CHAPTER 2: Groupmates
"Para p—"
'Di man lang pinatapos yung sasabihin ko bago huminto, kainis! Nakababa ako ng jeep kasama ang ibang estudyante ng River Stone University. Sayang nga lang at hindi ko nakasabay kanina si Sid.
Malamig ang hangin at makulimlim pa ang langit. Kahit na anong oras, ingay lang ng mga sasakyan ang maririnig mo kapag lumabas ka ng campus. Natawid ko ang daan kahit na ilang beses akong muntik masagasaan ng mga sasakyan na hindi humihinto sa pedestrian lane. Sumulyap ako sa relo ko, hindi pa ako late!
Nakapasok ako ng gate at pumila para sa ID scanner. Kinapa ko sa bulsa ang ID ko pero halos atakihin ako sa puso nang cellphone at panyo lang ang dinapuan ng kamay ko. Lagot! Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang malamig na butil ng pawis na namuo sa noo ko. Ako na ang sunod!
Sa tabi ng scanner at may guard na kung hindi busy sa iniinom niyang kape ay nagsusulat ng kung ano-ano sa logbook. Huminga ako ng malalim at prenteng naglakad papasok. Nakahinga naman ako maluwag nang makalagpas ako sa entrance. Muntikan na 'yon ah.
"Sir, wait lang!" Sigaw ng malalim na boses mula sa likuran ko. Pakshet, yung guard! Binilisan ko lalo ang paglalakad pero hindi ko hinayaan na mahalata ang pagmamadali ko. Muli akong sumulyap sa relo ko at nakitang ilang minuto na lang bago magsimula ang klase.
Gago, sana sa ibang gate na lang ako pumasok. Ilang ulit pa tumawag ang guard pero patay malisya lang akong naglakad. Pero nanigas ang kalamnan ko nang may humawak sa braso ko. Niingon ko iyon at hindi ako nagkamali, yung guard nga!
"Sir, nahulog niyo po yung panyo niyo," usal niya. Hinihingal akong ngumiti sa kanya at nagpasalamat. Muli akong naglakad pero pagtapos ng ilang hakbang ay tinawag niya akong muli.
"Bakit po?"
Bakas sa masikip nyang uniporme ang katawan niyang hindi maitatangging sanay sa gym. Kahit ilang oras siguro akong mag-training hindi magiging gano'n ang katawan ko. Nasa lahi ang pagiging barako 'no!
"Sir, 'asan ang ID niyo?" Tanong niya habang ang dalawang braso ay nakatukod sa bewang niya. Kahit siguro tumakbo ako nang sobrang bilis ay wala akong kawala sa kaniya. Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa kanya para sumuko.
Habang naglalakad papunta sa helera ng upuan para sa mga samahan ng walang ID, ay binati ako ng mga kakilala ko mula sa college. Nakakahiya naman, putik! Bakit ba may mga college students na, mga high school lang naman ang pumapasok ng alas-otso?
"Nakalimutan ko nga po sa bahay." Paliwanag ko ulit kay manong na nakahuli sa'kin. Isa-isa kaming tinatanong kung bakit wala kaming ID. Ayon sa iba, nawala daw yung sa kanila o 'di naman kaya ay tinago daw ng kaibigan nila. Ewan ko, parang mga bano. Ba't 'di na lang at nila sabihin yung totoo.
"Alam mo ba na minor offense 'yan ah? Tapos tinakasan mo pa kami."
"Eh kuya, varsity ako eh! Hindi ako pwedeng makatatlong minor!" Natatarantang sagot ko sa kanya. Kinamot niya naman kaniyang ulo at may binulong sa walkie-talkie.
BINABASA MO ANG
Atom's Match Point (BL)
Romance[ BL STORY ] Atom Arceo plays a vital part in their university's volleyball team. A jolly, energetic, and approachable senior high school student was put into test when he got in a group with Mikhail Hermano. Can he receive the chance ball to win hi...