Chapter 5:

150 16 0
                                    

Third person pov:

   
  ***

"Efvouna, please! Help me."

"Sorry Caige, but I can't help you."

"I know that your'e a witch, efvouna."

"H-How did you know?"

"Hindi na importante kung paano ko nalaman. Ang mahalaga ngayon ay hindi dapat matuloy ang fix marriage. Alam kung tuso ang mga hunters. Sa oras na makasal kami ng hunters princess, tatraydurin din nila kami. And I don't want to be married to the person I've never meet in my life, so please, help me."

"Pero------ bago pa lamang akong nagsasany. Hindi pa ako masyadong marunong."

"Kahit na alisin mo lang sa isipan nila ang tungkol sa kasal. Kahit yun lang ang gawin mo. Efvouna, you're my friend, right?"

"P-Pero-------"

"Efvouna, ikaw naang ang malalapitan ko ngayon. Tulungan mo ako. Sige na."

      Huminga ng malalim ang mangkukulam. Nasa loob sila ng Library ng prinsipeng si Caige. Sa mansion ng Royal family.

"O-Ok, I-I'll try." kinakabahang ani ni efvouna.

  Nakaupo sa upuan si caige at nasa harap nya ang kanyang mini table at ang makapal na librong kinuha nya kanina sa bookshelves.

    Nagbabasa sya ng araw na iyun nang malaman nyang ipapakasal sya sa hunters princess, para sa hinihiling na kapayapaan sa dalawang hindi magkasundong angkan.

Ang Hunters at ang Royal family ang pinakamayaman at makapangyarihang angkan. Ngunit, madalas magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga ito dahil sa hindi magkasundo at inggitang nananaig at walang magpatalo.

Ang mansion ng Royal family ay nasa gitna ng kagubatan. Kung saan malapit sa tirahan ni efvouna. Ang dalagang mangkukulam na nakilala ni caige nang maligaw sya at muntik ng mamatay dahil sa dami ng tama ng bala at cuts ng mga espada sa katawan nito dahil sa naganap na digmaan sa pagitan ng kanilang angkan at ng hunters.

     Nang umalis si efvouna para pumunta sa bayan at saka lang nagising ang prinsipe. Nilibot nya ang paningin sa buong bahay. Maliit at simpleng kubo lang ito kung titingnan sa labas subalit kapag pumasok ka rito ay saka mo lamang malalaman na isa itong malaki at lumang mansion, subalit iisa lamang ang nakatira.

     Sa sobrang pagkamangha ay pinasok nya ang isa pintuan kung saan nya naaninag ang kulay pink na liwanag. Pumasok sya rito at laking gulat nya nang makitang ang lahat ng mga bagay dito ay gumagalaw na para bang may sariling mga buhay. Nang mapansin ng mga ito ang presensya nya ay agad na bumalik sa ayos ang mga ito at di na muling kumilos.

Doon nya napagtantong ksa palang mangkukulam ang babae.

***

   

Nagsimula ng bumulong ng mga enchantment si efvouna habang nakapikit habang ang prinsipe naman ay nanatiling kalmado habang inaabangan ang susunod na mangyayari at nabigla sya nang biglang may lumitaw na liwanag mula sa libro na nasa harap nya. Ang librong kasalukuyan nyang binabasa ay unti syang hinihigop papasok sa loob.

Nang magmulat ng mga mata si efvouna ay saka nya nakita ang nangyayari, sinubukan nyang hilahin mula sa libro ang prinsipe pero naglaho na ito kasama ng liwanag kasabay ng pagbalik sa ayos ng lumang libro.

"No!!"

Nakulong sa loob ng libro ang prinsipe at nawala na din ang mga nakasulat dito, nanatiling blangko ang bawat pahina ng libro.

Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon