Iwinagayway ko ang aking mga kamay sa daloy ng musika at tugtugin na kinakanta ni Genevieve. Hindi ko maipaliwanag ang aking sarili sa halo-halong emosyon na aking nadarama. Hindi parin kasi ako makapaniwala na makikita ko siya sa malapitan. Masasabi kong mas maganda siya sa personal kaysa sa television. Kapag tinitigan siya ay kapansin- pansin ang perpektong hugis ng kanyang ilong, ang malakurba niyang labi na sobrang pula at ang mata niyang may pagka-banyaga.
Akala ko sa panaginip lang mangyayari ito. Mahirap lang kasi kami at walang kakayahang bumili nang ticket. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Bazz nang ni-regaluhan niya ako nito noong kaarawan ko. Sinabi niya sa akin na sinadya niya din iyon para makapag-bonding naman kami. Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Halos di ko na makita ang dulo sa sobrang dami ng tao sa araneta. Napangiti ako nang marinig ang pagkasabay-sabay ng kanilang boses habang kumakanta ng 'fearless' Na kasalukuyang kinakanta ngayon ni Genevieve.
Habang pinapasadahan ko nang tingin ang kabuuan ng stage. Napansin ko ang pamilyar na lalaking nakatayo sa gilid ng backstage habang nakangiti siyang nakatingin sa idolo ko. Matipuno ang kanyang pangangatawan ang tindig at ang pananamit niya ay sumisigaw ng karangyaan. Iniisip ko pa din kung saan ko siya nakita hanggang sumagi sa isipan ko ang newspaper na nabasa ko lastweek. Siya ang pinakabatang successful business man sa pilipinas at may-ari nang isang sikat na kompanya. Ito ang Castañeda Company. Siya din ang nababalitang kasintahan ni Genevieve ngayon. No wonder kung bakit ganon siya makatitig sa idolo ko he's head over heel inlove with her.
Napasinghap ako sa biglaang paghalik ni Bazz sa aking leeg at Napalingon ako sa kanya nang niyakap niya ako sa aking likuran. Hinaplos ko naman ang kanyang braso at dinampian ko siya ng halik sa pisngi.
"I love you my man." Sambit ko sa kanya.
"I love you too." Aniya saka niya ako hinalikan sa aking labi.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang dinidikit ko ang litrato namin ni Bazz na magkasama sa concert. Bawat memories namin dalawa ay hindi ko pinapalampas at agad ko itong kinukuhanan ng litrato. Dinidikit ko kasi ito sa pader ng aking kwarto hanggang sa makabuo ng malaking hugis na puso.
"Masaya kana niyan?" Sarkastikong tanong ni Josiah sa akin habang nakaupo siya sa aking kama at kumakain ng popcorn.
Inirapan ko siya "Oo! May jowa ako eh." Then I flipped my hair.
"Sana all may jowa!" Hiyaw niya sa akin.
Umiling nalang ako sa kanya at niyaya ko siyang lumabas para samahan akong pumunta sa bahay ni lola. Wala kasi si Mama ngayon dahil sa paglalabada niya, wala din siyang iniwan na pera sa amin, kaya wala akong choice kun'di humingi ng ulam para sa mga kapatid ko.
"Hanggang ngayon ba ay hindi kapa din nakakahanap ng trabaho!?" Tanong ni lola sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
Napakamot ako sa ulo "Mahirap po kasi ang makahanap ngayon lola, wala po kasing hiring sa bayan." Sagot ko sa kanya.
Andito kasi kami nakatira sa Albay. Wala masyadong establisyemento sa lugar namin kaya pahirapan makasagap nang trabaho.
"Aba'y 'di pwede ang laging ganyan laang! Mabuti pa kung lumuwas ka nalang sa Manila nang may pakinabang ka naman. Ilang buwan ka nang tambay jaan. 'Di porke may mayaman kang nobyo, ay 'di kana magsusumikap! Dag-dag problema ka lang sa nanay mo."Aniya
Napakagat nalang ako sa aking labi habang nakayuko ang aking ulo. Hindi ko magawang tingnan si Lola. Ilang ulit ko nang naririnig ang mga masasakit na salitang lumalabas sa kanyang bibig tungkol sa akin. Minsan ay chinichismis pa niya ako sa mga kapitbahay namin. Lagi niya din pinapamukha sa akin na nakapagtapos lang ako nang kolehiyo dahil kay Bazz. Pero kung alam lang niya ang mga pinagdaanan ko, ang pagkuha nang part-time job habang nag-aaral at ang ginagampanan ko bilang panganay sa aming tahanan. May pagkakataon pa na sinasabay ko ito lalo na pag nasa trabaho si Mama. Apat kasi ang mga kapatid ko nag-aaral pa ang dalawa sa high-school tapos ang dalawa namn ay elementary pa lamang. Kaya wala akong maasahan sa kanila pagdating sa trabaho. Wala na din kasi kaming tatay, namatay ito sa sakit sa puso noong fourth year highschool pa lamang ako.

BINABASA MO ANG
I Slept With My Boss
RomanceStrong Parental Guidance is advised. Respect, time and love is everyone's dream in a perfect relationship. Lily have it all and she feel blessed because of that kind of love. Having a perfect boyfriend is a best gift she ever had. But what if the p...