Ang Dukhang TAGAPAGMANA

204 13 0
                                    




Sinikap ni Clarisse mamuhay ng tahimik. Pagkatapos ng dinanas niya kasama ang ama nitong namatay sa isang trahedya, natagpuan siya ng mag-asawa sa dalampasigan. Humigit isang linggo nabalitaan nalang niya na mismo ang sarili niyang lola ang nagdeklarang sumakabilang buhay na nga ang mag-ama. Naiiyak niyang isipin na sariling niyang lola ay ayaw na ayaw sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit at hindi man lang ito nag atubiling hanapin siya. Kaya 'yun kinalimutan niya ang lahat at totoong niyang pagkatao.

Masakit man mawalan ng ama pero ramdam ni Clarisse ang pagmamahal na binibigay ng mag-asawa na nagkupkop sa kanya ngayon, kailanma'y hindi niya naramdaman sa totoo niyang pamilya. Namuhay siya ng matiwasay sa isla kasama ang mga ito at ang kaisa-isang anak nitong si Alice na ituring narin niyang totoong kapatid.

Masaya at tahimik. 'Yan ang inilalarawan ni Clarisse sa istado niya ngayon sa buhay. Minsan ay may pagsubok na bumabalakid pero hindi siya nagpatinag dito. Kahit na sa tinutuluyang niyang Unibersadad, naging sentro siya ng pangugutya at katatawanan. Lahat ng 'yun ay nilunok ni Clarisse.

Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Gusto man nitong mamuhay ng payapa, nanganganib naman ang pamilyang napamahal narin sa kanya. Inakala ng lahat na isa lamang siyang dukha pero hindi nila alam na ang kanilang pinandidirian, tinatawanan at kinukutya ay isa lamang nag-iisang tagapagmana ng kilalang pamilya ng bansa.

Ang Dukhang TAGAPAGMANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon