Chapter 25

21 4 0
                                    

"Ikaw na ang bahala kay Elle, ha? Mag iingat kayo. Siguraduhin mong ihahatid mo siya sa condo niya."

Bilin ni Tita Rem kay Billy dahil pinagpaalam na niya ako na siya raw ang maghahatid sa akin! Ilang beses akong tumanggi pero sabi niya kapag hindi pa ako pumayag, bubuhatin niya raw ako papunta sa kotse niya.

"Magcocommute na lang ako." Sabi ko nang makababa na kami sa condo ni Marco. "Bakit ba?" Tanong niya dahil palagi akong hindi pabor sa mga sinasabi niya. "Edi kapag hinatid mo ako, nalaman mo na ang condo ko!" Padabog akong naglalakad mula sa likuran niya.

"Ang arte mo, hindi ko naman malalaman kung anong unit mo!" Sabi niya sa akin bago niya buksan ang pintuan sa shotgun seat. "Dito na lang ako sa likod." Tanggi ko. Tinignan niya ako ng masama kaya pumasok na ako. Mabilis siyang pumasok sa kabila.

"Papayag ka rin, ang dami mo pang satsat." Bulong niya, akala niya naman hindi ko siya narinig! Nanahimik na lang ako habang pinapaandar niya ang kotse niya. "Bakit kasi hindi mo dinala ang kotse mo?" Tumitingin siya sa akin kapag kinakausap niya ako. "Tamad ako." Maikling sagot ko.

Nilalamig ako dahil sa kaba. Almost two hours ang biyahe mula sa condo ni Marco hanggang sa condo ko. It means halos dalawang oras kong makakasama si Billy sa iisang kotse! Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Billy. Nakatingin lang ako sa daan.

"Swerte ni Marco sayo 'no? Sana all inaalagaan." Mabilis siyang tumingin sa akin at tumingin na ulit sa daan. Tumango lang ako bilang sagot ko sa kanya. "Siya pala 'yung sa twitter mo dati?" Wow, naalala pa niya 'yon? "Yes."

Matutulog sana ako nang bigla siyang magpatugtog. "Baby, don't be scared." Sinabayan niya ang kanta. That was our theme song before! Naalala pa rin ba niya o hindi na? Parang bumalik lahat ng alaala no'ng sinend niya sa akin 'yung video niya.  Tinitignan ko siya dahil naramdaman kong alam pa rin niya, feel na feel niyang pakinggang 'yung kanta, e!. "Baka naman malusaw ako nyan." Kaagad akong umiwas.

"Ihinto mo!" I don't want to hear that song  with him. Palagi kong pinapakinggan 'yon kapag wala siya pero ba't parang may bigat sa puso ko ngayong kasama ko siya. "Bakit?" Manhid na ba si Billy? Iniinis ba talaga niya ako?

"Paborito mo 'yan, hindi ba?" So he still remember what's my favorite song! Bakit ang dali lang sa kanyang ibalik ang mga alaala namin!? Hindi niya hininto 'yon kaya nanahimik na lang ako. Kumakanta kanta pa siya.

I used my phone para hindi ko na lang ako mag focus sa kantang 'yon. 'Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo.' Sinasadya na lang yata ni Billy ang lahat. Bakit gusto niyang marinig ko ang mga 'to. "Bumagal nga." Sabi niya nang makita niya kung gaano kahaba ang traffic.

He played all the songs that he sent to me before. Hindi ako natuwa sa ginawa niya. I was so inlove with him tuwing pinapakinggan ko dati 'yon. Now, iba na ang lahat. Puro sakit na lang ang nararamdaman ko dahil pinakinggan namin ulit 'yung mga kanta, we're not inlove with each other anymore this time.

"Bakit ang dali sayong kausapin ako ulit tapos ngayon pinaalala mo pa lahat ng masasayang alaala natin noon?" Nagulat siya sa sinabi ko. "Hindi ba sabi ko naman sayo noon na hindi pa naman tayo mamamatay, magkikita pa tayo ulit at mag uusap. Ayokong bumalik ulit tayo no'ng hindi man lang tayo nagpapansinan." Paliwanag niya.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Kailangan ba sweet and caring pa rin? Pwede namang magkakilala na lang, e. Hindi ba siya naiilang dahil kamag anak niya ako tapos ganito ang trato niya sa akin? "You know the reason why we ended, right? Bakit hindi ka nandidiri?" Umiling lang siya bilang sagot sa tanong ko

"Kamusta na si Kitty?" He smiled a bit while he's driving. Pati si Kitty, naalala pa niya. I don't know if I will be happy because he didn't forgot the reason why we started talking before. "She's fine. Nag aaral pa rin siya." I answered. Ang tagal ko nang hindi nakikita si Kitty dahil palagi akong may flight at kapag naman wala akong flight, may pasok pa rin siya.

Tumahimik ulit ang paligid. Malayo pa kami sa condo ko. "Bakit hindi ka umuuwi sa bahay niyo?" Nag salita na naman siya. Bakit kaya hindi na lang siya manahimik! "Umuuwi ako pero minsan lang." Tumango siya nang marinig niya ang sagot ko.

"May boyfriend ka na?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Bakit ba napaka curious niya sa lovelife ko!? "It's none of your business." Umirap ako at tumingin sa bintana sa tabi ko. "Wala naman akong business." Siya lang ang tumawa sa joke niya.

Hindi na ako nagsalita sa sinabi niya. "I'll ask Kelly na lang." Wow, gumawa pa nga ng paraan! Kahit naman si Kuya Kelly, walang idea kung meron o wala akong boyfriend.

Pumikit na lang ako para akala niya tulog ako. Maya-maya pa, may nag ring ang phone niya. "Hello, Ma?" Sagot niya. "Uuwi na nyan ako. Ihahatid ko lang si Elle." Patuloy akong nakikinig sa pinag uusapan nila. "Natutulog siya, Ma. Ayoko siyang gisingin."

Nang malapit na kami, umayos na ako ng upo. "Ikaw lang ba ang nakatira sa condo mo?" Tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil baka samahan niya akong matulog!

"Elle?" Hindi talaga siya tumigil hangga't hindi ko siya pinapansin. "Oo, pero sanay na ako." I assured para hindi na siya mag alala.. Ay, hindi naman pala talaga. Chismoso lang 'tong si Billy. "Sanay ka nang mag isa?"

"Hindi, wala lang akong choice. Hindi naman ako masasamahan ng boyfriend ko dahil wala ako no'n." Natawa siya sa sagot ko. I looked at him until I realized na nasabi ko pala na wala akong boyfriend!

He played a song again and nag eemote pa siya! Tumingin na kang ako sa daan at nakatulala. Naisip ko, maabot kaya namin ang pangarap namin ni Billy kung magkasama kami pa rin kami? Ganito kaya ang maabot namin kung hindi kami nagkahiwalay noon?

Ano kayang meron kami ngayon kung ipinaglaban namin 'yung pag ibig namin noon. Huminto siya at napatingin ako. "Ay, nandito na pala tayo." Bumaba siya para pagbuksan ako ng pintuan.

"Thank you!" Sabi ko nang makababa na ako. Nakatitig pa rin siya sa akin at hindi ako makadaan dahil nakaharang na naman siya sa dinadaanan ko. "Can I see your condo?" Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Bakit gusto niyang makita ang condo ko!? Hindi pa ba sapat na nakasama na niya ako sa buong biyahe? "Hindi, alam naman ni Mama na ikaw ang kasama ko." And so? Porket alam ba ni Tita Elly na kasama niya ako, hindi na agad siya uuwi!?

Sinama ko siya para matahimik na! Sumakay muna kami sa elevator dahil nasa 18th floor pa ang unit ko. "Ayaw mo ba? Uuwi na ako." Sinabi niya 'yon kung kailan nakasakay na kami sa elevator! Sana kanina pa niya sinabi para pinauwi ko na lang siya.

"Wow! Ang ganda pala, Elle. Ang daming designs, ha?" Pinagmasdan niya ang buong paligid ng condo ko. "Ang dami mo na palang nalibot na lugar." He's now looking at my pictures sa iba't-ibang lugar na napuntahan ko. Akala ko aalis na siya nang makita niya ang buong condo ko, but no! Umupo pa siya sa may kusina.

He stood up again at kinuha niya ang ukulele ko. "Nandito pa pala 'to." Sabi niya habang inaayos niya ang tono. I am just looking at him at tinitignan ang mga kilos niya.

Tinugtog niya sa ukulele ko 'yung kantang kinanta niya dati back when he went to our house. "Do you still know this?" Tumingin siya sa akin at nagsmile siya. Tumango lang ako at binuksan ang ref para kumuha ng tubig.

"Ako gusto ko kape. Ay! Ang daming softdrinks, ha?" Hindi ko naman siya tinatanong pero nagsuggest pa siya ng gusto niyang inumin! Pinagtimpla ko siya at pumunta muna ako sa living room habang hinihintay siyang matapos doon.

Pumunta si Billy sa harapan ko at nakita kong ginigising niya ako. Nakatulog na pala ako! "Elle, uwi na ako. Thank you sa time mo, ha?" I opened my eyes and he's standing in front of me. I stood up para ihatid siya sa pinto. "Thank you sa paghatid sa akin dito."

"Good night! You can always call me when you need a handsome driver. Naks, from engineer to driver! Napa english tuloy ako. Hindi naman ako nagpalit ng number. Ingat ka sa flight mo bukas, Elle."

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon