Chapter 6

1.3K 49 0
                                    

She smiled in a big way, the way a girl like that smiles

When the world is hers and she held your eyes

Out in the breezeway down by the shore in the lazy summer

And she pulled you in, and she bit your lip, and she made you hers

She looked deep into you as you lay together quiet in the grasp of dusk and summer

But you've already lost

When you only had barely enough to hang on..♪

Kerk Point of View

Dumaan ang oras, minuto, segundo, araw at buwan. Hindi nagiging madali sakin ang pagbilis ng panahon. Habang papalapit ang summer lalo akong natatakot. Natatakot dahil sa paggising niya SINO KA? Ang pinakamasakit na tanong na sasabihin niya sakin. Wala akong alam sa nakaraan niya, hindi ko alam kung ano, saan, sino at meron sa kanyang nakaraan kaya..nasa harap ako ng bahay ng mga magulang ni terra. Ito ang bahay na pinuntahan namin ni prince anhiro noong bibilhin niya si mesaiyah na kapatid ni terra. Una ko siyang nakita sa may likod ng pader, nagtatago at pinapakinggan ang pag-uusap namin. Nakalabas ang paa niya kaya ko siya nakita. <Smile> ang sarap isipin ng nakaraan namin pero magiging mapait na kapag nalaman ko ang nakaraan niya..sa iba. :(

Lumabas ako ng aking kotse at nakita ko sa bakuran ang nanay ni terra na nagwawalis ng mga kalat samantalang ang tatay niya ay nasa may pintuan, nakaupo habang may tinatahi.

"Magandang araw po!" Napatingin sila sakin. Lumapit sa akin si mama Irene.

"Kerk?" Ngumiti ako. Buti naman naalala pa nila ako.

"Pasok ka." Pumasok kami sa loob ng bahay. Inilapag ko sa lamesa ang dala kong pagkain samantalang si mama ay nagdiretso sa kusina para magluto, si papa naman, kaharap ko sa lamesa.

"Kamusta ang anak namin?" Tanong ni papa.

"Ayos naman po. Mabilis po ang pagrecover ni terra. Wala pong exact date na binigay sa akin ang doctor sa paggising niya pero sa huling araw ng summer baka po magising na siya. "

<Sighs> "Buti naman. Pasensya na kung sayo namin pinauubaya ang aming anak. Wala kaming kwentang magulang.." sagot ni papa.

"Ikaw..ikaw ang may kasalanan nitong lahat. Kung hindi ka pumayag na ipagbenta si mesaiyah, hindi sana tayo magkakaganito. " Sabi ni mama habang umiiyak. Hindi nagsalita si papa kundi umalis nalang siya sa harap ko.

Lumapit sakin si mama at inilapag ang pagkain na niluto niya. "Pasensya kana Kerk..nagsisisi na talaga kami ni Ven sa ginawa namin pero wala pa ring pagbabago. Si terra..kapag nagising siya..s-sabihin mo..patay na kami."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ma!"

"Hmm..kahit kailan, hindi kami naging mabuting magulang sa kanya..kaya mabuti pang..wag na niya kaming kilalanin pa."

"Hindi. Gusto ko paggising niya, nasa tabi niya kayo. Kahit anong mangyari..magulang niya pa rin kayo at kung kayo ay nagsisisi na..dapat iparamdam niyo sa kanya ang pagmamahal na hindi niyo dati at sa paggising niya..alam ko hahanapin niya kayo pero ako.."

"Bakit? Kerk.."

Tumingin ako kay mama. May namumuong luha sa kanyang mata at konti nalang ay babagsak na ito.

"W-wala po..wag niyo pong intindihin ang sinabi ko. Kalimutan niyo nalang po 'yun. Sige po, aalis na ako."

Hinatid ako ni mama hanggang pintuan.

"Kerk.."

Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin niya ako. Humarap ako sa kanya. Tumutulo ang kanyang luha sa mata.

"Salamat." wika ni mama. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa aking sasakyan.

Ipinatong ko ang aking ulo sa manibela. Dammit! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nagdrive na ako papuntang hospital. Pagkarating ko ay ipinark ko ang aking kotse. Pinatunog ko muna ito bago pumasok ng hospital at naglalakad ako papunta sa kwarto ni terra nang may bumangga sa aking babae.

"S-sorry..sorry po..s-sorry.." sabi niya at natatarantang umalis. Pumasok na ako sa kwarto at diretsong umupo sa tabi niya.

"Terra..ang sabi ni mama. Wag mo na silang kilalanin bilang magulang. Nagsisisi naman sila sa kasalanan nila kaya alam ko..patatawarin mo sila. Alam mo ba..ang mga magulang ko. Hindi nagkulang sa pagmamahal sakin. Si mommy..inaalagaan ako at si daddy naman..lagi kong kasama sa paghunting. Hindi laging away ang hanap ng pamilya ko <chuckled>..sa ngayon, namimiss ko na sila. Gusto ko na ngang umuwi pero gusto ko kasama kita. Ipapakilala kita sa kanila."

The nurse knocked the door..

Pumasok ang nurse sa kwarto at masayang ngumiti sakin.

"Masaya ako sa madali niyang paggaling. Siguro, excited na kayo sa paggising niya. Karamihan kasi na nacocomatose na andito sa hospital. 5-6 years ang gising nila, yung iba nga hindi na pinapabuhay kasi parang umaasa lang sila sa wala. Umaasa na magigising pa gayung wala na. And sir, I salute you!" Sabi nung nurse.

"Ang tibay niyo po kasi. Hindi niyo siya iniwan sa loob ng dalawang taon na lagi kayong nakabantay sa tabi niya. Siguro, kung ako ang nasa lagay niya. Matutuwa ako kasi may boyfriend akong hindi nang iiwan. Ang swerte niya po."

Ngumiti lang ako sa sinabi ng nurse.

"Ako po si Nancy Yoon. Kapag kailangan niyo po ng kausap..tawagin niyo lang po ako." Dagdag pa nung nurse at saka tuluyan ng umalis.

Nancy Yoon. Pamilyar ang pangalan niya sakin. Kanino ko nga ba narinig ang pangalan niya?

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon