July 7, 2020
Ika pitong araw ng ika pitong buwan, eksaktong 9:30pm, sa tagpuan natin kung saan makikita mo ang kagandahan ng mga tala sa kalangitan. Naging panata na nating magtapo dito isang araw sa isang taon. Kahit ilang oras pa ang I byahe ko mula maynila hanggang Tanay, lahat ng pagod ay napapawi kapag nakikita kitang masaya.
Ang mahalaga nakikita ko ang mga ngiting isa sa mga rason kung bakit ako nahulog, at pa tuloy pang nahuhulog sa kanya.
*******
July 7, 2015
Limang taon. Sa parehong petsa, ika pito araw ng ika pitong buwan, Limang taon na pala nung unang beses kong makita ang Maala angel nitong mukha, ang puting buhok nito na bumabagay sa puting balat nito."teka????" sambit ko sa aking isipan..
Oo teka.. Bakit parang may mali?? Nasaang lugar ako at sino itong kasama ko??Nakakatawa mang isipin pero limang taon na pala ang nakalilipas ng magising ako isang katabi ang isang magandang dilag na akala ko sa panaginip lang mangyayari.. ..
Hindi ko alam kung paano ito ngyari. Wala akong maalala, pareho kaming walang pang taas na damit, teka???? May nangyari sa amin???!!!!!
Teka lang.. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako.. Sa ganda nito papatol sya sakin?? I mean mas madaming mas gwapo pa sakin dyan pero bakit ako??
Himbing na Himbing ito sa pagkakatulog naka dapa siya, lagpas balikat ang buhok nito pero hindi ganoon kahaba, kitang kita ko ang tato sa likod nito, dalawang bituing Tila inaabot ang kamay ng isa't isa. Nababalot ng kumot ang baiwang nito pababa, sinubukan ko itong gisingin pero umikot lamang ito ng posisyon sa pagtulog, hindi ko alam kung matutuwa ako ng makita ko ang katotohanan, parang umikot din ang Mundo ko. Agad agad ko itong nasipa paalis ng kama, gumulong gulong itong hanggang sa malaglag sa kama.
"aray" sambit nito, hindi pa man ito nakakabangon dali dali kong hinanap ang damit ko at agad agad umalis sa lugar na yon. Hindi ko alam kung nasan ako, hindi ko alam kung anong nangyayari, kung bakit ganito pero kung nasa isang bangungot ako.
Please lang gusto ko ng gumising.******
July 15, 2015"Miguel Jacobo Dela Vega. Hooooyyyy" sambit ni Hiro habang tinatapik tapik nya ako..
"ano bang nangyayari sayo Jacob?? Isang lingo ka nang wala sa sarili mo ok ka lang ba?" dagdag nito
"Jacob kung may pinobrolema ka alam mo namang pwedeng pwede mong sabihin samin ni Hiro yon diba?" sambit ni Dylan
Hindi ko napansin umapaw na pala yung tubig na nilalagay ko sa baso. Isang lingo nang nakalilipas simula ng mangyari yong at isang lingo na rin akong walang sagot sa mga katanungan ko.
Si Hiro at Dylan ang mga matatalik kong kaibigan, simula sa mga nanay namin hanggang sa napasa sa mga anak si Dylan ang pinaka matanda sa aming tatlo, si Dylan ang pinaka mabait at pinaka maamong taong nakilala ko at panigurado akong maiintindihan nya yung bangungot na nangyari sakin kung sakaling I kekwento ko. Si Hiro naman ang bunso sa aming tatlo, isa si Hiro sa mga taong maaasahan mo kahit napaka kengkoy at napaka ingay nito isa sya sa mga taong pwede mong pagkatiwalaan. Hindi ko alam kung pano ko sisimulang yung kwento.. Pero sige na nga ganto kasi yung nangyari....******
"haaaaaaa!!!!!!!!??? Lalaki si angel mo???????!!!!!" sambit ni Hiro habang nasa cafeteria kami ng unibersidad. Hinila ko ito paupo.
"ano ka ba ang ingay mo naman" sambit ko
"teka pano nangyari yon.. Sigurado ka ba talagang may nangyari sa inyo?" sambit ni Dylan
"oo pareho kaming nakahubad.. Arrrrrrrggggg ayoko ng maalala yon.. Kahit kailan di ko naisip na isang araw gagawa ako ng lagim kasama ang isang lalaki... Hayyyys" sambit ko habang pains na ginugulo ang buhok ko. Wag kayong magalit sakin, hindi ako against sa mga bakla. Dalawa sa kapatid ko ang bakla at mahal na mahal ko sila, si Dylan, first year
College pa lang nung naging sila nung boyfriend nyang mas malamig at mas matigas pa sa yelo at bato. Hindi ko alam kung ano nakita ni Dylan sa boyfriend nya pero mahal ko silang pareho. Kapatid na ang Turing ko kay Dylan kaya tangap naming sya ni Hiro. At si Hiro, isang pansexual wala syang pake alam kung sino ang magugustuhan nya ang mahalaga sa kanya nag mamahal sya. Wala akong against sa kanila pero sa sarili kong alam kong 100 percent na straight ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano pumasok sa kukote ko at nauwi ako sa ganong sitwasyon..Mag dadalawang lingo na pero hindi pa rin ako maka limot, buti na lang nandyan Sina Dylan at Hiro para tulungan ako.. Palagi kaming nag pupunta sa gym para mag boxing, nang sa ganon ay makalimot agad ako..
Isang buwan.. Isang buwan ang naging proseso ko bago mag sync in sakin ang lahat. Unti unti ko ng kinalimutan ang nangyari. Bumalik na ang lahat sa normal. Hindi ko na masyadong iniisip ang lahat..
Nag focus ako sa pag aaral ko, nakalimutan ko na ang lahat. Bumalik ang lahat sa normal, nagising na ko sa pag kakabangungot.******
July 7, 2020"Jacob? Are you ok?" sambit ni Alesha, isa sa mga ka trabaho ko.
"yes Ali, I'm sorry medyo lutang lang ako ngayon araw" tugon ko.
"ayusin mo muna yung sarili mo go to washroom first ako na bahala ng mag hintay sa architect" sambit nito.
Nagpunta ako ng banyo Upang mag hilamos.
" see you later." sambit ko sa video message na ginawa ko para kanya. Sa loob ng apat na taon isang beses lang sa isang taon kaming magkita.
Habang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin, hindi matago ang Saya ko. Sa ngayon kailangan ko munang mag trabaho. Pag labas ko ng banyo ay natanaw ko si Ali kasama na yung architect unti unti na ko ng lumapit sa kanila.
"Jacob buti nandito ka na so this is architect Kai, Kai Miura. He's filipino - Japanese and don't worry marunong syang mag tagalog" sambit ni Ali.
Dahan dahan akong umupo sa tabi nito at nakipag kamay."hi I'm Miura Kai, nice to meet you engineer Jacob Dela Vega" sambit nito,
Hindi ko ikakaila pero natatawa ako.
Hindi ito yung unang beses na narinig ko ang litanyang yan.********
August 7 2015"hi I'm Miura Kai, nice to meet you engineer Jacob Dela Vega" sambit nito habang hindi pa rin ako maka paniwalang makikita ko ulit sya makalipas ang isang buwan, akala ko nakatakas na ko sa bangungot agad agad akong lumakad paglayo sa kanya, akala in mo yun, nag aaral lang kami sa iisang unibersidad at base sa uniporme nya, panigurado akong architecture student sya.
"tekaaaaa" sambit nya habang dali dali itong pumunta sa harapan ko. Hinawakan nito ang balikat ko, agad ko tinabig ang kamay nito itinulak syang papa layo.
"Wag mo na kong sundan at pwede ba hindi pa ko engineer" sambit ko habang papalayo sa kanya.."alam kong alam mong hindi ikaw yung kasama ko ng gabing yon." sambit nito. Para akong tinamaan ng ikaw na Bala at napahinto ako, nanginig ang buong katawan ko hindi ko alam gagawin ko.. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad, agad itong tumakbo papunta sa harapan ko, unti unti itong lumuhod.
" isang taon, kahit isang taon lang please. Kailangan ko lang tuparin yung pangako ko" sambit nito habang nakangiti ng malawak. Hindi ako nag salita at pa tuloy nag lakad.
"nag mahal ka na ba??? Ahhh siguro hindi pa" sambit
Nito, bumalik ako sa pwesto kung nasaan sya."ano bang kailangan mo?" sambit ko
"hayaan mo kong tuparin yung pangako ko sa kanya, pagkatapos non hindi mo na ko makikita" sambit nito
"bakit isang taon pa.. Bakit hindi pwedeng isang buwan?" tanong ko
"kasi isang taon na lang at aalis na ko gusto kong maging memorable kay Galen ang taong ito kasama ako.. So please, payagan mo na kong makita si Galen.. Please.."
Sambit nito.Oo nga pala bakit hindi ko naisip na hindi nga pala ako yung pakay nya simula ng una??
Kaya wala akong maalala,
kaya hindi ko sya kilala,
kaya akala ko panaginip lang lahat ng ito..
Nalimutan kong may isang katauhang nanghihiram ng katawan ko kapag wala ako sa kamalayan.
Nakalimutan ko si Galen.