"Ang tagal ko nang hindi nakakapunta dito, Elle!"
Naglibot libot si Selene sa condo ko na para bang ngayon lang nakapunta rito. May mga bagong displays kasi ako na nilagay rito. Sinundo niya ako sa Airport dahil kakagaling ko lang sa Japan. "Buti dito ka muna titira?" Tanong ko habang tinitignan niya ang mga picture frames sa living room.
Dito raw siya titira for one week. Buti na lang dalawang flight lang ang meron kami this week. Maiiwanan ko naman si Selene dito dahil may tiwala naman ako sa kanya. Pauumpisahan ko na ang bahay ko next week dahil wala kaming flight sa week na 'yon.
"Ayaw mo ba? Kawawa ka naman kasi dahil wala kang jowang nakakasama dito." She laughed and went to the kitchen. Sinundan ko siya ng masamang tingin dahil palagi niya akong iniinsulto na walang jowa. "Well, wala ka rin naman jowa kung hindi dahil sa akin. You should thank me dahil nakilala mo si Kuya Kelly." Pambabara ko sa kanya.
Tinignan niya ako at natawa siya sa sinabi ko. Kumukuha na siya ngayon ng pagkain sa ref ko. "Hindi ko pa jowa!" Tanggi niya. Siguro nagkakamabutihan muna sila pero do'n rin naman ang punta nun. She went to the living room again and she seated on the couch.
"Seryoso, Elle? Wala ka pang jowa? Ikaw 'yung maraming kalandian sa atin noong senior high school pa tayo, ba't ka naubusan ngayon?" Aba, hindi pa talaga siya tapos sa pang aasar niya sa akin! Umupo ako sa tabi niya para batukan siya. Tumawa lang si Selene at pinagpatuloy niya ang kinakain niya.
I was asking her about my cousin kung kamusta na sila pero maya-maya lang ay nakatulog na siya. Buti na lang nakalipat na kami sa kwarto ko.
The next day, we decided to eat breakfast in our favorite restaurant. "Selene, doon na lang tayo umupo." Tinuro ko sa kanya ang pwesto na malapit sa glass wall. Ayokong nakapagitna ako sa mga kumakain. Umupo kami roon at nakatalikod ako sa entance ng restaurant. Si Selene naman ay nakaharap at nakikita niya lahat ng mga pumapasok.
Nag order kami ng fried rice and bacon may pancake rin siyang inorder. Hinihintay naming dumating ang order namin nang nag open siya ng topic. "Elle, hindi mo na ba nakikita si Billy?" Oh, nakalimutan ko palang sabihin sa kanya ang mga nangyari no'ng ilang araw.
Sinabi ko lahat sa kanya at natigil lang nang dumating na ang pagkain namin. "Kain na muna tayo." Sabi ko nang nasa mesa na ang inorder namin. Nakakailang subo pa lang kami nang biglang nag iba ang reaction ni Selene. Nanlaki ang mata niya at muntik na siyang mabulunan sa nakita niya.
Nilingon ko ang tinitignan niya at nakita kong papasok si Billy sa restaurant. He's using his phone habang naglalakad at may babaeng nakasunod sa kanya. Binilisan ko ang kinakain ko para makaalis na kami dito. "Relax." Sabi ni Selene na binabagalan niya ang pag kain niya para inisin ako.
Naghahanap ng available na table si Billy at 'yung kasama niya. Mukhang papasok pa lang siya sa trabaho. Basa pa ng kaunti ang buhok niya. I think, girlfriend niya 'tong kasama niya. Isa lang ang pagitan ng table namin sa nahanap nila. Inalalayan pa niya ang girlfriend niya sa pag upo. Ang tanda na ng babaeng 'to, hindi ba siya marunong maghila ng upuan?
Umiwas kaagad ako nang magtama ang tingin namin ni Billy. Tumayo na ako at lumabas kahit ayaw pa ni Selene. Sumunod na rin naman siya sa akin nang nagmadali akong lumabas. "Tangina neto! Hindi pa ako nakapag pahinga, gago." Reklamo niya.
Umuwi na kami sa condo ko para mag kwentuhan ulit. "Girlfriend niya 'yon? Hindi man lang nga pinapansin ni Billy kung hindi lang sila umupo." Sabi ni Selene habang nagsasalin ng tubig sa baso niya. Nahiya tuloy ako sa kanya dahil hindi man lang niya nainom ang drinks na inorder niya.
"I don't care." Inirapan ko siya ang pumasok ako ng kwarto para magpalit ng damit pambahay. Paglabas ko, nakaupo na siya sa couch at may kausap siya sa phone niya.
Tumabi ako sa kanya at binaba na niya ang phone niya. Tinignan niya ako at tumawa pa. "You want me to ask Kelly kung jowa nga ni Billy 'yon?" She laughed again. Sinabunutan ko siya sa sinabi niya. "Alam mo kung itutuloy mo 'yan, ako mismo papatigilin ko ang Kuya ko na manligaw sayo!" Banta ko, pero hindi ko naman totoong gagawin iyon dahil alam kong napapamahal na si Selene sa pinsan ko.
Natakot siya at hindi niya tinuloy ang balak niya. I know she's concern pero hindi na siguro importante kung malaman kong may girlfriend na si Billy. "Alam mo, I imagined na ikaw 'yung kasama niya kanina." Seryosong sabi niya at humarap pa talaga siya sa akin. Hindi na lang ako sumagot.
"Elle, kung hindi lang nangyari sa inyo 'yon, feeling ko may inaanak na ako." Aww, kahit pala siya, nakita na niya ang future ko with Billy. Natawa lang ako dahil bakit may inaanak kaagad!?
Umupo ako nang maayos para sagutin ang mga sinasabi niya. "Honestly, if ever girlfriend niya 'yon, nasaktan ako. I don't know why, ang tagal na panahon na ang lumipas but hindi pa rin pala ako handang makita siya sa personal na may kasamang iba."
Hinagod ni Selene ang buhok ko. Tinignan niya ako at niyakap. Dapat sa panahon na lumipas, masaya na ako para sa kanya, e. Bakit nandoon pa rin 'yung sakit.
Lumipas ang isang linggo na kasama ko Selene. Mag isa na naman ako sa condo ko. Pupunta ako ngayon sa office ni Marco para sabihin ang mga plano ko sa bahay ko. Sinabi niya sa akin ang office niya sa call kanina kaya hindi na ako magtatanong pagdating ko doon.
"Papunta na ako sa office ni Marco, Ma." Sinagot ko saglit ang tawag ni Mama habang nagdadrive ako. Mabilis lang ang biyahe dahil hindi naman traffic. Bumili muna ako sa drive-thru na makakain ni Marco dahil panigurado, maghahanap iyon ng pasalubong.
I am so excited to see my dream house. Sana masundan nila 'yung sketch na ginawa ng architect na kinuha ni Marco. Nakasakay na ako sa elevator at dala-dala ko na ang pagkain niya. Tinatawagan ko siya para sabihin na papunta na ako pero hindi niya sinasagot.
Nang makita ko na ang office niya. Kaagad akong pumasok at hindi na ako kumatok dahil si Marco naman ang nasa loob. "Ay putangina." Nabuga ni Billy ang kapeng iniinom niya nang makita niya akong pumasok.
"Bakit ka nandito!?" Galit na sabi ko dahil I am expecting to see Marco here! Hindi 'tong tarantadong ito. Natawa pa siya sa sinabi ko. "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo nyan? Bakit ka nandito, Elle?" Pinupunasan pa rin niya ang long sleeves niyang natapunan ng kape. Hindi ko naman kasalanan iyon, 'no!
Bigla niyang nilipat ang tingin niya sa dala ko. "Alam ko na, nandito ka dahil binilhan mo ako ng almusal, 'no?" Kumunot ang noo ko at tinignan siya nang masama at naging dahilan naman 'yon sa pag tawa na naman niya. "Ang kapal." It was so awkward dahil nakaupo siya sa table ni Marco at nakatayo ako sa harapan niya.
"Nasaan si Marco?" Biglang nawala ang ngiti sa labi niya sa sinabi ko. "Ah, nasa meeting." Paliwanag niya.
Inis akong umupo sa couch sa office ni Marco. Wala akong choice kung hindi hintayin siya dito! "Oh tapos, ikaw? Bakit ka nandito?" Masungit na sagot ko sa kanya dahil nasira ang umaga ko nang makita ko siya!
"Engineer rin ako sa kumpanyang 'to, Elle." Aba, namilosopo pa! "Alam ko." Bulong ko pero narinig pa niya 'yon! "Sabi kasi niya na may darating siyang bisita. Hindi ko naman alam na ikaw pala."
Tumahimik ulit ang paligid nang wala nang nagsalita sa amin. I was using my phone at nararamdaman kong tumitingin si Billy sa akin. "Elle?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya na pinaglalaruan ang ballpen na bigay ko kay Marco.
"Aren't you proud of me?" He winked
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Fiksi RemajaIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...