JOSEPH
Hindi ko magawang tignan ang mga magulang ko habang inilalahad ko ang totoong nangyari sa akin sa Canada.
Ito ang unang beses na nakita ko silang umiiyak.
Ni isang beses hindi ko nakitang mag away ang mga magulang ko. Yung pagmamahal nila, sobrang perfect. And I envy them for that.
Sana ganun din kami ni Ira. Sana puro pagmamahal na lang nararamdaman namin. Sana wala ng ganitong sakit sa puso namin.
"I'm so sorry anak." Umiiyak na hinagkan nila ako. "We don't know. Omygosh! I'm sorry. We're sorry." paulit ulit nilang sambit.
I hug them back, giving them the most assurance hug that I can give.
"I love you mom. I love you dad. Thank you for everything."
Sa halip na sagutin ay hinigpitan lamang nila ang pagkakayakap sa akin
"I promise, gagawin ko lahat ng makakaya ko para muling ibalik at buuin ang pagkatao ko. I will do everything for Ira to love me back. Again."
"You should, son. You should." Dad said.
IRA
Nakangiti kong pinagmamasdan si Joseph at ang magulang niya na hanggang ngayon ay magkayakap parin sa isa't isa.
Kaya mahal kita eh, kahit gago ka para ilihim sa amin ang lahat.
"Galit galitan tas ngingiti ngiti." gulat akong napalingon sa aking likuran.
Naroon ang magulang kong nakangising nakatingin sa akin.
"Nay naman!" maktol ko.
Lumapit si nanay sa akin at piningot ako. Madali lang naman at mahina lang kaya daing lang ang naging reaksyon ko.
"Ikaw na babae ka, kailan pa kita tinuruan na mag inarte sa nobyo mo? Aba! Minsan ka na lang makahanap ng tulad ni Joseph. Sige ka, pag yan sumuko sa kakasuyo sa iyo, Hah! Bahala ka."
"Mahal naman, wag mo ngang takutin yang anak natin." pagtanggol ni tatay sa akin.
"Aba! Dapat lang na matakot siya. Kapag hindi sila nagkabalikan ni Joseph ay tatanda siyang dalaga."
"Bakit naman nay? Pwede naman akong makahanap ng ibang lalaki." dahilan ko pero ang totoo hindi ko na yata kayang maghanap ng lalaking katulad niya.
"Maaari ka ngang maghanap ng ibang lalaki pero ang tanong, papasa ba sa amin? At ngayon palang Ira, sinasabi ko sayo na kahit sobra pang bait ng lalaking ipakilala mo, si Joseph parin ang gugustuhin ko para da buhay mo."
saad ni nanay."Ay tama! Tama!" biglang sambit ni tatay na ikinakunot ko ng noo. Tumingin siya sakin at tinuro ako. "Paghindi mo babalikan yang si Joseph, tatanda ka ng dalaga dahil hindi pa nakakapasok yang lalaking ipapakilala mo, hahabulin na namin ng taga ng nanay mo."
Napangiwi ako. "Tay naman!"
Malakas silang napahalakhak at napasimangot na lamang ako. Ngunit unti unting bumilog ang aking mga mata ng mapagtantong nasa likuran lang namin sina Joseph. Dahan dahan akong napalingon sa gawi nila at halos tawagin ko na ang lahat ng santo sa langit. They are looking at us!
Jusko naman!
Mariin akong napapikit at ibinaling ang mga mata ko sa aking mga magulang na nakataas na ang mga kamay at nakapiece sign.
Dala ng kahihiyan mabilis akong tumakbo sa aking kwarto at kaagad na sinarado ito.
NAKAKAHIYAAAA!!!
BINABASA MO ANG
DESTINED
Teen Fiction"Salamat. Masaya akong mahal mo rin ako. Pero minsan ang pagmamahal ay hindi sapat para mapanatili ka." -Ira