Napalingon ako sa selpon nang tumunog ito. Kanina pa pala ito snooze ng snooze. Ala una y media kasi ang iniligay kong oras pero ngayon ay alas-dos y media na ng hapon. Naging mahaba ang sabi ko ay idlip lang. Napuyat kasi ako sa pag-re-research at pagpa-practice mula kagabi hanggang kaninang alas-sais ng umaga. At isa pa, Sabado ngayon. Malamig rin ang paligid. Hindi maaraw pero hindi rin naman umuulan. Masarap matulog.
Bumangon ako at inayos ang hinigaan. Hinablot ang suklay sa bedside table at pumunta sa sulok ng kwarto kung nasaan ang isang maliit na salamin, sakto lamang ang laki para makita ang aking mukha at dibdib. Regalo sa 'kin ito ni Mama noong 16th birthday celebration ko dahil kababaeng tao ko raw ay hindi man lang nakaugaliang magsuklay pagkagising.
Habang naghahanda para lumabas ay napatingin ako sa may bintana kung saan naaninag ko ang maliit na pigurang kumukuha ng mga sinampay sa labas. Napangiti ako nang maalalang day-off ni Mama ngayon.
Agad akong lumabas ng silid nang dumiretso na ang buhok kong malamang ay nalawayan ko habang natutulog. Pagbaba ng hagdan ay agad kong sinalubong ng ngiti ang aking ina na kakapasok lamang bitbit ang mga sinampay.
"Good afternoon!" Bati ko sa kanya at binigyan ng maliit na halik sa pisngi.
"Good afternoon din!" Nakangiti niyang ganti.
Pasimple akong umupo sa sofa at pinagmasdan siyang ilagay sa banig ang mga sinampay. Nakaugalian kasi namin na maglatag ng banig sa sahig para maging mas malawak ang espasyo para sa pagtutupi. Nagsimula na siyang humablot ng mga T-shirt at iniisa-isa ang pagtatanggal nito sa hanger. Nagugutom ako.
Tumikhim ako. "Ma, walang merienda?" Cut. Wrong line. Wala sa script. NG, sabi ng direktor.
"I-prito mo na 'yung tikoy. Ang tagal na niyan diyan sa ref, noong Chinese New Year pa. Hinati ko na iyon kanina habang natutulog ka. Bumili na rin ako ng itlog." Huh?
Malumanay? Hindi galit?
Ah, kasi...
"Okay!" Hindi ito ang direksyon na in-imagine ko pero okay!
Tumakbo agad ako sa kusina at nagsimulang kuhanin lahat ng ingredients sa pantry. Ang tikoy? Wala sa recipe.
Binuksan ko ang refrigerator at sinilip kung naroon pa rin ang box. Ayos! Hindi niya nakita. Nilabas ko ito dahil matagal na ito sa loob.
Gagawa ako ng royal icing para sa cake na ginawa ko kaninang umaga.
Kumuha ako ng malaking bowl at mixing spatula, pati na rin ang ziplock bag na ginupitan ko ng maliit na butas sa sulok para gawing piping bag.
Binuksan ko ulit ang website ng recipe na sinusundan ko and the experiment begins.
**
Fail. The icing was too runny and liquidy, it won't hold its shape. In short, palpak. Kalpot. It was too late that I realized I searched for the wrong kind of icing. What I was looking for was buttercream frosting. Vanilla buttercream frosting. Napaupo na lamang ako sa upuan. Why did I not bother to look carefully? Royal icing is not a frosting, of course!
Napabuntong-hininga ako. I can't do anything anymore without looking suspicious. Ubos na ang powdered sugar at mapapansing kakaunti na lamang ang itlog.
"Alyssa, ang tagal mo yata d'yan!" Sigaw ni Mama mula sa sala.
Patay!
"Saglit po! Nasunog ang iba!" Ihh... Lord, sorry po.
I have no other choice but to use the failed icing instead. Sayang din naman kung itatapon lang. I carefully lifted the cake from the box at inilagay sa diy'ed turntable o platong nakapatong sa mug. I immediately coated it with the icing. I have to be fast bago pa siya pumasok sa kusina!
"Bilis na at matatapos na ako rito. Sakto, gutom na rin ako." Rinig ko ang tunog ng mga hanger na nagpupumilit na kumalas sa iba.
Ack... nasaan na ba ang kandila?!
Yabag ng mga paang umaakyat sa hagdan.
Nasaan ang posporo?!
Kuskos ng mga tsinelas na bumababa ng hagdan.
"Bilis, bilis...," bulong ko sa aking sarili habang sinisindihan ang kandila.
Pagkaluskos ng magaspang na banig sa patag na sahig.
Happy birthday... Happy birthday to you..
Dahan-dahan kong iniangat at ipinatong sa aking pasmadong mga palad ang plastic na plato. Nang maanigan ko ang kaniyag bultong papalapit ay nagsimula akong umawit.
Happy birthday to you...
Happy birthday to you...
Happy birthday...
Happy birthday...
Happy birthday to you...
Nanlalaking mata ang naanigan ko sa kaniyang mukha. Pansin ko rin ang pamumuo ng mga luhang nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga pisngi. Marahil ay hindi niya talaga ito inaasahan.
"Paano nangyari...? Eh kakabab–"
"Kaninang umaga ko pa po binake ang cake, buong magdamag akong nag-try na maiperfect," putol ko sa kaniya. "Pinilit kong tapusin bago mag alas-sais y media dahil alam kong gigising ka na."
"Eh... anong ginawa mo rito sa kusina?" Pansin kasi ang namumuting lamesa mula sa powdered sugar at mga egg shells sa lababo. Napangiwi ako.
"Eh ma, kung mamaya ka na magtanong. Blow the candles muna!"
Natawa siya pero pinikit rin ng marahan ang mga matang mamasa-masa at bumulong.
"Yey!" Inilapag ko kaagad ang cake sa lamesa at kinuha ang aking cellphone. Nag-picture muna kami ng marami before we devoured the soggy cake.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin at mapaisip. This woman in front of me has been with me for the whole 17 years of my life. Thank you, G, for giving me the best woman I could've ever known.
BINABASA MO ANG
Love's Best
Short StoryLove is the best from your mom. I wrote this story for my mom when I was 17. Momma, this is dedicated to you :'>