Where are you?Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?
Mag usap tayo. Where are you?
Napabuntong hininga ako ng malalim at pinatay ang phone ko. Chad has been flooding me with his text messages and calls. Hindi ko alam kung ano pa ang punto ng pakikipag usap sa kanya eh malinaw naman na wala na kami. I can't stand seeing him, usap pa kaya?
"Are you okay?" tanong ni Abby habang nagsasalin ng alak sa shot glass.
"Tinatawagan ka na ba ni Tito George?" dagdag pa niya. My dad can be strict, pero sigurado akong natutulog na yun ng gantong oras o hindi kaya ay sa hotel matutulog.
Umiling ako. "A-ah hindi-"
"Loui," napalingon kami nang may biglang tumawag sa pangalan ko mula sa likod at agad hinawakan ang braso ko.
Tinignan ko ng masama si Mico. Siya siguro ang tumawag sa kanya at sinabing nandito kami.
"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ni Abby.
It was Chad.
"Bakit hindi mo ko sinasagot?" inis na tanong niya. Ito yata ang unang pagkakataon na nakita ko siyang mukhang galit sa akin.
"Bitiwan mo nga ako," sabi ko at kinalas ang pagkakahawak niya pero nagpumilit pa rin ito. Hindi pa rin ba sapat ang pag iwas ko sa kanya para di niya makuha na ayaw ko na siyang makausap pa?
"Let's talk outside."
"Chad," si Jaypee.
"Ano ba? Ayoko nga diba?" iritado kong sinabi.
Tumayo si Jace at kinalas ng malakas ang pagkakahawak sa akin ni Chad. What they look like yesterday noong nagkaharap sila ni Jace is exactly what they look right now. Yung parang punong puno ng tensyon sa gitna nila.
"Didn't you hear what she said?" malamig na sinabi ni Jace. Magkalapit ang mukha nila at nakaramdam ako ng takot.
"Ano bang pakialam mo?" singhal ni Chad.
"Bingi ka ba?" Jace spat.
Sarkastikong tumawa si Chad at agresibong dinakot ang t-shirt ni Jace gamit ang dalawang kamay. Napaawang ang bibig ko at lalapit sana para paghiwalayin sila pero pinigilan ako ni Abby.
"Chad," si Mico.
"Can you guys stop? nakakahiya!" reklamo ni Joy. I can hear Dani's giggle. I couldn't blame him. Jace looks so freaking hot when he's mad.
Napatigil ako nang marealize ko ang nasa isip ko.
The fuck did I just said?
"Ano bang alam mo at nagmamagaling ka?" ani Chad. Sinubukan niya ulit hilahin ang braso ko. Pero this time, mas agresibo siya at halos bumaon ang kuko sa balat ko. Napangiwi ako sa sakit at tinulak siya bahagya ni Jace at sarkastiko ulit itong tumawa.
Baliw ba to?
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sinuntok ni Chad ng malakas si Jace sa pisngi dahilan para matumba ito sa mesa namin at malaglag ang mga bote at baso. Napatayo kami lahat at ramdam na ramdam ko ang tingin ng mga tao sa amin.
Ano bang tumatakbo sa utak netong mga to at nag iiskandalo pa dito?!
Agad tumayo si Jace at pinaulanan din ng mga suntok si Chad. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko nang makita ang dugong tumutulo sa mukha nila. Pati ang ibang table ay naperwisyo ng pag aaway nila. Ang bilis ng mga pangyayari.
"Oh my God!" si Abby.
"Stop watching and stop them!" ani Joy. Kitang kita ko ang kaba sa mga mukha nila. At kung makikita ko lang ang sarili ko, sigurado akong ganoon din ang itsura ko.