Chapter 51: Who's that girl?

610 4 0
                                    

Ashleen's POV

6:30 Am.

Nagising na ko. Hikab Hikab. Wala lang. Nakatulog na ko kaagad kagabi eh. Nakuuuu! Si Mark Kooo! Hinanap ko na kaagad yung cellphone ko. San na naman kayang sulok napunta yun? o.O

Pero... Hayy. Nang makita ko na, in-open ko kagad! Agad-Agad. At...

Message From: Grace

"Good Morning Bes! May walk kami ni Cathyyy! :) Sama ka na!"

Message from: Cathy

"Hey Ash! Wanna hangout with me and Grace? 3pm?"

Ang aga naman mag aya ng gala tong mga to?! o.O Excited lang?! Psh. Buti pa sila nagtetext. E si Mark? Pweeh. Di man lang nakaalala?! ._. Buti nalang kamo natulog ako ng maaga kagabi kundi doble badtrip na naman ako nito.

--

Mark's POV

Pagkatapos kong maligo ng pagka-aga-aga at magbihis, diretso na agad ako sa sala. Lalabas ako at maghahanap ako ng sari-sari store! >.<" Magpapaload ako.

Mama: O? Aga mo naman maligo. San punta mo?

Mark: Maghahanap lang ako ng paloadan.

Mama: Maghahanap ka ng pa-loadan, 7 o'clock in the morning? You kidding me?

Mark: Nope. I'm 100% serious. 5 minutes lang to, Ok? I'll be back and I'll eat with you. PROMISE.

Tumakbo na agad ako palabas ng pintuan. Bakit ba? Miss ko na si Ashleen. Kumaripas talaga ako ng takbo palabas ng gate kahit tinawag ako ni Mama. Bahala na.

Hanggang sa-- boom. Nabunggo ko yung isang babaeng kagagaling lang yata sa palengke. Tumalon lahat ng gulay na dala niya.

Babae: ARAYYY!

Mark: Sorry miss! (Sabay dampot sa mga gulay)

Babae: Ano ba! Akina na nga yan! Di kasi nagiingat eh? Wala ka bang mata?

Mark: Sorry na nga eh.

Babae: Sorry mo mukha mo! (Sabay alis)

Mark: Umagang umaga! Nagsusungit ka!

Sinigawan ko rin siya. Ang sungit eh. Sinasadya ko ba yun?

Tapos may biglang pumingot sa tenga ko.

Mark: Arayyyy!

Mama: Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka!

Mark: Aray ko, Mama!

----

Tanghaling tapat.

Na-tiyempuhan kong tulog silang lahat kaya dahan-dahan akong lumabas ng bahay. At sa WAKAS! Nakalabas na rin akoooo! :))

Kanina pa ko lakad ng lakad pero wala pa rin akong makitang sari sari store. Bundok na ba to? o.O

Buti nalang meron pang isang natira. ;) Buwahaha! Masayang masaya ako! Makakapagload na koooo. :D

Mark: Ale, pa-load nga po.

Ale: Pakisulat nalang ang # mo dito, iho. (sabay ubo)

Mark: (sinulat ang #)

Ale: Magkano po ito?

Mark: 100 po. Regular load po yan. Globe. :)

Ale: Oh. Okayyy. :)

Mark: (nag ring ang phone) Dumating na po, salamat! :)

Ang init, shetsss! Pweesh! Pero okay lang dahil mapapawi naman ang pagod ko pag nakausap ko na si Ashleen Babes ko. :)

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon