HE HIT ME (One-Shot Story)

723 25 10
                                    

This story is not yet edited. Grammar and spelling may not be appropriate in some parts of the story.


All rights reserved 2013

************************


Pano pag ikaw , isa ka dun sa mga babaeng mahilig mag stalk sa crush mo?

Sabi nila basta stalker daw pangit pero admirer maganda

Eh, maganda naman ako kaya panindigan na ang pagka ADMIRER.

Pero,  di ba? Dapat ang lalake ang gumagawa ng pagsta-stalk tulad ng ginagawa ko na ganito?

Eh, sa gusto ko eh, wala kayong magagawa! Dahil ako na ang

NUMBER ZERO FAN, ADMIRER AT LOVER NI OLIVER CLIFFHANG.

Oh! Pangalan palang ang gwapo na,  kaya lang naka hang eh.

Joker bah?  LOL!

Well, dahil di niya alam, kayo nalang

At ganito ang storya ko.

"Zy! Asan ka na naman ba pupunta? Tingnan mo oh?! Ang rami pang kailangan I polish dito sa project natin" – Kandi

" Ano ka ba! Ako na nga magdamag naghirap diyan, kaya mo nayan, total magaling ka naming mag design design, dikit dikitan mo nayan!" – Zylle

"Hay! Nako! O sige na nga! Pagbigyan ang President ng V-I, kung wala lang talaga tong points sa homeroom. Naku! Di ko to gagawin." –Kandi

"Nga pala! Vice! Paki announce narin yung sabi ni Ma'am Gonzales para sa upcoming Intrams natin next week. Thanks! Mwuaaahh! Bye!" – Zylle

"Sige na nga! Parang ako na ang President nito ah! Tsk. Pero Lab naman kita! " –Kandi

Ayun Umalis na ako.. Haaay! Ano ba to? Sinasakripisyo ko ang pagka President ko para sa OLIVER  ko. Yiiieee.... Tingnan niyo yang si BFF tatampo tampo na. Hahha!

O sige! Ako na ang baliw, baliw  kay OLIVER! Yay!

BTW, kanina pa ako sat-sat ng sat-sat, di parin ako nagpapakilala

Ako nga pala si  Zylle Martin Claudias, parang siga lang ah! Yung si Kandi, siya yung BFF ko at the same time Vice naming sa classroom. Eh ako? PRESIDENT! Haha!

Oh! Papunta ako ngayon sa field, manunuod ako ng baseball practice ng fourth year level.

Anong meron sa baseball? Wala naman! Nadun lang si OLIVER maglalaro, di lang maglalaro, team captain at pitcher pa nila! Yaayy! Kaya turn-on na turn-on ako diyan!

Di kami classmates, like friends lang, pag dumadaan ako sa classroom nila nginingitian niya ako at yun ang nagsilbing vitamins ko everyday. Oh! Landi ko lang!

Nasa may field na ako, dinala ko yung notebook, ehem.. I mean DIARY ko, kunwari kasi magsusulat ako sa ilalim ng puno pero nanunuod pala ako ng game nila. Mwuahahahah!!!

Pumunta na ako sa kahoy ko! Akala mo naman sinong may-ari to! Well, alam naman nila na lagi ako dito so pag nandyan ako umaalis sila. Hahaha! Ang Sama ko!

Umupo na ako, halatang tapat ito sa field kung saan dun sa part na yun, doon sila naglalaro ng baseball.

Kumuha ako ng ballpen kunwari nagsusulat tapos napapatingin dun sa game. Well, kinikilig ako dahil sa view nato kitang kita ko si Oliver nag pi-pitch ng bola sa practice nila. AYIEEEEE!!!

Ang abnormal ko talaga...

Wait...! Is that a ball coming towards me? In shock ako, kaya di ko alam gagawin ko.

HE HIT ME (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon