Prologue

13 2 0
                                    

Copyright © 2020

Hi! This is my first story (again). I know I still have a lot of things to learn when it comes to writing. I admit that I am not that good with words, so sorry na agad sa wrong grammars.ㅋㅋㅋ 8 years na akong wattpad reader, silent reader actually. Never kong inisip na gumawa ng sarili kong story pero ito ako ngayon! 🤣 I just want to share to you guys a piece of my imagination. I always have a scenario on my mind pero natatakot akong magsulat kasi takot ako sa commitment at alam kong hindi ako magaling. But yeah, welcome to my world. Hope you like it! Thank you in advance! ❤️

-



"Ma'am Raphy! Si Aling Jossie daw po may pantawag." tawag pansin sa akin ni Ate Lydia. Tatlong taon nang nagtatrabaho sa akin si Ate Lydia bilang kahera at waitress na din sa aking shop. Narito kami sa Maynila ngayon upang tumao muna sa kabubukas kong branch at nang mai-guide din namin ang mga bagong empleyado.

Kasalukuyan na binabagyo ang Maynila. Tumataas na rin ang tubig. Ang sabi ng may-ari nang kalapit namin na bakery shop, dito daw tatama ang mata ng bagyo. Binuksan na rin daw ang ilang mga dam malapit sa Maynila.

"Ate Lydia, tell her to call for help. We need to evacuate immediately before the water rises." I replied.

"Sige po Ma'am." I nodded and then she leave.

I turn to my 4 years old daughter who is sitting at the stair. Wala siyang kamalay-malay sa nangyayari ngayon sa amin. Nasa unang baitang na ng hagdan ang tubig baha. Nagsimula na rin kaming magtaas ng mga gamit sa second floor. The shop is a two-storey building, the first floor consist of a kitchen, stock room, freezers, a counter and tables. While I decided to make the second floor as my office and a resting place for my employees. May banyo na nasa tamang kalakihan lamang ang naroon at ang locker area na makikita pagkaakyat mo pa lamang sa second floor.

"Mama, ano pong nangyayari? Bakit may tubig na rin po dito sa loob ng house?" she said. House ang tawag nya sa lahat ng shop namin.

"Baby, makinig ka lang kay Mama ha? Don't worry nandito lang si Mama." I hugged and smiled at her.




Makalipas ang ilang oras, lampas tao na ang tubig baha. Patuloy pa rin ang buhos ng ulan at malakas na hangin. Marami nang mga tao ang nagkakagulo sa labas. Narito na kami ngayon sa ikalawang palapag ng shop. Kasama namin ang mag-asawang may-ari ng bakery at si Ate Lydia. Madilim na ang paligid dahil nawalan na ng kuryente. Tanging ilaw na lamang sa kandila at ang buwan ang nagsisilbing liwanag namin dito.

"Ang tagal naman ng mga rescuer! Alam naman nilang may mga taong na-stranded dito sa lugar natin." saad ni Ate Lydia.

"Noong tumawag ulit ako kanina, ang sabi ay maghintay lamang tayo. Ilang beses na akong tumawag at iisa lamang ang kanilang isinasagot." Si Aling Jossie na asawa ni Tatay Rico, may-ari ng bakery.

Magkatabi ang mag-asawa sa sofa na katapat ng aking lamesa dito sa opisina. Si Ate Lydia naman ay nakatayo malapit sa glass window upang makita ang paligid. Ang aking anak naman ay kalong ko sa aking bisig, halatang inaantok na.


"Ang sabi ng trabahador diyan sa tapat e, marami daw na-stranded sa unahang kanto. Tapos nagkakagulo na daw dun sa village ng mayayaman diyan sa kabila."


"Siguro'y inuuna nilang iligtas ang mga mayayaman."

"Hindi naman ho siguro. Baka mas nangangailangan lang talaga sila ng tulong kesa sa atin." wika ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cues of Bright FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon