Chapter 4

232 7 1
                                    

Drake's POV

Sumisilip pa ako sa bintana nang kwarto ko, pagkatapos ko ibigay yung regalo sa may pintuan nila. Tsaka hinihintay ko rin si jane na umuwi. Nandyan na sya, nakita nya na yung regalo ko. Akala ko hindi nya magigistuhan kasi yung mukha nya parang natatae. Pero nagulat ako ng biglang syang sumigaw. Tuwang tuwa sya. Nagtext sya sakin ng "Thank you :)" pero di ako nagreply. Di ko rin naman alam sasabhin ko eh.

Pagkatapos nyang kunin yung aso tsaka yung ibang binigay ko, pumasok na sya sa loob nang bahay nila.

Humiga nalang ako sa kama ko. Oo na palatulog ako kaya dahil dyan..... Matutulog parin ako! Bakit may abs parin naman ako eh. 4 na nga lang.

Napahaba ata tulog ko. Natulog ako ng mga 5:00PM nagising naman ako ng 10:00PM ng gabi. Pag katingin ko nag text sakin si jane. Medyo napaisip ako sa sinabi nya.

Eto text nya sakin.

"Pre, thank you kita tayo. Tambayan sa school." Sabi nya

"Ahh sige. Anong oras?" Tanong ko

"Pagdating mo kagad, dumiretso ka na sa tambayan." Sabi nya.

"Sige tulog ka na pre matutulog na din ako. Sabi ko.

Pagkatapos nun di na sya nagreply. Di na ako kumain at natulog na ako diretso.

Jane's POV

"Sige tulog ka na pre matutulog na rin ako." Reply nya

Pagnagkita kami bukas di ko alam sasabhin ko, di ko alam kung pano ko sisimulan lahat. Ang gulo!

Pagkatapos ko isipin lahat lahat ng gagawin ko bukas. Tinawagan ko ang super girly kong kaibigan. Si Majo.

"Majo!" Sigaw ko.

"Oh ano ba yun sissy?!" Pagtatanong nya na may kahalong arte

"Letche ka ang arte mo! Umayos ka nga!" Sigaw ko

"Oo na eto na nga eh! Oh ano ba kasi yun friend?!" Tanong nya.

"Advice." Sabi ko.

"Advice? Anong advice? Sa pananamit ba? Kailangan mo talaga humingi ng advice. Para kang lalaki manamit eh!" Sagot nya

"Hindi tanga. Advice para magkabati kami ni Drake!" Sagot ko.

"Ahh! Pusuan na yan bhe" sigaw nya sa phone.

"Baliw. Oh anong advice mo dalian mo!" Sabi ko.

"Bukas sa school paguusapan natin! Pasok ka nang maaga! HA-HA" tumawa sya ng sobrang sama alam mo yung evil smile parang ganon. Tas sabay binabaan ako! Ang bastos shet!

Majo's POV

Hey guys im Majo friend ni Jane, matagal na kami magkakilala nasa iisang section nga pala kami ni Drake pati ni Jane.

Aba! Etong kaibigan kong babae na dinaig pa ang pananamit nang lalaki ay humingi ng advice sakin, para daw magkabati sila ni Drake. For the first time! Emeges! Ngayun lang yan nagkaganyan. Maraming nanliligaw dyan sa babaeng yan pero di nya pinapansin. Ewan ko ba! Ang gulo din nang babaeng yan

* * *

Kakagising ko lang mga 4:00AM palang. Sinabi ko kasi kay Jane na maaga eh! Yung babaeng yun akala ko tibo yun pala magkakagusto rin. Hay nako pusuan na yan!

Naligo muna ako. Tsaka ako nagbihis at kumain 5:00AM na at tapos na ako mag prepare ng gamit ko.

Papasok na ako, pag dating ko sa school wala pang katao-tao. Hinahanap ko si Jane kung saan saan. Di ko sya makita kaya tinawagan ko nalang sya. Sinagot nya yung phone.

I'm Inlove with my boyish bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon