Cholo
"Hoy bakit ka nandito?!" hindi ko mapigilang sumigaw kahit puno pa ang bibig ko ng kinakain kong lasagna. Bakit nandito ang babaeng 'to?! Di naman ata nabanggit ni Kade na may bisita pa pala bukod sa'ming mga volleyball players na babae't lalaki tas 'yong barkada ni Kade sa ibang school.
"Anong paki mo?" kunot noo niyang tanong sa'kin. Tiningnan niya muna ang mga kasama ko bago dumapo ang tingin niya sa dating kabarkada ni Kade tsaka ngumiti... NGUMITI?! Marunong pala 'tong ngumiti?!
"Alam mo bang bawal rito ang hindi invited ha? Bakit ka nandito?" tanong ko muli at naramdaman ko naman ang pag-sapak ni Jerik sa braso ko. "Bro, ubusin mo muna pagkain mo bago ka mag eskandalo rito! Nakakahiya ka!" mahinang giit ni Jerik sa tenga ko kaya napalunok ako ng kinakain ko ng wala sa oras.
Napansin ko ang pagkabigla ng dating barkada ni Kade habang nakakunot naman ang mga noo ng kapamilya nila. May iba namang bisita na bumati sa kaniya tila kilalang kilala siya ng mga 'to.
"Hi Jaimee, kumusta ka na?"
"Ate Jaimee ang ganda niyo po!"
"Jaimee send my regards to your family."
"Ate Jaimee, I heard na kaklase na ulit kayo ni kuya Kae."
Bakit kilala nila itong si Alora?! Wala namang nabanggit si Kade sa'min na magkakilala sila ah? Kaano-ano ba niya si Alora? Pinsan? Best friend? Baka girlfriend?! Wait pero malabo 'yon! Di naman ata papatulan ni Kade ang isang walang emosyong babae na palaging mainit ang ulo.
"JAAAAAEEEEEEE!" napabaling kaming lahat sa pinanggagalingan ng tili. Naroon sa entrance ng event area nakatayo si tita Katrina, Kade at tito Calix. Nakita namin ang malawak na ngisi ni tita habang kumakaway na parang bata tsaka kinaladkad ang dalawa niyang kasama papalapit sa'min.
"Jae I miss you so much! Kailan ba 'yong huling punta mo rito? Namayat ka ata? Kumusta ba studies mo? Your mom?" parang Granada 'yong bibig ni tita ng yakapin niya si Alora. Napaawang naman ako ng bibig sa nasaksihan ko! Hinalikan pa siya ni tita sa pisngi na tila isang anak na babae. Agad namang lumapit si Kade tsaka... INAKBAYAN SI ALORA?!
"Mommy one at a time naman, hindi agad masasagot ni Jaimee lahat ng sabay sabay," nakangiting saad ni Kade habang hinahaplos ang balikat ni Alora. Sandali!!!! Don't tell me?!
"Happy Birthday Kae," bati niya kay Kade habang nakangiti ng matamis. NAKAKATAKOT NAMANG MAKITA SI ALORA NA NAKANGITI! Well hindi naman creepy pero nakakapanibago!
"Thanks baby," namilog ang mata ko habang lumaki ang butas ko sa ilong ng marinig ko ang nakakagulat niyang sagot! Baby raw?!
"How's your relationship with my son, ijha? Di ka naman ata ginagago nitong si Kae?" natatawang tanong tito.
"Hindi naman po tito! Okay lang naman kami, pasensya na kung di ako nakadalaw kasi na-busy ako sa school at sa pagtulong kay mama," sagot niya.
GIRLFRIEND NI KADE SI JAIMEE ALORA?! Nagpapatawa ba siya?!
"It's been so long Jae, come and join us in our table! We have a lot of catching up to do!" hindi mapigilan ni tita Katrina ang saya sa boses niya habang nakakapit sa braso ni Alora tsaka sila naglakad sa naka-assign na table. Mula sa pwesto namin kitang kita ang pagkaaliw ng mga kamag-anak ni Kade at pati na din si Kade.
Hindi namin nakitang ganito kasaya si Kade noon. Ang mga ngiti niyang nakikita namin ngayon ay nakikita lang namin kapag nananalo kami sa laro.
"Sinong mag-aakala na may boyfriend pala ang middle blocker natin," nakangising saad ni Asher,ang libero namin habang nilalaro ang mga buto ng chicken wings niya.
BINABASA MO ANG
MY VOLLEY BOY(On-Going)
No FicciónSPORT SERIES #1 Cold.Puro pag-aaral lang.Ayaw ng kaibigan.At higit sa lahat,ayaw sa sports.Si Jaimee Alora ba kamo?Well ganyan ba ang magiging kapalaran niya?O tuluyang pababaguhin ng isang Ace ng Volleyball Team na si Cholo Fuentez?