First Meeting

14 0 0
                                    

"Jayden!!!"

May tumawag sa panagalan ko habang naglalakad ako... napalingon ako sa likod ko... Nakita ko si Owen..

Si Owen bestfriend ko :D

"oh...? Bakit ngayon ka lang?tsk!" iritableng tanong ko!

"ano ka ba naman tol?? Masyado kang excited??!!! Maaga pa!!" sagot nya sakin habang humihingal...

Ngumniti ako sa kanya ng bahagya...

"Ganun talaga... di tayo pwedeng ma-late... malaking bagay para sakin tong try out!." Seryosong sagot ko..

Magta-try-out kasi kami ng basketball.

Napakalaking bagay sakin na makapasok dito para din syempre makapag-aral ako.

Si Owen, mayaman sila... Hindi naman sobra pero angat sila sa buhay, pero dahil hilig nya mag-basketball gusto din nya...

Habang nagpapalit kami ng damit sa men's room.

"Kaya kaya nating pagsabayin yung laro at aral pag nakapasok tayo??" seryosong tanong nya sakin...

"Oo naman!!.." nakangiting sagot ko sa kanya..

"Hmmm.... Sabagay..... kaso diba sabi nila mahirap yung kinuha nating course..?" tanong nya ulit sakin...

Engineering kasi yung kinuha naming course...

"Oo... pero wala namang mahirap sa pursigido..diba?"masayang sagot ko sa kanya.

"Tama!...nakakahawa talaga yung lakas ng loob mo tol...." Nakangiting sagot nya sakin sabay suntok sa braso ko...

Madaling panghinaan ng loob si Owen... Pero madali din syang i-push... Kaya yung mommy at daddy nya natutuwa pag ako yung kasama nya, kasi feeling nila wala daw kaming gagawing kalokohan. Pero akala lang nila yun...ahahahaha!

Biglang may pumito sa court...

Buti nalang tapos na kami magbihis.

"Tara na!!" aya ni owen sakin.

Tumakbo na kami papunta sa court.

Pagdating namin dun...

"Ang dami natin...." Sabi ni Owen.

"oo nga e.." sagot ko naman na medyo kabado....

Kinakabahan talaga ko pag ganto palang...pero pag naglalaro na, nawawala na yung kaba ko...

Nagsalita yung kalbong pumito kanina....

"Good morning boys!" pasigaw na bati nito..

"Good morning po sir!" sabay-sabay na bati naming lahat na nakatayo.

"I am Coach Sebastian... and I will be the one who will choose kung sino lang sainyo yung makakapasok...." Seryosong sabi nito....

"Ayoko ng pahabain yung usapan.... Ok boy's please introduce yourself... Name first...Age, School where you graduated high school.. and Position."dugtong niya.

Tumuro sya sa dulo...kung saan panglima si Owen at sunod naman ako....

Buti malayo-layo ng konti..sabi ko sa isip ko...

"I'm Francis Lim, 16 years old.. I graduated from Bernardo College. I'm playing as the Shooting Guard."

..... ...... ....... .......

Hanggang biglang si Owen na pala ng di ko namamalayan....

"I'm Owen, 17 years old.. I graduated from St. Francis of Assisi College. I'm playing as the Point Guard and Shooting Guard."nakangiti habang nagsasalita..

I Love You With All That I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon