1. Skye

1.6K 27 2
                                    

“What I have learned is that love, the beauty of it, the joy of it, and yes even the pain of it is the most incredible gift to give and to receive as a human being and we deserve to experience love fully, equally, without shame and  without compromise.”

  - Ellen Page

Skye

“Ayoko na! BREAK NA TAYO!!!!!!!!! Wag mo na ako itetext kahit kailan ha. GOODBYE!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Yan yung kahuli-hulihang text niya sa akin simula noong martes. Nakakapagod na. May magawa lang akong maliit na bagay nakikipagbreak na agad siya sa akin. Sa totoo lang kung hindi ko siya sinusuyo at kung hindi ko ibinababa ang pride ko para lang magkaayos kami, malamang matagal na kaming break.5 araw na ang nakalipas pero hindi ko na siya naisipan na tawagan o i-text man lang. Suko na ko. Sa loob ng 1 taon naming magkarelasyon, naka 100 na break ata kami. Hindi ko na mabilang sa sobrang dami. Kaya nakakasawa na talaga.

Ako nga pala si Skye Verano. 17 years old. Wala namang espesyal sa akin. Ako nga yung tipo ng tao na bihira mapansin dahil sa sobrang tahimik. Yung tipo ng tao na kapag tinanong mo, saka lang sasagot. 1 tanong, isang sagot. Ganun ako. Aaaminin ko na may pagka anti-social ako pero hindi naman ako yung tipo ng tao na takot sa tao. Sadyang hindi lang talaga ako mahilig makisalamuha at hindi sanay na maraming tao ang nakapaligid sa akin.

Skye agahan ntin pasok bukas. Mga 7:30. Kunin ntin ung sched ntin :)

From: Tine

Oo nga pala, may pasok na bukas. Nawala sa isip ko.

Ok sige. Ingat :)

Simula nung first year, kaibigan ko na sila Tine, Reese at Jane. Sa kanila lang ako laging nakasama. Mababait naman sila. Sila lagi ang kasama ko sa lahat ng bagay. Kakain, gagala, kami din lagi ang magkakatabi sa upuan sa school. Tanggap nila kung ano ako at hindi sila naiilang sa akin kahit na alam nila na lesbian ako. Oo lesbian ako. Bata palang ako alam ko na sa sarili ko na iba ako sa ibang mga babae. Ang mga babae, gusto nila maglaro ng mga manika, lutu-lutuan, bahay-bahayan at iba pang mga pang babae na laro. Samantalang ako text, pogs, kotse-kotsehan, basta yung mga panglalaki na laro. Saka napapansin ko din na iba ang gusto ko, imbis na sa lalaki ako nagkakacrush, sa mga babae ko ito nararanasan. Noong bata pa ako ay wala akong idea at hindi ko napapansin ang mga ganoong bagay ngunit simula noong nag high school ako, naintindihan ko na kung bakit ako naiiba at kung bakit ako ganito.

Sinubukan ko naman ito baguhin, pero wala talaga. Naisipan ko nga magboyfriend, na baka sakali na mabago ko pa ito. Pero na-realize ko na kahit anong gawin ko sa sarili ko, hindi ako magbabago dahil ganito talaga ako, ganito ang nararamdaman ko at masaya ako dito.

Nakakatamad ang hapon na ito, kaya naman naisipan kong buksan ang bago kong facebook account. Kagagawa ko lang nito nung isang araw kasi yung dati kong fb punong-puno ng moments naming ng ex ko. Ayoko na nun kaya naman pinalitan ko yung password pagkatapos ay idine-activate ko. Binlock ko din siya dito sa bago kong account. Sa totoo lang ayoko kasi na makita siya, gusto ko ng mag move-on at kalimutan siya.

Mabait naman si Aimee, sweet din siya saka matalino pa. Pero  napaka immature niya. Minahal ko siya pero napagod ako. Nakakapagod kaya ang on and off na relasyon. Saka wala din kaming mangyayari sa amin kung puro kami break kaya ok na din yung ganito. Siguro hindi talaga kami ang para sa isa’t-isa.

Nag scroll ako sa homepage ko. Puro post ng mga pages at ng mga classmate ko ang nakita ko. Konti pa nga lang pala ang mga friends ko, maga-add nga ako.

Jonathan Grant Santander

27 mutual friends

Millicent Lacsamana

10 mutual friends

Francine Santos

5 mutual friends

Charity Aragon

40 mutual friends

Romeo Dela Torre

6 mutual friends

Jean Gabrielle Santander

15 mutual friends

 

Yan yung mga in-add ko. Si Grant lang ang kilala ko dyan ng personal dahil classmate ko siya. Yung iba kilala ko lang sa mukha at yung iba alam ko na schoolmate ko. Mga ilang segundo ay may nareceive akong 2 notification.

Millicent Lacsmana accepted your friend request .

Charity Aragon accepted your friend request

 

Ang bilis ha. May mga nag-accept agad sa akin. Tumingin-tingin lang ako sa homepage ng mga kung anu-anong post pagkatapos ay naglog-out na din ako. Dumating na kasi si Ryan, galing siya sa labas at katatapos lang maglaro.

“Be bakit ngayon ka lang? Nagmeryenda ka na ba?”

“Di pa.”

“Ano gusto mo kainin?”

“Monay.”

“Sige, gusto mo ba ng kape?”

“Gusto ko juice!”

Nagmeryenda na kaming dalawa pagkatapos ay inutusan ko na siyang maligo. Lagi kaming ganito ni Ryan, ako ang nag-aasikaso sa kanya . Madalas kasi ay wala ang parents ko, lagi silang nasa trabaho at gabi na sila kung umuwi.

Mahal na mahal ko yang si Ryan. Natutuwa ako dahil nagkaroon ako ng kapatid. Nang dahil sa kanya ay hindi ko na naranasan ulit ang mag-isa. Noong bata pa kasi ako at hindi pa siya ipinapanganak, lagi akong iniiwan nina Mama at Papa mag-isa dito sa bahay pag papasok sila ng trabaho.

10 years old pa lang si Ryan at natutuwa talaga ako dahil tanggap din niya kung ano ako, kahit na bata palang siya ay naiintindihan na niya agad kung ano ang sitwasyon na meron ako.

Sa pamilya namin, sa kanya lang ako nag-oopen ng mga bagay na nagyayari sa akin sa raw-araw. Sa kanya ko pang din nasabi na lesbian ako. Noong high school ako ay sinabi ko na din ang sitwasyon ko kina Mama at Papa pero ang sabi lang nila sa akin ay bata pa daw ako at maari pa daw itong mabago. Gaya ng sabi ko kanina, ganun din ang akala ko pero narealize ko na hindi nila maiintindihan ang sitwasyon ko lalo na at hindi naman nila ito nararanasan.

Sa tingin ko alam na din naman na ng mga magulang ko, halata naman kasi sa mga kilos ko. Siguro ay hinihintay na lang nila ako na umamin ulit sa kanila pero sa totoo lang wala pa akong lakas ng loob ulit na magsalita sa kanila. Baka kasi hindi nila ako matanggap at kung anu-ano pa ang masabi nila sa akin. Masakit yun para sa akin kaya naman nag-iipon muna ako ng lakas ng loob at para naman maging handa ako pag dumating yung time na aamin na ako sa kanila.

Our Playful Secret (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon