Prologue

26 1 0
                                    


Puno ng mga nagtitiliang fans ang arrival area ng paliparan. Ang mga tagahanga ay pawang may mga dalang mga banner at mga larawan ng isang sikat na Thai actor. Mapalad si Khalil na hindi niya kailangang ipagsiksikan ang kanyang sarili upang makalapit kay Tay Tawan dahil bahagi siya ng local crew para sa isang Youtube content na ipo-produce nito.

Khalil was standing near the exit. He was wearing his usual getup: plain white shirt and ripped jeans and a pair of red Converse. Sa pagmamadali nga niya kanina, nakalimutan pa niyang magsuklay. Mayroon din siyang nakasukbit na canvas bag kung saan nandoon lahat ng mga bagay na kailangan niya sa trabaho. Nakasabit din sa leeg niya ang isang ham radio na gamit naman for easy communication ng mga staff at crew ng production.

Agad niyang kinapa ang nag-vibrate niyang phone mula sa kanyang bulsa. It was his best friend, Andeng, na alam na n'ya kaagad kung anong pakay.

"BESHY!!!" Tili nito na naging dahilan upang ilayo niya pansamantala ang phone sa kanyang tenga.

"Aray ko naman. Wala pa si Tay dito, okay? Kalma," ani Khalil. Si Andeng lang sa kanyang mga kaibigan ang nakakaalam na bahagi siya ng local crew ni Tay kaya naman excited na excited ito. Bukod sa tulad niyang fan din ng Thai BLs, bias din nito si Tay kaya naman ganoon na lamang ang tuwa nito nang malamang pupunta sa Pilipinas si Tay.

"Beshy! Beke nemen... sabihin mo naman sa akin kung saan siya mag-i-stay. Promise! Behave lang ako."

"Tigil-tigilan mo nga ako, Andrew. Kilala kita. Baka kapag sinabi ko sa'yo, e, puntahan mo agad at mapabalik mo nang wala sa oras sa Thailand si Tay."

"Langya naman sa Andrew," biro ni Andeng na tila ba offended sa paggamit ni Khalil sa tunay na pangalan nito. "Long hair, naka-makeup, naka-lipstick, tapos Andrew?" Tahimik siyang natawa sa sinabi ni Andeng. Na-imagine niya itong nagpapaliwanag habang nakapamaywang. "Anyway, alam mo namang hindi ako makakapunta d'yan ngayon. Eme lang."

Oo nga pala, naibulong ni Khalil sa isip niya. "Tawagan na lang kita mamaya."

"Wait lang," pigil sa kanya ni Andeng. "Kahit isang fansign lang, oh. Or isang video lang. Alam mo naman kasi kung gaano ko kamahal si Papa Tay at kung pwede ay papatay ako para lang makita ko s'ya kaso mapapatay naman ako ni Papa kapag lumayas ako ngayon."

Napabuntong-hininga si Khalil sa sinabi ng best friend niya. Nauunawaan niya ang sitwasyon nito dahil bukod sa nasa Pangasinan ito, inaalagaan nito ang inang may sakit. Kahit gaano man nito kagustong lumuwas ng Maynila ay hindi nito magawa.

"Sige, subukan ko. Pero hindi ako nangangako ha."

"YES!!! Thank you so much for your support, my beshy na mahal na mahal ko," ani Andeng.

Lumakas ang sigawan ng mga tao na tumawag sa atensyon ni Khalil. "Oh, sige na, Andeng. Mukhang nandito na si Tay Tawan my loves," aniya na sinundan pa niya ng tawa.

"Khalil!" Napalingon siya sa pinagmulan ng boses. Si Mara iyon, crewmate niya na in-charge sa tutuluyan ni Tay sa Manila. "Ready na kamo 'yung sasakyan. Malapit na sa exit si Tay."

"Copy."

Agad niyang iniradyo sa driver ng sasakyan na malapit nang lumabas si Tay. Iyon ang trabaho niya, utusan. Taga-takbo, taga-bili, taga-buhat... pero nagrereklamo ba siya? Hindi. Naiintindihan kasi ni Khalil na simula lang ito para mga bagay na gusto niyang marating. Gusto niyang maging content creator sa Youtube at para matutunan niya ang mga bagay-bagay patungkol doon, kailangan niyang magtrabaho sa mga production crew. Sa ganoong paraan, natututo siya ng mga bagay na kakailanganin niya.

Muli ay lumakas ang hiyawan ng mga tao. Napatingin siya sa exit ng arrival area at doon ay nakita niyang lumabas si Tay. Hindi maipaliwanag ni Khalil ang kanyang nararamdaman. Hindi siya makapaniwala. Well, sanay siyang nakakakita ng mga artista dahil sa trabaho niya pero iba ito. Talagang tagahanga siya ng actor dahil sa mga nagawa nitong series sa Thailand—boys love to be exact. Isang pangarap na nagkatotoo na makakasama niya ito sa isang project.

Hindi mapigil ni Khalil ang mapangiti habang minamasdan si Tay. He was dashing in his tucked black long sleeves na tinernuhan nito ng blue faded denim at black leather shoes. Kahit na nakasuot ito ng Rayban, hindi maikakaila ang kakisigan nito. His hair was styled lazily pero hindi iyon naging dahilan upang mabawasan ang good looks nito.

"Tay Tawan! Tay Tawan! Tay Tawan!" sigaw ng mga fans ang makita si Tay. Inalis nito ang Rayban na suot at kumaway sa mga tagahanga.

Kinikilabutan si Khalil sa mga nangyayari. Iba pa rin pala talaga ang dating kapag galing ibang bansa ang artista at talagang hinahangaan mo.

Ilang TV reporters at cameramen ang lumapit kay Tay upang interview-hin ito na pinaunlakan naman nito. Matapos ang ilang minuto ay sinamahan na ito ng security palabas kung saan siya nakapwesto. Isa siya sa mga maghahatid kay Tay sa van na kinuha ni Mara.

Lumalakas unti-unti ang kabog sa dibdib ni Khalil habang papalapit nang papalapit si Tay. Napapikit siya. Ano ba Khalil? Be professional! bulong niya sa sarili.

Nang magmulat siya ay hindi niya namalayang nasa harapan na pala niya ang lalaking matagal na niyang napapanood sa screen ng kanyang laptop. Ang lalaking laman ng kanyang mga screenshot folder. The Tay Tawan, in flesh, right in front of him!

Khalil gasped and suddenly his heart went ballistic. Hindi niya maintindihan bakit biglang lumakas ang sense of smell niya. Ilang dipa rin ang layo ni Tay sa kanya pero naaamoy niya ang citrusy smell nito. Fresh na fresh. Parang bagong ligo.

"Khalil?" Napatid ang pag-iisip niya nang marinig niyang nagsalita si Tay. Gustong kumawala ng kanyang kaluluwa sa katawang lupa niya dahil sa narinig. Tila musika sa kanyang tenga ang pagkakabanggit nito sa kanyang pangalan.

"Y-You know me?" 'di makapaniwalang tugon niya.

Tumawa si Tay sabay turo sa dibdib niya. "Isn't this your name?"

Agad na napatingin siya sa kanyang dibdib. Nakasuot nga pala siya ng nametag. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha indikasyon na namumula siya. Napayuko siya. "I-I'm sorry."

Then all of a sudden, Tay patted Khalil's hair. "It's okay, Khalil. You're so cute."

He looked at him and saw him smiling. Akala niya sa mga series lang nangyayari pero literal na tumigil ang mundo niya. The way he smiled at him and looked at him very intently like he was looking through his soul, that could bring Khalil's demise. Pero hindi. Kailangan niyang maging professional ngayon. Tama na muna ang pag-iilusyon.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Hello, Sir Tay Tawan. My name is Khalil. I'm the production assistant of WQ Productions. This way please."

Natawa nang marahan si Tay. "Don't be too formal. You can call me Tay, Khalil."

Syet! Bakit ang sarap pakinggan kapag siya ang tumatawag sa pangalan ko!

"Okay Sir—I mean Tay."

Tay smiled again then he handled a duffle bag to him. "Will you please carry this for me."

"S-Sure."

Matapos abutin ang bag ay naglakad na sila patungo sa sasakyan na inarkila ni Mara na magiging service ni Tay. Matapos ilulan ang mga gamit ni Tay sa van ay nagpaalam na si Khalil. May sariling sasakyan ang production team.

"I'm going now. We'll be following you at the hotel. Have a safe trip Sir—I mean Tay."

Patalikod na si Khalil nang muli siyang tawagin ni Tay. "No. Please stay here. I want you to watch my things, especially the duffle bag. I will take a nap."

Why did suddenly Khalil become the luckiest person on Earth? Wala rin siyang idea. Pero sa ngayon, e-enjoy-in na lang muna niya ang magiging moment nila ni Tay.

Ilang segundo lang ay tumunod ang radyo sa bulsa ni Khalil. "Tara na. Ko-convoy-yan tayo ng driver ni Tay kaya dapat ay mauna tayo," si Mara iyon.

Sasagot na sana siya nang kunanin ni Tay ang radio saka ito nagsalita. "Hello! I asked Khalil to watch my things while I am asleep in the van."

"Roger?" tugon naman ni Mara na may malisya sa boses.

Inabot ni Khalil ang radyo mula kay Tay. Ilang sandali pa ng katahimikan at niyaya na siya nitong sumakay sa sasakyan. "Let's go."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BL Star and I (Khalil Ramos and Tay Tawan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon