa ito mahawakan eh biglang tumakbo ang dalaga at tinulungan ang teacher na bumagsak ang gamit. 'K. Hindi patas' sabi ni Alex sa isip niya.
Kaya sinundan niya itong mag-lakad. Pumunta sila sa field na 2 hectares. Tapos patago siya maglakad at nakita niya si Margaux na umupo at sumandal sa puno at nagkabit ng earphones sa tenga kaya kumuha siya ng papel at sumulat sa papel. Si Margaux eh gusto ng matulog pero alam niyang mahaba ang tulog niya kapag mahaba ang oras ng klase.
Biglang may nalaglag na papel sa ulo niya at ito ay galing kay Alex.
I love you
-BehKinilig ito at the same time. Nalungkot. Alam niyang Ji-no-Joke lang siya nito.
Balak na nga niyang mag-confess eh.
{Author: Maikling One Shot lang kasi to}
====
"MAY SASABIHIN AKO" sabay na sabi ng dalawa. Margaux and Alex. This, this is a big day for Margaux and Alex. Kinakabahan silang dalawa at napag-desisyunan na rin nila ito. Si Margaux,nanginginig at parang nanghihina ang tuhod. Gusto man niyang sabihin na agad pero isang word palang ata ang lalabas sa bibig niya eh natutop agad ito. Ganun kahina sa Love si Margaux.
"Ikaw Mauna" sabay ulit nilang sabi. Ano ito?! Is it Destiny (Agad-agad?!) Kinakabahan si Alex dahil may posibilidad na magulat ang bestfriend niya at malungkot ito dahil may secreto pala siyang tinatago.
"Sabay nating sabihin. 1...2.." sagot ni Alex. Tahimik pa rin si Margaux. Kinakabahan sa pwedeng mangyari.
"I Love You / I had a girlfriend" sabay nilang sabi. Natusok ng karayom ang puso ni Margaux, dissapointed siya at wasak sa nalaman. Nabigla si Alex and Fell Sorry for his bestfriend, gusto man niyang sabihin na gusto niya ito kahit hindi naman talaga. He will never comfort a person in a LIE.
"Joke. H-hindi kita m-mahal. Assuming" sabi ni Margaux pero umiiyak na siya dahil napaka-hirap ng situation niya. Broken-hearted siya at alam niyang mahirap mag-move-on like on the novels.
"Bakit hindi mo sinabi!! Ang sama mong tao!!! Kahit alam kong Joke yung sinasabi mong I Love You eh kalahati ng nararamdaman ko eh naniniwala. Sana maaga palang eh. Para nasaktan lang ako noon pero hindi ngayon at tingin ko habangbuhay!!" Sabi ni Margaux at pinapapalo si Alex. Sobra-sobra ang galit at lungkot niya pero it doesn't mean na hindi na siya magiging palaban.
"Alam mo bang araw-araw!!? Kinikimkim ko at pinipigilan kong magka-gusto sayo pero hindi ko kaya. Araw-araw kong pinag-iisipan npkung kailan at kailangan ko ba talagang mag-confess sayo dahil baka tama yung konting hinala ko na gusto mo ko!! Hindi mo alam!! Kung gaano kasakit. Bukod doon, pinaasa at pinahiya mo ako." Sabi ni Margaux. Natulala si Alex. Napaluhod siya at hinawakan ang kamay ni Margaux, asking sana for sorry.
"Sorry, S-sorry Margaux. Wala akong alam, hindi ko alam. Hindi ko masabi sayo dahil baka sabihin mong assuming ako na type mo ako. Matagal ko na siyang girlfriend, secret ko lang dahil baka kung anong gawin mong kalokohan.. Sorry Margaux, hindi ko nga siguro alam ang pakiramdam ng sakit na nararamdaman mo pero nararamdaman ko ang sakit kung paano makitang umiyak ang babaeng mahal ko. Ang girlfriend ko" sabi ni Alex. Nagka-leche leche na. Naguguluhan si Margaux.
"Bestfriend. MY MARGAUX. Ikaw ang girlfriend ko. Can you be my Real Girlfriend? Yung hindi kaibigan. Literal na Girlfriend. Please?" sabi ni Alex. Kinilig si Margaux pero Instant pahiya ulit ang ginawa ni Alex.
"Bwiset ka! Iniyakan pa kita!! Pero Oo na nga!!" Sabi ni Margaux at binatukan niya si Alex at pinagpapalo
'Love and People Are Both Not Complicated, But Destiny Are' -Margaux and Alex.
=_=_=_=_=:)
Sana po mag-vote kayo!!
BINABASA MO ANG
Jokezoned [One Shot]
Fiksi RemajaYung tipong.... sinabihan ka niyang... I LOVE YOU... Kikiligin ka na sana pero... Naalala mo.. JOKE lang pala ;(