Therra P.O.V.
Nang maihatid ko si Luis sa bahay nila ay dumeretso muna ako sa hospital at kumuha ng reseta kay ate sunny
" Para saan to therra? Mga antibiotics to e wala ka namang mga sugat" Tanung niya
" Hindi naman ako ang nasugatan ako lang talaga ang bumili kasi gusto ko" Nakangising sagot ko kaya natawa na lag ito saakin
" O siya sige ingat ka pauwi paki sabi kay wesly na tatawag ako"
" Bakit ko pa sasabihin e tatawag ka rin naman hayaan mo siyang maghintay" Sagot ko naman
" Ikaw talagang bata ka sige na magingat ka " Nakangiting sagot niya saakin kaya tinanguan ko siya at dumeretso na sa bahay ng lalaking heon
' Wala naman sigurong masama kung hahatiran ko ang future boyfriend ko' Natatawang pahayag ko sa sarili saka ko pinidut ang player sa cellphone ko at sinuot ang headset ko ng makarating ako doon ay nag door bell na ako
' Tss ang sabi ko sa susunod na dalaw ko girlfriend mo na ko pero mukhang nurse ang naging lahay ko '
" Goodevening po" Bati ko kaya nagtaka naman ang babaeng di katandaan sa harap ko
" Sino sila?" Napakalambing na tanung nito
" Kaibigan po ako ni heon binilhan ko po siya ng oitment at antibiotics anjan po ba siya?" Magalang na tanung ko
" Ayiiee Uhm Uhmm... Nasa kwarto niya pasok ka " Pa anyaya nito kaya naman pumasok na ako pagtapak ko palang sa loob ay sakto namang napalabas si Diana sa kwarto niya
' Dito nga pala siya nakatira'
" O Diana iha binibisita ng batang ito si heon ihatid mo siya sa kwarto sa taas at saka tulungan mo kong magready ng meryenda"
" tita pwede ko naman pong gisingin si heon"
" hindi na mas mabuting magpahinga muna siya " Tsaka niya ako nakangiting tinignan
'hanep'
" Pasensya na po talaga sa abala" Sagot ko
" Hay naku ano ka ba naman okay lang yun iha sa susunod ay agahan mo na lang para makapag kwentuhan tayo" nakangiting sagot nito kaya tumango naman ako bilang sang ayon
' Buti pa ang mommy mo trip ako eh ikaw malayo palang ako sumisigaw kana'
" Halika na " Anyaya saakin ni Diana kaya naman dumeretso na ko sa dinaanan niya ng makarating kami sa harap ng pinto ay napahinto pa siya
" Tss wag kang magaalala wala sa vocabularyo ko ang mang agaw ng di akin" Nakangising sagot ko
" Hindi pa ba ganyan ang ginagawa mo?" Galit na tanung nito
" Correction Diana kayo ang gumagawa nang definition sa mga galaw ko nandito lang ako para bigyan siya ng gamot dahil napuruhan din siya ni luis kaya wag kang engot "
" At kung di mo mabubuksan ang pinto niya hayaan mo akong gumawa andami mong reklamo ni di mo nga maipaglaban linoloko mo pa" Singhal ko saka binuksan ang door knob at ng pagpasok ay sinara ko din ito linibot naman ng mata ko ang buong kwarto niya
' Napaka elegante '
" Anong klaseng paghiga naman yan at nakasalampak ang sugatang mukha niya sa bedsheet?" Takang tanung ko habang pinagmamasdan siya lumapit nako sa study table niya at linapag doon ang gamot saka kumuha ng sticky note para ilagay ang mga bilin ni ate sunny ukol sa mga gamot na yon
BINABASA MO ANG
Trapped into Bad Girl's Love [Completed]
Teen FictionCién University isang prestigous school kung saan mga matatalino at mapeperang istudyate ang mga nakakapasok sa paaralang ito Anong mangyayari sa paaralang ito kung makapasok ang pinaka walang galang at masungit na babae sa loob ng paaralan? Hindi...