-ENCOUNTER

49 0 0
                                    

7:55pm  /IN

--

Nakaupo si Kirby kasama ang ilang kasamahan sa trabaho ng maagaw ang atensyon nya ng dalawang tao pumasok sa loob ng  restaurant . Ngunit natuon lang ang kanyang pansin sa babaeng nasa hulihan. Simple lang ang suot nito Black Shirt at Pants.

' anong ginagawa nya dito?'

Kumunot ang kanyang nuo na napansin naman ng ilan nyang kasama.

"Any Problem Kirby?" - tanung ng kaibigan ni kirby sa kanya . Seryosong tumingin si kirby sa kaibigan at umiling .

"Nothing. "- sagot nalang ni kirby .

Sinundan nya ng tingin ang mga ito. Maya maya pa ay may dalawang tao pang muling pumasok sa restaurant at dire-diretsong pumunta kung saan nakaupo ang babae at ang kasama nito. Nakipagkamay ang lalakeng kasama ng dalagang pulis ngunit baliwala naman na dinedma ng  babae ang dumating at patuloy lang ito sa ginagawa. Naestatwa sa pagkagulat si kirby ng magangat ng ng tingin ang babae at diretsong tumingin kung saan sya nakaupo . sa gawi ng tingin nito ay alam nitong kanina pa sya nakatingin . Agad nyang iniwas ang tingin at ibinalik ang atensyon sa mga kasama.

Pero kahit anong gawin nya ay di nya mapigilang hindi tumingin sa kinaroroonan ng  dalaga . Nakayuko parin ito at abalang nag tatype sa laptop paminsan minsan ay kumukunot ang nuo . habang naguusap ang mga kasama nito. Nabalik ang atensyon ng binata ng magsitayo at magpaalam ang mga kasama.

"its Pleasure too meet you Mr.Hobbin . I hope na Hindi mo mamasamain ang aking sinabi kanina "- Mapagpaumanhin na sabi ng Head. Ang totoo ay hindi alam ni kirby kung ano ang hinihingi ng paumanhin nito dahil simula ng pumasok ang dalaga sa restaurant ay natuon na ang kanyang pansin sa kabilang lamesa.

" No its Ok. Mr due, sorry im Over thinking . Its pleasure too meet you to. "- nakangiti turan ng binata .

Nagsialisan na ang mga ito at nagpaiwan sya , makalipas ang tatlong pung minuto pagaantay ay  nagsitayuan na ang mga taong kanyang sinusubaybayan . Nang mapansin nyang palapit na ang mga ito sa gawi nya ay nagkunwari syang abala sa kanyang ginagawa ng may maglagay ng kapirasong papel sa kanyang harapan . Hinabol nya ng tingin ang taong naglagay nuon pero likod nalang ang kanyang nakita palabas na ito ng restaurant . Agad nyang binasa ang nakasulat.

-MOVE OUT.

sapag tataka ay tumakbo si kirby papalabas ng restaurant upang habulin ang taong naglagay ng papel na iyon sa kanyan harapan ngunit wala na ito. Sa kalagitnaan ng paghahanap nya sa taong iyon ay isang malakas na pag sabog sa loob ng restaurant ang kanyang narinig. Gulat syang napatingin doon Hanggang sa magkagulo .

Lingid sa kanyang kaalaman ay may taong  nakatingin sa kanya .

-

Sa kabilang banda naman ay Seryosong nakatingin si Paime sa kaguluhan sa labas ng kanyang sasakyan . Nakita nya ang binata na kanina pa nakatingin sa kanya simula ng dumating sya. Nakatayo ito bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa nangyari . Bumababa si paime at lumapit sa binata.

" Ayos ka lang. ?"- tanong ni paime sa binata . Halatang nagulat ito ng magsalita sya . Walang balak na tanungin ni paime ang binata ngunit nakikita nyang kinabahan ito.

"o-Oo. "- mautal utal nitong sabi .

Tumango nalang ang nalang si paime at

Tinapik nya ang balikat nito at naglakad palayo habang nagdadial.

" SPO1 Mendez . Report here at Flappu Cafe. May pagsabog na nagyari."- maowtoridad na sabi ng dalaga.

Binalikan ni Paime ang binata na nakatayo parin sa lugar kung saan nya ito iniwan napailing nalang sya na makitang nandoon parin ito , nagpasya syang   pauwiin nlang ito kesa madawit ang pangalan nito  sa imbestigastyon na magaganap ngunit mukhang wala itong balak sundin sya.

kaya Nagpasyang ng umuwi ang dalagang pulis ng magsidating na ang ilang mga pulis na pinapunta nya. Ngunit napahinto sya ng ramdam nyang may nakatingin sa kanya at ganun nalang ang pag kunot ng nuo nya ng mapansin nyang nakatinging pa rin ang binata sa kanya agad naman nitong binawi ang tingin at napahiyang  naglakad na palayo.

--

9:55pm/ OUT.

PAIME SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon