Chapter 23

16 5 0
                                    

"Is this the right time?"

Nabulunan ako nang sinabi ni Martha 'yon. Nasa hotel na kami at last day na namin ngayon kaya nagpahinga na kami. Bumili lang ulit kami ng pagkain namin sa baba. "Martha, alam mo naman na walang right time sa aming dalawa ni Billy."

Iniisip ko kung may asawa o girlfriend na kaya si Billy. Bakit gano'n pa rin ang trato niya sa akin. Dati, takot akong makita siya ulit dahil baka hindi niya ako pansinin. Sobra naman 'yung pansin na ginawa niya ngayong nagkita ulit kami.

Nakaayos na 'yung gamit ko dahil maaga ang flight namin bukas. Siguro bukas na rin ang balik nila Billy sa Pilipinas. Humiga na lang ako dahil wala na rin kaming gagawin.

"Hindi ka ba talaga makakapunta sa birthday ni Marco?" Tumingin si Martha sa akin nang tinanong ko siya. Nahihiya kase akong pumunta do'n na ako lang mag isa. "May lakad ako, Elle." Nag aayos pa siya ng mga gamit niya. Paano kasi ang dami niyang dinala.

"Sanay ka naman na pumupunta doon." Dagdag pa niya. Palagi akong pumupunta sa condo ni Marco para pag usapan namin 'yung bahay na ipapagawa ko. Siya ang kinuha kong engineer do'n. Hindi pa naumpisahan pero may nabili na akong lupang tatayuan ng bahay ko.

Nag cellphone na lang ako habang hindi pa ako inaantok. I viewed the facebook story of Tita Elly. She also posted the picture na kasama nila ako.

'Fam <3'

I smiled when I read the caption. Sobrang welcome ko pa rin sa kanya. Buti pa siya never niya kaming binawal ni Billy, parang hindi pumasok sa isip niya na kamag anak ko ang anak niya. Siya pa nga ang nag lalapit lalo sa amin ngayon, kahit naiinis na ako. "Elle, kinikilig ka ba? Kung tulungan mo kaya ako dito?" Inis akong tumayo at tinulungan siyang mag impake ng mga damit niya.

Niligpit namin 'yon saglit at humiga na kami. I used my phone again and nag text si Mama na nakita ko daw pala sila Tita Elly. This time, wala siyang sinabing layuan ko sila. Siguro dahil feel niya na naka move on na ako. "Elle, tignan mo facebook story ni Billy."

Kaagad kong tinignan ang story ni Billy. Ngayon niya pa lang pinost 'yung fireworks display. I got curious about his caption. I don't know what he was saying.

'Too near yet too far and you're hard to reach again just like the star.'

"Caption niya, Elle!" Sabi sa akin ni Martha. Pinipilit kong intindihin ang sinabi niya pero, hindi naman nagsisink in sa akin na ako 'yung tinutukoy niya do'n. Si Martha lang yata ang nag iisip nun. "Fireworks 'yung sinasabi, Martha!" Tinalikuran ko siya dahil inaantok na ako.

"Asus, kailan pa gustong maabot ni Billy 'yung star? Good night, sana makatulog ka!" Rinig kong sabi niya bago ako matulog.

“Ladies and gentlemen, the Captain has turned off the Fasten Seat Belt sign, and you may now move around the cabin. However we always recommend to keep your seat belt fastened while you’re seated.

In a few moments, the flight attendants will be passing around the cabin to offer you hot or cold drinks, as well as breakfast/dinner/supper/a light meal/a snack. Alcoholic drinks are also available at a nominal charge/with our compliments. Also, we will be showing you our video presentation. Now, sit back, relax, and enjoy the flight. Thank you.”

Maya-maya lang ay nag offer na ako ng drinks sa mga pasahero. Nandito na naman sila Billy at hindi na naman ako mapalagay. Palapit na ako sa direksyon nila habang tinitignan niya ako. "Coffee. Alam mo naman na 'yan ang paborito ko."

Hindi ko pa sila tinatanong at bigla nang nagsalita si Billy. Binigyan ko sila ng kape at umalit na ako sa harap nila upang ipagpatulot ko ang trabaho ko. Nakakainis si Billy! Kahit nasa trabaho ako inaasar pa rin talaga niya ako!

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon