Read at your own risk!
Pinagmamasdan ko lang ang bawat miyembrong hawak ko. Sa mga oras na ito ay kailangan maging strikto para sa nalalapit na pagpasa ng trono.
Suot ko ang maskarang kulay dugo. Ang mga pinuno lang ang nakaka-alam ng tunay naming itsura at kung sino man ang magsabi ng aming itsura ay hahatulan ng kamatayan.
Akuma means satan in japanese. Ayan ang tawag sakin ng mga tao dito sa organisasyon dahil sa walang palyang pagkitil ng buhay ng mga traydor bukod pa doon ay ako ang pinakamagaling sa larangan ng espada.
"Akuma, tapos na po kami mag-ensayo." Napalingon ako sa likod ko ng magsalita ang isa sa mga miyembro ko.
Maikli ang buhok nito na hanggang ilalim lamang ng kanyang baba, naka full bangs din ito na syang bumagay lalo sakanya, tila isang inosenteng highschool student dahil sa kahinhinan niya kumilos at magsalita. Her name Yumi suit to her.
Tumango ako bilang tugon at naglakad patungo sa miyembro kong naka-upo sa sahig. Ang iba dito naka-higa na dahil sa matinding pagod, may napuruhan ngunit maliliit lang. Nang mapansin nilang sakanila ako papunta ay sabay-sabay itong tumayo at yumuko bilang pag-galang.
"Bukas, bago mag-hapon inaasahan kong makikita ko kayo dito ng kumpleto. Dismissed " Blankong saad ko sa mga ito. Sabay sabay naman itong sumagot ng 'hai!' At yumuko ulit saka kinuha ang kani-kanilang gamit.
Nagsimula na akong mag-lakad palabas ng training room ng mahagip ko si Taki. Mag-isa lang ito at nag-eensayo sa pagbato ng kunai. Ayaw na ayaw ni taki ang ganito dahil sa hindi siya marunong magbato ng kahit anong matutulis na bagay at sanay siya sa larangang hand to hand combat.
Tinungo ko ang daan papunta sakanya ng tahimik. Hinayaan ko lang siyang ibato ang lahat ng kunai na hawak niya, he's improving so much kung dati ay nakasentro lang ang kanyang sarili sa paghand to hand combat ngayon ay nagsisimula na siya mag-ensayo ng mga bagay na hindi niya alam.
Marami akong nakikitang palya ngunit pwede nang pagtsagaan. Mukhang wala rin ito sa sarili kaya hindi niya maifocus ang sarili sa pagbato ng kunai.
"Hindi ka makakapatay ng kalaban kung hindi ka naka-focus." Panimula ko. Nagulat naman itong lumingon sa likuran ko ngunit saglit lang iyon.
Lumapit ako dito at yumuko naman siya bilang pag-galang. Tinap ko ng ilang beses ang kanyang balikat.
"Sa bawat pagbato mo ng patalim iisipin mo lagi ang ulo ng kalaban. Laging kong iniisip ang pumatay sa kapatid ko noon taki, kaya laging sentro ang bato ko sa mga patalim." Yumuko ito at nagkamot ng ulo kaya naman napatawa ako dahil parang bata siya tignan.
"Lahat ng galit mo kailangan mo ilabas sa kalaban ngunit sa puntong iyon kailangan hindi mawawala ang focus mo, naiintindihan mo?"
Tumango tango ito sakin.
Kinuha ko ang kunai sa kamay niya at ibinato iyon ng walang kahirap-hirap sa ulo ng isang mannequin. Hindi na ako nagulat ng makita ko si taki na hindi nagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Sinenyasan ko siyang ibato ang mga hawak niya kunai, huminga muna ito ng malalim at binato ang patalim.
"Bull's eye, Taki my boy." ngisi ko dito. Iniwan ko itong tulala sa kanyang pwesto. Mukhang hindi siya makapaniwala sa nagawa niya, mukhang sinunod niya naman ang payo ko.
. . . . .
Limang linggo pa bago ipasa ang trono sa prinsesa. Sa araw na iyon alam kong uulan ng dugo sa aming lugar. Sa puntong iyon hindi ako siguradong mabubuhay pa ako.
Kung buhay pa siguro ang kapatid ko, hindi ako makakaranas ng kahit anong hirap at hindi ako maiipit sa gantong sitwasyon.
Buong buhay ko kumikitil ako para mabuhay. Ako nalang mag-isa, may mga magulang ako ngunit parang wala. Para sakanila business lang mahalaga ni-hindi man lang ako tanungin kung okay lang ba ako, kung may problema ba ako.
Kung sabagay bakit nga ba ako nag -eexpect sakanila na tanungin ako ng ganon? Sinisisi nila ako sa bagay na hindi ko naman naging kasalanan.
Naglalaro lang kami ni Kuya Akiro sa garden ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi namin iyon pinansin kaya nagpatuloy pa kami sa paglalaro dahil para samin minsan lang kami maging bata. Kuya and I were close together halos hindi na kami mapaghiwalay.
Suddenly, Kumidlat ng malakas kaya napatigil kami sa pagtakbo ni kuya, sumilong muna kami sa duyan namin kung saan may maliit na bubong iyon.
"Hime pagmalaki kana wag ka muna magboyfriend ha. Pag-asawahin mo muna si kuya" natawa ako sa sinabi niya. Yumakap ako ng mahigpit sakanya.
"Promise, kuya." Ginulo naman nito ang buhok ko at tumawa rin.
Napabitaw kami pareho sa pagkakayakap dahil sa isang malakas na putok ng baril. Nakita naming kung paano humandusay ang isa sa bantay namin at may tama ito sa gitna ng kanyang noo.
"Hime halika na!" Dali-dali akong hinila ni kuya papasok ng bahay. Sa mga oras na ito wala ang magulang namin dahil may meeting ito sa Singapore tanging mga katulong at isang damakmak na guwardya ang kasama namin.
Naging alerto ang mga kasama namin sa loob maski mga katulong may hawak na mga baril at patalim. Handa silang pumatay para saamin ni kuya.
Nagtago kami sa office ni papa dahil may secret short cut doon papunta sa safe place namin. Pagkalabas namin ay malayo na kami sa mansion dahil pagkalabas namin sa isang tunnel na maliit ay puro puno na ang mga nakikita namin.
Halo-halong kidlat at putok ng mga baril ang mga naririnig namin mula sa mansion. Takot na takot ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko at wala pa ang mga magulang namin.
Takbo lang kami ng takbo ni kuya hanggang sa natigil kami pareho dahil sa nakakabinging putok ng baril.
Nakita ko nalang nahiga si kuya sa damo. May tama ito sa tagiliran niya dali-dali ko itong dinaluhan at pilit na tinutulungan siya tumayo.
"Hime, okay lang si kuya. Gusto ko pagdilat ng mata ko nakatago kana sa secret place nating dalawa."
Dali-dali akong umiling. Alam ko na kung saan patungo at iyon ang hinding hindi ko gagawin. Mahal na mahal ko ang kapatid ko mas gugustuhin ko mamatay kami pareho sa mga oras na ito.
"Hime, sige na sunod kana kay kuya. Pangako hahanapin kita ulit"
"I love you kuya, hihintayin kita" sabi ko sakanya at hinagkan siya sa noo. Bumitaw ako ng pagkakahawa at nauna na sa secret place namin.
"Kuya loves you bunso."
Sa huling sandali. Isang matamis ang ngiti ang iginawad niya sakin bago ipikit ang kanyang magagandang mga mata.
Hime means Princess in Japanese. :)
Don't forget to vote and leave a comment.
Thank you! :)
YOU ARE READING
Viper Series 1: Persephone
ActionViper Series 1: Persephone By: Prima Hermana Persephone, the daughter of Demeter and Zeus was the wife of Hades and the Queen of the Underworld. Could she be the next queen? Maybe or Maybe not.