Chapter 3

8 2 0
                                    

CHAPTER 3: Nemesis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 3: Nemesis

Kinabuksan, naging normal naman ang pagpasok ko sa school. Hindi ko nakalimutan ang ID ko at hindi ko nakita kahit ang anino ni Walter. Hindi ako pinagalitan ni coach kahapon kaya excited akong mag-training ngayon.

Mabilis na lumipas ang oras at halos buong klase ay palihim lang akong natulog. Puro discussion lang at walang mga quiz, kaya chill lang ako ngayong araw. Pakiramdam ko maganda ang araw ko ngayon.

"Feminism does not only advocate the rights of women but also the abolishment of patriarchy, capitalism, and discriminations among all genders." Huling paliwanag ng teacher namin sa Social Science bago kami pauwiin.

"Arat na, 'tol!" bulyaw ko kay Sid na parang pagong kung kumilos. Sana ganito rin siya kapag training para na re-receive ko mga spikes niya.

"Maghintay ka nga, isubsob kaya kita mamaya?"

"Yabang mo, ah? Kung wala ako 'di mo naman mapapalo, ulol!"

Ang iba sa mga kaklase ko ay umalis na at ang iba naman ay nag-uusap pa. Matapos ayusin ni Sid ang mga gamit niya ay lumabas na kami ng room. Nadatnan namin si Carla sa corridor na salubong ang kilay at nakakrus ang mga braso. Napano na naman 'to?

"Why are you two nagmamadali ba? Two weeks pa naman before yung reporting 'di ba?" sabi niya at inirapan ang kausap niya. Nakalapit kami sa kanila at nakita ko ang dalawang lalaki na parehong seryoso ang ekspresyon.

"May problema ba?" Sabat ni Sid na nakakuha ng atensyon nila. Nanlaki naman ang mata nung matangkad. Ah, si Inson!

"Sakto nandito rin kayong dalawa. May meeting daw tayo ngayon para sa presentation na'tin." Nakita ko naman ang isa pang kasama niya na nakatago sa likuran niya. Si Hermano!

Presentation? Meeting? Lagot, nahuli pa ata kami! Bumaling ako kay Sid na nasa akin na pala ang paningin. Pasimple siyang umiling at muling tumingin sa dalawa.

"Ah, gano'n ba? Hindi kasi kami pwede ni Atom, may training kami."

"Training? Bakit varsity ba kayo?" singit naman ni Hermano. Kalmado lang ang ekspresyon niya pero parang may panlalait sa kaniyang tono. Mayabang din!

"Uh, yeah? 'Di ka informed?" bawi ni Carla. Nagkatinginan ang dalawa, lumunok pa muna si Hermano bago muling nagsalita.

"P-Pero kailangan na natin simulan kahit draft and ideas lang." Yumuko siya at kinamot ang patilya niya pagkatapos niyang magsalita. Ang hinhin naman nito parang 'di lalaki, eh.

"Sisimulan ko na rin yung powerpoint para input na lang ang gagawin niyo." Taas noong sabi ni Inson habang nakahawak pa sa baba niya at tinataas-baba ang kilay. Weirdo. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan at tanging ingay lang ng ibang tao ang naririnig.

"Uhm, wait." Napunta kay Sid ang atensyon namin na may hinahanap sa bag niya. Nakahinga ako nang maluwag no'ng nakita ko kung ano ang hawak niya. "Ito yung V-ID ko. Siguro naman alam niyo kung anong perks nito 'di ba?"

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon