Chapter 4

5 1 0
                                    

CHAPTER 4: Tommy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 4: Tommy

Tirik ang araw pero malamig ang ihip ng hangin. Ang presko! Papunta kami ngayon sa café para do'n sa lecheng group presentation na 'yon. Makatatakas na sana ako kung may training lang sana. Mas gusto ko pang mapagod katatakbo kaysa ka-iisip.

"Ba't ba kasi walang training?" Pasigaw na tanong ko kay Sid nang makapasok kami ng mall. Hindi gano'n karami ang tao, siguro dahil maaga pa. Tinignan ko ang relo ko at nakitang pasado alas diyes pa lang.

"May aasikasuhin daw si coach, eh." Inalis niya ang suot na earphones at nilagay sa bulsa ng polo niya. Kung makaporma parang party yung pupuntahan. Dapat nagsuot na lang siya ng t-shirt o hoodie kagaya sa'kin.

"Pa-importante naman 'yon."

Nakita ko agad si Robert na nagtitipa sa laptop niya pagpasok namin ng café. Hindi ako nahirapan siyang hanapin dahil nando'n siya sa pwesto niya kahapon at sobrang tangkad niya.

Nangatog ang tuhod ko nang maramdaman ang lamig ng café. "Par, ang lamig naman dito. Hindi ba pwedeng pahina yung aircon?" tanong ko kay Sid. Tinawanan niya lang ako at nanguna sa paglalakad.

"Sa iksi ba naman ng short mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin at dahan-dahan hinila pababa ang suot kong jersey short. Hindi naman gano'n kaiksi, ah? Hanggang sa gitna ng hita ko naman yung haba. Bakit pa tatawaging shorts kung mahaba?

Binati kami sandali ni Robert at binalik na ang atensyon niya sa laptop. Kaming tatlo ang naunang dumating. Nagkwentuhan lang kami ni Sid tungkol sa training kahapon.

Hindi nagtagal ay sabay na dumating si Mikhail at si Carla na nakasuot ng fitted dress. May lakad ba 'to? Nahihiyang naka-ngiti si Mikhail habang papalapit sa'min. Ang kaliwang kamay niya naman ay nilalaro patilya niya. "Uh, sorry kung late kami. Kasi—" hindi natapos ang sasabihin niya dahil biglang sumabat si Carla.

"Nagpasundo kasi ako, guys! Na-kwento niya kasi na he has a driver na always with him." Masayang paliwanag niya at isinukbit ang kamay sa braso ni Mikhail. Tila nagulat naman ito sa kilos ni Carla. "Hay nako! Kung liligawan mo 'ko, sasagutin agad kita!" Namula si Mikhail at halos hindi alam ang gagawin. Kinilig pa ata ang gago?!

"Abuso ka naman, Carla!" singhal ni Sid sa kaniya. Inirapan lang siya nito at naupo na sila kanilang pwesto.

Nang maka-upo, napatingin sa'kin si Mikhail pero agad din nag-iwas ng tingin. Akala ko yayabangan na naman niya ako. Nakasuot ito ng maluwang na t-shirt. Bagay sa kaniya ang kulay dilaw, mas lalong nakikita ang maputi niyang kutis.

"Nakita niyo naman yung chat ko sa gc kagabi?" tanong niya at binuklat ang laptop. Tumango lang kami nilabas ang mga pinadala niya. Kinuha ko mula sa duffel bag ko ang libro namin sa Physical Science at inabot ito sa kaniya.

Tinaas niya ang kaniyang kilay at mataman na tumingin sa'kin. Oh, 'di ba? Kahit wala akong ginagawa inaaway niya pa rin ako!

"Ano?"

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon