Dearest L,
M.U, Malanding usapan? Mag-isang umiibig? Malabong usapan?. Hindi tayo na tayo,bawal magselos dahil walang kayo,bawal magalit dahil walang commitment, pwedeng maglampungan pero bawal umasa, masaya ngayon bukas hindi at higit sa lahat maaring nakahawak siya sayo ngayon at bukas iba na. Sa madaling salita, ikaw at ako... Dati rati dinadaandaanan lang natin ang isa’t isa I dont even know you exist then at siguro ganun ka rin sa akin, not until we reached highschool.
You’re my senior at nasa kalagitnaan ako ng pinakacrucial year ng secondary level. You’re year and mine ay ang pinakamahigpit na magkalaban sa lahat ng bagay sa school natin. Kilala kana at ang iyong mga kaibigan dahil kayo ang may pinakagwapong mukha sa campus lalo ka na at ang iyong bestfriend na walking ice dahil sa pagiging cold. Hindi ko talaga gets kung paano kayo naging magkaibigan lalo na’t opposite na opposite kayong dalawa.Ikaw na palaging nakangiti at tumatawa. Pero biruin mo hindi ko talaga matandaan ang pangalan mo ng panahong iyon kahit na sikat at ang tanging tumatak sa isip ko ay ang biloy sa magkabilang bahagi ng iyong mukha.
That time ay palagi akong pinepair up sa isa mong kaklase na may crush daw sa akin kaya sa tuwing sa dadaan ako sa room niyo ay mapupuno ng kantyawan at tuksuhan ang boung lobby lalong lalo ka na. Alam mo bang ilang beses kitang pinatay sa isip ko dahil sa pinaggagawa nyo ng barkada mo. Kumalat tuloy sa boung school yung love team kuno namin ni jason. Bwisit na bwisit ako sayo nun boung araw at ang gusto ko lang gawin ay magatago dahil pati teachers namin nakikisali.
Dumating ang nutrition month, ako ang napiling representative ng batch namin para sa miss nutrition at kalaban ko ang bestfriend mong babae. Partner ko din ang kaklase mong si ethan na may gusto sa kaibigan kung si emily. Todo ang suporta ng mga kaklase mo sa representative nyo pero wala kayong binatbat sa batch namin dahil sa bandang huli ako pa rin ang nanalo.
Nagmamaktol ka pa nga nun dahil di daw ako ang dapat manalo syempre dahil di kita close di kita inaway, di naman ako war freak noh. Kasunod ng event na yun ay ang rhymes and jingles na siyang ikanatuwa ko dahil kami pa rin ang nanalo at kitang kita ko ang inis sa mukha mo. Mukha kang bata na inagawan ng laruan. A week after ay nagsimula ng mamili ng mga participants na sasali sa district meet ng jingle. Halos kalahati ng sasali ay kinuha sa aming batch at ang iba ay sa inyo at sa lower years. Napili ako nun sa hindi malamang dahilan.
Every after last subject ang practice at si Mr.Fernando ang bakla nating MAPEH teacher ang choreographer na ubod ng sungit. Kararating mo lang nun ng bigla kang lumapit sa akin ngumiti, mas gwapo ka pala sa malapitan lalo na kapag ngumingiti. Magkatulad pa tayo ng kulay ng mata.
Nabigla na lang ako ng kinausap mo ako na parang matagal na tayong magkakilala. You’re talking nonsense at ako naman ay tinignan ka lang mula ulo hanggang paa. Naka jersey ka nun at hula ko galing ka pa sa paglalaro ng basketball. Mas lalo akong nagulat ng hawakan mo ang kamay ko at sinuri iyon. “ang ganda naman nito” nakangiti mong turan habang tinitigan ang violet kung bracelet na may naka engrave na pangalan ko. “Gayle” wika mo bago tumakbo. Di ko man lang namalayang nasa sayo na pala ang bracelet ko. Hinabol kita para bawiin yung bracelet ko pero walangya tawa ka lang ng tawa habang binibigkas ng paulit-ulit ang pangalan ko na parang sarap na sarap ka sa tunog ng mga katagang yun.
Napansin tayo ni sir kaya pinagalitan niya tayong dalawa dahil nasisira daw natin yung formation. Tinignan kita ng pagkasama sama pero isang peace sign at nakalolokong ngiti lang ang iginanti mo sa akin. That moment everything change.
Sa tuwing magkakasalubong tayo ay kinukumusta mo ako at kinukumusta ko naman ang bracelet ko na sa tingin ko ay wala ka ng balak ibalik sa akin. Minsan ay tinatawag mo akong “darling” dahilan para tumalon sa abnormal level ang puso ko, akala ko kasi na basa mo ang papel na pinagsulatan ng flames at candles ng mga walang magawa kung mga kaibigan tungkol sa atin. Akala mo lang pala na yun ang endearment namin ni jason na kahit katiting ay wala akong gusto.