Nag i scroll lang ako dito sa news feed ko dahil wala akong kachat,oo wala kahit nasa rpw na ako wala paden puro gc nga lang laman nung messages eh
Jaxer Craige sent you a friend request
Bigla nalang may nag add sakin syempre normal nalang naman sakin yan kaya inaaccept ko agad pero syempre inistalk ko sya,wala pang kalaman laman tl nya mukang bago palang sya dito
Bigla nalang may nag pop na chat chat head kaya agad kong binuksan to
"Hi"
Yan ang nabasa ko and kay Jaxer Craige pa galing,yan ha may kachat na ako,kaya nagreply naman ako agad sa kanya
"Hello"
Pagkasend ko nyan ay naseen nya agad,wow ha mabilis magreply
"Can you be my friend?bago lang kasi ako dito"
Tama nga ako bago lang sya dito,nagreply naman ako sa kanya ng sure tapos nun at nag tuloy tuloy na ang pag uusap namin,nung umpisa ay nagtatanong lang tungkol sa isa't isa para magkakilala,hanggang sa napunta na kami sa iba't ibang topics at marami kaming similarities kaya madami kaming napag uusapan
"LEI BUMABA KA NA DITO MAGSAING KA NA"rinig kong sigaw ni kuya mula sa baba,pagtingin ko sa labas ay medyo dumidilim na pala di ko namalayan ang oras
"Jaxer mamaya nalang ha,magsasaing muna ako ingat ka"
Chat ko sa kanya at hinintay lang ang reply nya saka ko pinatay ang cellphone ko,nakababa na ako at nakita ko naman si kuya na tutok sa cellphone nya kaya di ko nalang pinansin at dumeretso na ako sa kusina para magsaing
Pagkatapos ay tinawag ko na si kuya para kumain,mamaya pa kasi uuwi si mama galing sa trabaho si papa naman nasa ibang bans,dumating na si kuya dito at tutok paden sya sa cellphone nya
"Kuya mamaya ka na nga magcellphone kumain ka muna"
Sabi ko sakanya at nagsandok na ng pagkainPagkatapos kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan at dumeretso na ako sa kwarto ko para magcellphone
"Ey Jaxer nakakain na ko sana nakakain ka na din"
Message ko sakanya maya maya lang ay nakapag reply na sya sakin,wala sigurong ginagawa to.
Ilang oras din kaming magkausap ni Jaxer hanggang sa antukin na ako"Jaxer inaantok na ako bye na,goodnight"
Paalam ko sakanya agad agad din naman sya nagreply
"Sige Jendra goodnight sleepwell"
Pagkasend nya sakin nun ay hinart react ko lang at natulog na ako
- - - - - - - -
Tatlong buwan na ang nakalipas simula nung unang pag uusap namin ni Jaxer,masarao kausap si Jaxer dahil laging nay reserbang topic pag nawawalang at sa loob ng tatlong buwan na yun ay di ko namalayan na unti unti na din akong nahuhulog sa kanya,di ko alam kung bakit kahit di ko pa sya nakikita kahit di ko pa naririnig ang boses ay nahulog na ako sa kanya,kahit alam kong bawal ang magkagusto sa kanya dahil nasa pekeng mundo kami ay nahulog parin ako sa kanya,sa tuwing kausap ko sya lagi akong masaya"Jen nanjan ka pa ba?sineseen mo nalang ako?"
Basa ko sa chat nya,natawa nalang ako dahil dito
"May ginawa lang ako,ito naman"
Send ko sakanya,may mga oras na sweet kami sa isat isa pero wala kaming label,di ko naman na tinatanong sa kanya yun dahil baka mailang lang sya,ayoko naman na iwasan nya ako dahul lang sa tanong ko na yun mas okay na ako kahit magkaibigan lang kami