" Periodic Table of Elements "
Geez. Yan nanaman, eh simula first year yan nalang lagi naming topic ! Pwede bang maiba naman ?! But Oh well, wala naman akong magagawa kundi tanggapin nalang ang hard truth na yan. May masisi ba ko ? Eh, major ko to. Im a B.S. Medical Technology student at wala akong magagawa kundi pag-aralan to. Haaay -___________-
" LA ......" tawag sakin ni Lena.
" Yes? "
" Kanina ka pa tinatawag ni Sir" nagpanic naman ako sa sinasabi niya at tinignan si sir.
" Daydreaming again LA?" Shit, pang ilang beses na to ah.
" Ah y-yes sir?"
" Who's Dmitri Mendeleev?" Sus, yun lang naman pala. Sasagot na sana ko ng may biglang kumatok sa room namin.
" Sir?" sabi nung guy na kumatok kanina, habang hawak-hawak yung COR nya. Hindi nagsalita si sir nun at pinirmahan na lang yung COR nya. At at at pinaupo nya sa tabi ko yung guy na yon. Shocks, ayoko pa naman ng may katabi. Hell >: |
Hindi na natuloy yung recitation ko dahil tumawag na ng iba si sir. Ugh sayang yun no ! Points din yun !
" Hey !" bati sakin ni Ren Dylan Torres.
" Heyyy"
" Dylan" ni lend niya yung kamay niya pero hindi ko tinanggap
" I know. Sino ba namang hindi makakakilala sayo"
" LA. Leslie Alexandra" after 5 minutes nagsalita ulit sya.
" LA. Nice name huh?" Bigla nanaman syang nagsalita, i looked at him and didnt say a word baka mahawa pa ko sa ka-weirduhan neto eh. Maya-maya lang eh, nagkalikot b naman siya dun sa bag niya at naglabas ng post it note. Nagsulat siya dun and then dinikit niya sa desk ko. Tinignan ko sya pero nag smile lang sya. Pagtingin ko dun sa note may nakalagay na mga numbers " 92 18 15 75 22 ( Sorry for the wrong spelling ! ) :)))) " Pagtapos kong basahin yun finally nagbell na. Lunch time and dahil nagiisa lang ako, nag stay lang ako sa may pavillion ng school and nag browse ng lessons. Ang hirap maging loner, promise. After One hour ang 30 minutes na pagbabasa eh, yung next subject ko naman. Pagdating ko dun nagbubunyi na yung mga blockmates ko dahil wala daw yung prof. Wala namang next subject kaya umuwi na lang ako.
*Next Morning
Chemistry nanaman but this time hindi lecture kundi laboratory naman. Pinag-pair pair kami, after nun binagyan kami ng tig-dalawang microscope saka yung mga plates na may unknown bacteria. Tapos nun i-identify namin yung bacteria gamit syempre yung microscope. At dahil mag isa lang naman ako kinuha ko na yung lab gown ko at pumunta dun sa station ko ng ....
" Ms. Velasco here we are again. What's the first rule ?" sigaw sakin ni sir habang yung mga classmates ko nagtitinginan.
" Ah, never start doing anything without your partners or groupmates" sabi ko habang naka-yuko.
" Alam mo naman pala eh, bt tinutuloy mo pa?"
" Sir i didnt have a partner. I always do experiments on my own" pagkasabi ko biglang bumukas yung pinto ng room namin at iniluwa ni si Errr sino pa ba .... si Dylan. Psss >__<
Sir Miggy looked at me " Mr. Torres is your partner" pagtapos nun naglibot-libot na si sir sa bawat stations para i-check yung mga ginagawa namin. Si Dylan naman kinuha yung labgown nya at nagdiretso sa station namin.
"Sorry Im late" hindi ko sya sinagot binigay ko lang sa kanya yung ibang plates tapos tinuloy yung ginagawa ko.
" Galit ka ba sakin?" tanong nya. tumawa na lang ako