CHAPTER TWENTY-FIVE

123 29 23
                                    

SAMANTHA'S POV

"Good morning, love." Isang tinig ang biglang gumising sa natutulog kong diwa. Ramdam ko ang pagdampi ng labi nito sa labi ko. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at direktang napatingin sa lalaking nagma-may ari ng boses. 

Napalunok ako ng bahagya at napangiti. "We need to get ready." usal niya at muli akong ginawaran ng halik sa noo bago tuluyang bumangon. Kinapa ko ang cellphone at tiningnan ang oras. Napapabuntong hininga akong tumayo at tinungo ang banyo. Natigilan ako ng mapatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at agad rin namang nangunot ang noo ko. Napahawak ako sa suot kong pendant na may kandila. 

"Nagising nanaman ako.." mahianng usal ko at biglang sumingit ulit siya sakin.

"Love, breakfast is ready. I cook your favorite dish." sigaw niya mula sa labas. Rinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo at sumilip ito. "Are you okay?" nag-aalalang tanong pa niya, lumapit siya sa likuran ko at niyakap ako mula roon. Inikot niya ako paharap at direktang tumingin sa mga mata ko. Isang mabilis na dampi ng halik ang iginawad niya sa akin bago ako tuluyang iwan. 

"Eat your breakfast. It's your big day today. We can't be late." saad nito ng makalabas ako ng kwarto. 

"W-What do you mean it's my big day?" takang tanong ko

"May event ang company for you. Don't you remember?" sagot nito at napapunta na siya sakin. Napahinga ng malalim at kinaha ang mga damit ko sa cabinet.

"Bagay kaya sayo to love?" Tanong niya sabay  tapat ng isang pulang bisdida sakin. "Oh ito?"

"A-Ano bang meron?" Tanong ko pa at napatingin na ko sakanya. Ngumiti siya sakin at ipinatong ang damit ko sa kama. Nagsimula siyang mag-ayos habang ako ay sinusundan siya ng tingin.

"Go and take a shower. Ito na lang ang suotin mo. Dapat maganda ka sa event na yun." Dagdag niya at binigay na niya ang towel ko. Nanlaki naman ng mga mata kong napanguso pa sakanya.

"Event?"

"Yes. That's why we can't be late." Sagot niya sakin at agad na ko nag-ayos. 

Nang matapos ay lumabas na ko ng banyo. Agad din namang kumalam ang sikmura ko ng maamoy ang niluto nitong agahan. Hinila niya ang katapat nitong silya at saka ako umupo. Ramdam ko ang pagiging prinsesa sa mga pagsisilbi niya sakin. Napangiti siya ng makita niya ang suot kong kulay asul na bestida na hinanda niya lang kanina.

"I cook your favorite food." Mahinang usal niya sakin sabay lagay niya nito sa harap ko. "It's sinigang."

Napatingin ako sa pagkaing hinihain niya sakin. "Ito ba ang pagkain na paborito ko?" Takang tanong ko na parang hindi pa ko sigurado.

"Oo." Isang salita niya at napatango pa. "Nagising ka one time at yan ang hinanap mo. Simula nun yan na ang kinain mo."

"Really?" Tanong ko pa sakanya. " So I just woke up and then sinigang na ang gusto ko?"

"Yeah? I remember around 12am and nagpunta pa ko sa Kamayan restaurant just to ordered that dish for you. And take note!" Sabay turo niya sakin. "Pasara na sila nung naglihi ka dyan."

Pero.. Adobo naman talaga ang favorite dish ko? Saan ko yun nakuha? napakamot ako ng ulo at muling pinagpatuloy ang pagkain.

Makalipas ang halos isang oras ay tinungo na namin ang sinasabi nitong pag-gaganapan ng event. Huminto kami sa isang malaking building at ganon na lamang ang gulat ko sa magandang pagbati sa akin ng mga naroroon. 

"Congrats po Ms.Samantha." pagbati sa akin ng isang babae tila halos kaedad ko lang.

"Sandy, kindly assist Samantha to her office." utos nito sa babaeng kaharap namin. Humarap ito sa akin at hinalikan ang sentido ko, "See you later, love." tumalikod ito at lumakad palayo sa amin. 

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon