8:
HAYSE POV
*BRRRRROOOOM BROOOOOOMMMM......ENGGGGGGKKKKK* lol!
kung minamalas nga naman oh! hinampas ko ng malakas yung manibela sa sobrang badtrip!!
"aaarrrggghh! matatalo pa ata!" sigaw ko habang nagdadrive at naunahan pa ko ni James.. at sunod sunod pang kotse ang nauna sakin!
BUWISET NA MAKINA TOH! NGAYON PA NAGLOKO KUNG KELAN MALAKI ANG PUSTAHAN!
pabagal ng pabagal ang kotse ko hanggang tumigil na ito at talagang dun pa talaga ako itinigil sa gitna ng kalsada! buti nalang ako ang kulelat at wala akong maaagrabyadong racer sa daan...
napahampas pa ulit ako tapos binuksan ko na yung pinto ng PACKING TAPE kong kotse at lumabas para makalanghap ng sariwang hangin!
OR NOT!!!!!
PUTEK! ANG USOK!!!!!!!!!!!!! BADTRIP TALAGANG KOTSE TOH!!!!
"IKAW KOTSE KA! NAMUMURO KA NA AH!" pinagsisisipa ko pa yung gulong na akala mo'y masasaktan ko yung kotse pero ang sakit na ng paa ko! stupida!!!
arrrrrgh!
biglang nagliwanag yung paligid dahil sa ilaw ng paparating na kotse.. na nakadagdag pa sa pagkabadtrip ko!
EH NAKAHARANG NGA PALA TONG UTANG LIMA KONG KOTSE!!!
hay naku ngayon lang nangyari sakin to! ang ganda ganda ko, tapos magtutulak pa ko!
no choice malapit na yung paparating na kotse at kahit inis ako, sinimulan ko nang magtulak!
*PIT PIT!* lol!
"OO NA! ETO NA NGA OH! TINUTULAK KO PAPUNTANG BANGIN OH!!!!" todo irap pa ko habang nagtutulak.
*PIT PIT!*lol!
"HOOOOOYYYY! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI???"tinigil ko na yung pagtulak ko at humarap dun sa kotse...
psh! ang lakas ng loob mong magbusina! EEEHHHH! ANG PANGET NAMAN NG KOTSE MO!!!!!
nakapamewang pa ko sa harap ng kotse at sa wakas bumaba din yung nagmamaneho!
"aba miss! ikaw na tong HARANG sa daan, ikaw pa ang BADTRIP!!!! NAGMAMADALI AKO! Kya pede ba, itulak mo nalang yang kotse mo at--" grabe, sobrang badtrip yung mama parang baliw na at may paturo turo pa sa kalsada at ginulo gulo pa yung buhok niya.
tumingin siya sakin..
"ABA!!!! KAPAL MO!! ANG PANGET NAMAN NG KOTSE MO!!!" todo sigaw na ko at pumikit pa ko para masindak siya sa lakas ng boses ko...
at salamat naman at napatahimik ko siya..pagmulat ko, nanlalaki yung mata nung mama at kita ko yung daliri niya nakaturo sakin..
"what? ngayon ka lang nakakita ng MAGANDA???" pagtataray ko.. baka akala eh, anghel na bumaba sa lupa !
..
..
..
"BWAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
ABA!!!! PINAGTAWANAN PA KO!!!!!
"HOY MAMA!!!! ANUNG KATAWATAWA SAKIN ABER?!" lumapit ako sa kanya, sipain ko kaya toh!
"haha(punas ng pisngi) ha----ha! akalain mong makikita kita dito.." tawa pa rin siya ng tawa tapos lumapit sakin, sino ba tong mama na toh??
kumunot yung noo ko........tapos nanlaki yung mata ko.
tinuro ko siya,
"ikaw????"
"yeah, its me!" ngiting ngiti pa siya...
BINABASA MO ANG
MY GAY-BESTFRIEND IS IN LOVE??? WAIT?? SA BABAE??(on-going)
Novela Juvenilits about friendship, and love.. a gay who is a so called SUPER GAY TO DEATH ang drama, na nainlove sa BESTFRIEND niyang ang drama sa buhay eh, maghanap ng LALAKIng(true man) katulad ng bestfriend niyang bakla.. hindi niya alam nasa tabi tabi lang p...