Chapter 16.

22 1 0
                                    

ERIN

TAHIMIK naming tinutungo ngayon ang daan pabalik sa building namin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan at hindi mapakali.

Ano kaya ang nag hihintay sa amin pag balik namin sa S-2. Paniguradong kami ang nahuli. Talaga bang ililipat kami sa Red building? Sigurado akong napaka delikado doon.

Nag tatalo ang isipan ko ngayon. Kung ako lang, hindi ako tutol kung sakaling ililipat kami doon. Mas mapapadali ang mga plano ko kung mang-yayari iyon pero sa kabilang banda ay natatakot din ako. Dahil ako, alam ko mismo sa sarili ko na hindi basta ang mga estudyante na nandodoon. Mapapanganib sila.

"Maybe we can talk to Sir Bustamente and ask him not to move our group to the red building, because to be honest it's very dangerous there. Let's tell him the reason why we got late on returning to the room." Saad ni Satinna habang nag lalakad kami.

Kahit siya pala ay hindi gusto ang sinabing parusa ng guro namin kapag mayroong nahuli sa pagbalik ng room sa tamang oras.

"Maiintindihan niya naman siguro." Dagdag pa ni Calix.

"Satinna is right. It's so dangerous there at ayaw kong mapahamak ang sino man sa atin. Remember what Kuya Eric said? Bantayan daw natin ng maigi sila Erin. Lalo't na bago pa lamang sila dito." Saad nito at kita ko ang pag aalala sa mga mata niya.

I'm so touched on what he said. Vince is like a brother to us. Specially to me. Meron siyang mabuting puso at maalaga din siya. Kaya napaka swerte ng babaeng iibigin niya. I'm so thankful na nakilala ko siya.

"Cross finger." Pahabol pang sabi ni Lean.

Nagpatuloy lang kami sa tahimik na paglalakad.

Marami na namang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Wala yatang araw, oras at minuto na hindi nagiging free at calm ang isip ko. Laging okupado. Okupado ng iba't ibang bagay.

Simula ng pumasok ako sa akademya na ito ay marami ng bagay ang nangyayari saken. Ilang beses narin akong napahamak, napaka swerte ko lang talaga dahil nakaka ligtas ako.

"We're here." Saad ni Vince

Pagkaapak palang ng mga paa ko sa sahig ng building namin ay ramdam ko na ang kabang bumabalot sa katawan ko.

"Come on guys! Let's face the consequence!" Saad ni Vince sa amin at nagsitanguan kami.

Kung ano man ang mangyari, kung ano man ang magiging parusa namin bahala na. Basta kasama ko sila.

Pagpasok namin ay muli kaming pinagtinginan ng mga estudyante na nasa labas ng kani-kanilang room.

Di ko alam at di ko matukoy kung anong meron sa mga kasama namin. Student's always has the admiration in their eyes whenever they see Vince, Calix and Satinna.

Lumakad lang kami na para bang wala kaming kakaharapin na parusa. Hindi rin namin alintana ang mga mata ng estudyante na mapanuring nakatingin sa amin, ipinagpatuloy lang namin ang pag lalakad and the only thing on our minds was the consequence that we will be facing.

I sighed and wish everything went well.

Maingat kaming pumasok ng room at tanging tahimik na atmospera ang tumambad sa amin. Agad kong inilibot ang aking mata sa kabuuan nito.

"Bakit walang tao? Nasaan na ang mga kaklase natin? Si sir Bustamente?" Saad ni Hillary

"I thought we're late." Lean said and sat on the nearest chair.

JAIL ACADEMY (On-going)Where stories live. Discover now