Chapter:9

26 2 0
                                    


[Chapter:10]

"Cheska!! I know it was too quick dahil last month lang tayo nagkakilala but, I really like you cheska! Mahal na kita!!" Sigaw niya na ikinagulat ko at biglaang diniin na ni Principal Guiterrez ang aking mga daliri dahilan para maiputok.......
























Maiputok ang baril na walang nakalakip na bala sa loob.





"Swerte!!" Isang malakas na halakhak ni Principal Guiterrez na umalingawngaw sa buong paligid. Gosh! Kinabahan ako.


"Should we start Mr. Principal?" Tanong ng isang lalaking nakamask habang bulong bulong niya lahat ng sinasabi kay Principal Guiterrez. Ang hina mo namang bumulong tukmol lakasan mo pa ng marinig na ng lahat nahiya ka pa na baka hindi ko naririnig e.


"Ano pa bang hinihintay niyo? Edi simulan niyo na!!" Sigaw niya na mas kinatakot ko. Galit na galit naman 'to masiyado sa mundo. Hinay hinay lang baka pumanaw ka agad, pfft. Sana nga.

"Humanap kayo ng tatlong kasama niyo upang tumakbo... Maghahasik ng lagim ngayon ang killer. Dalawang oras ang unang palugod ko dahil gusto kong maghanap kayo ng magandang taguan at bago sumapit ang alas otso ng gabi...." Isang matinding katahimikan ang kumawala sa buong paaralan.


"Kung sino lamang ang makapunta dito sa quadrangle ay yun lang mismo ang makakaligtas" patuloy ni Principal Guiterrez at agad na nagtakbuhan ang mga estudyante. Nginig na nginig ako at hindi ko alam ano bang dapat kong gawin. What I'm gonna do now? Exempted ba'ko Mr. principal? Sabihin mo lang ng maka pagpahinga naman na'ko.



Sinulyapan ko naman si Erick na tumatakbo na papunta sa'kin ngayon. Erick! Dalian mo naman please mamaya mabaril ako rito bigla! Gosh...

"Erick!! I'm sorry!!" Sigaw ko habang sinalubong na rin siya at agad naman na kaming tumaliwas ng takbo at papalayo sa malawak na quadrangle.

"It's okay! Hurry hurry! Magtago tayo!" Sigaw niya dahilan para mas bilisan ko pa ang aking mga takbo. Saglit lang naman hinay ka lang hindi naman ako runner at athlete.

Nakita ko naman na hawak ko pa pala ang revolver na binigay sa'kin ni Principal Guiterrez, hala? Ano 'to? Ipuputok ko na ba 'to sa bumbunan niya now na? Sabihin niyo lang ng matapos na 'to.


"E-erick" nginig kong sabi habang pinagmamasdan ang aking kamay na hawak ang revolver, pinakita ko ito kay Erick at nagulantang din siya. Sino ba naman kasing hindi magugulat e may hawak akong baril. Delikado 'to!

"I-ilan ang bala niyan?" Tanong niya habang napahinto kami sa kakatakbo. Anong nasa isip niya? Anong nasa isip mo Erick!

"A-apat" sagot ko na lang habang nanginginig na pinagmamasdan namin ito... Agad niyang hinablot ang revolver at agad na tumakbo kaming muli. Why!? Saan mo gagamitin yan Erick!


"B-bitawan mo yan!!" Ngiyak kong sabi habang tumatakbo kami at papakyat ng hagdan. Pa'no kapag yan pa ang magpahamak sa'min lalo!? Ano Erick! Dali na... Iwanan mo na lang yan naiistress na'ko sayo!

"H-hindi pwe-pwede..." Hinawakan naman niyang muli ang kamay ko, but I let go... No, hindi mo kailangang pumatay ng tao. Hindi naman siya ang killer diba? Hindi ka naman yun diba Erick!?

"K-kailangan kitang p-protektahan" tugon niya na ikinatahimik ko, He doesn't need to. Kaya ko ang sarili ko Erick, kayang kaya ko! M-mahal niya ko... Hindi ko alam ang nararamdaman ko para sa'yo Erick. Ayokong pag-usapan yan gayong mapanganib ang panahon.

........




Narito kami ngayon ni Erick sa ikalawang palapag upang maghanap ng tataguan. Nasa Highschool building kami dahil ito lamang ang tanging kabisado naming building sa lahat ng istrakturang itinayo ng eskwelahan. Napakalaki naman na kasi ng inexpand at ilan na lang ang building na kabisado namin dahil maraming pinatayo na bagong building dito na hindi naman namin minsan pwedeng puntahan ng walang pahintulot.

Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon