Chapter 1:

430 20 5
                                    

Maycee pov:

Life is full of surprises. May mga bagay talaga na hindi natin inaasahang mangyari katulad ng biglaang pagkawala ng mga magulang ko. Alam kong ang buhay ng isang tao ay hiram lang at babawiin din ang ibinigay na buhay sa takdang panahon ngunit hindi ko inaasahan na ganun iyon kabilis.Ang dalawang taong mahalaga at naging sandalan ko sa lahat ng pagsubok ay bigla na lang maglaho. Dati masaya akong namumuhay kasama sila pero naglaho ang kasiyahang iyon nang dahil sa isang trahedya at simula ng mawala sila sobrang lungkot na ng buhay ko. Parang isang bahaghari na unti unting nawawalan ng kulay. Minsan ko nang hiniling na sana makatulog na lamang ako at hindi na magising pa. Dahil sa pagmulat pa lang ng mga mata ko kalungkutan ang sumasalubong sakin. Mabuti pa ang mga kwentong isinusulat ko,may happy ending, may trill unlike my life it's too boring and sad. How I wish I have a perfect fairytale like what I have read in the books.

"Uyy congrats! Makakapagpublish ka na rin!"

Bati sakin ng isa sa mga katrabaho ko.I just smiled at her. After five years of writing stories ngayon pa lang maipapublish ang mga story ko. Napatingin ako sa aking gilid and there, I saw the DVD I buy earlier. "The Twiglight"

Ganito naman palagi ang takbo ng buhay ko. After my work, babalik ako sa apartment ko, prepare my food's then watching TV, tapos matutulog na. Then tomorrow ganun pa rin.Paulit ulit lang minsan naiisip ko .....nakakalungkot din at nakakasawa rin palang mabuhay. Mag isa na lang ako dahil wala na ang parents ko.

"Mas exciting siguro kung makakakita pa ako ng bampira at wolves tulad ni Edward Collin at Jacob." bulong ko.

Of course, that would never gonna happen. Maybe, I'm really crazy. So eager to change my life one day.

I wanna be a main character in a fairy tale would destiny gonna let me?

***



7:30 pm na ng matapos ko ang trabaho ko, nag abang ako ng masasakyan pero mag iisang oras na wala paring dumadaang sasakyan dito.

I let out a sigh. No choice kung hindi ang maglakad.

***

Sa madilim na highway pauwi  sa apartment ko, tanging ang malapit ng mapunding ilaw ng street light at ang sinag ng bilog na buwan ang nagsisilbing liwanag ko.
Sa gitna ng katahimikan nitong village ay umaalingawngaw ang tunog ng mga sasakyan ng mga pulis na nagpapatrol, wala na rin akong makitang mga tao sa paligid.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay napahinto ako nang makaramdam ng kakaibang presensya sa aking likuran. Kinikilabutan ako sa hindi ko malamang dahilan. Dahan dahan akong lumingon kasabay ng pag-ihip ng malamig na hanging na dumampi sa aking balat na nagpatindig saking balahibo.

"Tss! Paranoid na yata ako." saad ko nang wala naman akong nakitang tao sa paligid.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad, ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang ako, when something's caught my attention.

Kumunot ang noo ko't pinulot ang makapal at lumang libro na nasa gilid ng kalsada sa ilalim ng puno, pinunasan ko ang alikabok na nasa ibabaw nito.

Sinimulan kong buksan ang mga pahina ng libro pero wala naman akong nakita kundi mga blangkong papel.

'What kind of book is this?'

Isasara ko na sana ang libro pero nabigla ako ng kusa itong gumalaw at mabuklat sa pinakagitnang pahina. Para bang may sarili itong buhay dahil sa labis na pagkagulat ay nabitiwan ko ito at nahulog sa sementadong kalsada. My eyes wide in horror when I saw a light slowly came out from the book. Nakakasilaw iyun.


Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon