Chapter 27

11 6 0
                                    

"Elle, tinatanong kita."

Hindi pa talaga siya tapos sa pangungulit niya. Bakit ako magiging proud sa kanya? Dahil ba naging babaero siya simula no'ng hindi na kami magkausap? Ah, I don't know!

"Saan?" I asked him while I still waiting for Marco. Inikot pa niya ang swivel chair ni Marco bago siya magsalita. Tinitigan niya ako ng matagal. Nakatingin rin ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. "Dahil natupad ko ang pangarap ko." He answered confidently.

I am proud of Billy since day one. Kahit noong inaabot pa lang niya ang pangarap niya, noong naging masaya siya kahit wala na ako, I am very proud of him. Nananalo nga lang siya sa ml, proud na ako, e. That's how I love Billy before...

Tumikhim ako bago ko sinagot ang tanong niya. "I know you will still achieve your dreams even without me. Expect ko na 'yon." Nagulat siya sinabi ko. Ako rin naman, bigla na lang lumabas sa bibig ko 'yon! Baka akala ni Billy, binabalik ko ang nakaraan namin.

"So proud ka nga sa akin?" Nagpapacute pa siya! Pinatong niya ang mga siko niya sa table ni Marco at nagpahalumbaba siya habang naghihintay ng sagot mula sa akin. "I a-"

Pumasok bigla si Marco sa office niya at naging dahilan 'yon kung bakit natigilan ako sa pagsasalita. Tumayo kaagad si Billy sa kinauupuan niya kahit nasa pinto pa lang si Marco. Sinalubong ko si Marco at niyakap ko siya. "Kanina ka pa ba?" Tanong niya nang inabot ko ang binili kong pagkain para sa kanya.

Tumungo siya sa table niya at kinuha niya ako ng extra chair para umupo ako sa tabi ni Marco. Si Billy naman ay umupo sa couch, para bang wala siyang balak iwan kami dito. Makikinig rin ba siya sa mga sasabihin ko!? Dapat naman alam niya 'yung privacy.

Kumain na muna si Marco. Kinuha ko ng tubig 'yung tumbler niya para may inumin siya. "Ah, Engineer Viray, bebe time yata. Mauna na ako." Paalam ni Billy. Bebe time!? Kanino? Sa akin? Hindi naman ako bebe ni Marco!

Tumango ako bago siya tuluyang lumabas sa pinto. Nilock ko 'yung pintuan at padabog akong umupo sa couch. "Napano ka?" Tanong niya habang nagliligpit siya ng pinagkainan niya.

"Bakit mo pinagbantayan dito si Billy!?" Nakabusangot pa rin ako. Nanlaki ang mata niya nang mapansin niyang parang ayaw kong makita si Billy. "Hindi ba magkakilala naman kayo ni Engineer Mendoza?" So akala niya matutuwa ako na nadatnan ko si Billy dito? "Nevermind, let's talk about my house."

Tinignan ako ni Marco na parang may gusto pa siyang itanong. "Ano!?" Inis na tanong ko. "Ayaw mo ba siyang makita?" Tumawa pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Hindi naman sa ayaw, nagulat lang ako. Sana sa susunod sabihin mo." Paliwanag ko, pero ang totoo I really don't want to see him. Madalas ko na siyang makita simula noong nagpunta sila sa California.

I changed our topic at dumako kami kung ano ba talaga ang dapat naming pag usapan ngayon. He showed me the sketch again and he discussed what they will do first. "Gusto ko sa garrage ko, limang kotse ang magkasya, ha?" Akala niya nagbibiro ako pero seryoso talaga ako doon.

"Next month siguro, mauumpisahan na." Umalis na ako nang maliwanagan sa bahay na ipapagawa ko. My mom knows about this pero gusto ko kapag pinakita ko sa kanya, gawa na lahat. Hinatid ako ni Marco hanggang sa parking lot at sumakay na ako sa kotse ko.

Papunta ako ngayon sa mall para makipag kita kay Kitty. Ilang taon ko na siyang hindi nakikita. It's already lunch time kaya siguradong maraming kumakain sa mga restaurants.

"Ate Elle!" She hugged me tight at kulang na lang ay magpabuhat siya sa akin. Ang laki ng pinagbago niya. Tumangkad siya at pumayat na rin kagaya ko. Pumasok na kami sa restaurant na napili naming kainan. I asked her about her studies. Masyado siyang busy sa Pediatrics courses na tinetake niya. "Ikaw, Ate? May jowa ka na?" I don't know kung bakit kapag nakikita ko ang mga kaibigan ko, ito kaagad ang tanong sa akin.

Kapag ba nagkajowa ako, mabibigyan ako ng isang milyon? Nag eenjoy ako sa pagiging single. "Wala." Maikling sagot ko. Lumapit na ang waiter sa amin at binigay ang menu. "Libre ko." Sabi ko kay Kitty habang tinitignan niya ang mga pagkain sa menu. We ordered crispy pata, kare kare, bulalo and barbeque.

Occupied lahat ng tables sa restaurant na ito. Kaya nga 'yung table namin ay pang apat na tao pero umupo na kami kahit dalawa lang kami. Habang hinihintay namin ang order namin, nagpaalam muna si Kitty nag mag cr muna raw. Naiwan akong mag isa dito kaya nagcellphone muna ako.

Maya-maya pa ay bumalik na si Kitty pati ang order namin. Kumain na kami kahit ang daming tao sa paligid namin na naghihintay ng bakanteng pwesto. "Hala! Si Kuya Billy!" Nabulunan ako nang makita ko si Billy na naghahanap rin ng upuan. Siya lang mag isa, huh?

I told Kitty to stop calling him pero hindi siya tumigil hangga't hindi siya narinig Billy. "Heto na 'yun Ate, after almost 8 years, matutupad na 'yung sinabi ko sa inyo na third wheel ako sa date niyo." What the hell? DATE!?

"Kuya dito ka na lang po umupo." Tinuro ni Kitty ang upuan sa tabi ko nang marinig na siya ni Billy. "Hindi ba nangangagat 'yung kasama mo?" Biro niya kay Kitty. Ako? Mangangagat? Hindi naman ako aso!

Umupo na si Billy sa tabi ko at naghintay ng menu pero sabi ni Kitty ay huwag na. We shared our foods to him dahil hindi naman namin mauubos ito. "Ops, picturan ko muna kayo!" Hays, Kitty! Anong pakulo ito?

Kinuha ni Kitty ang phone mula sa bag niya at pinicturan nga kaming dalawa ni Billy. Nanginginig ang paa ko dahil sa kabang nararamdaman ko. "Kitty, sa phone ko rin." Inabot ni Billy ang phone niya kay Kitty. Ay? Artista yata ang tingin sa akin neto!

"Oh, isa pa. One, two, three." Pagtapos non, akala ko ibabalik na ni Kitty ang phone ni Billy pero nagsalita pa si Billy na sumali sa picture si Kitty.

Kumain na ako nang matapos silang magpicture. Tahimik lang kaming tatlo. "Ate, punta lang ako sa cr." Iniwan pa nga! Nag cr na siya kanina kaya alam kong ginawa niya lang 'to para maiwan kaming dalawa ni Billy dito.

"Walang flight?" Biglang tanong ni Billy. "Kanina mo pa ako nakita, sa tingin mo nandito ako kung meron?" Masungit na sagot ko.

Napalunok lang siya sa sinabi ko at nagpatuloy ako sa kinakain ko. "Bakit hindi mo sinama si Marco?" Tinignan niya ako at bumalik ulit ang tingin niya sa kinakain niya. "Ikaw, bakit hindi mo kasama 'yung girlfriend mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at naghintay ng sagot niya.

"Girlfriend?" Nagtataka siya kung bakit gano'n ang naitanong ko sa kanya. "Ah, 'yung kasama ko last week?" Uminom muna siya bago niya sinagot ang tanong ko. "She's Athalia my ex. Nag aya lang siyang kumain bago ako pumasok sa trabaho." Umirap ako nang marinig ang sagot niya.

"Hindi ko tinatanong." Diretsong sabi ko. Natawa siya sa sagot ko dahil napaka sungit ko na naman daw. He always made friend with his ex girlfriends, bakit ako hindi? Ay, wala pala kaming label noon.

Later on, Kitty came back. "Ano, napagdesisyonan niyo na ba na magbabalikan na kayo?" Tanong niya pag upo niya. "Walang ibabalik." Masungit na sagot ko habang si Billy, umiling lang at tumawa pa.

"Ah, mauna na ako sa inyo." Paalam ni Billy at maya maya pa ay umuwi na rin ako. Si Kitty naman ay umuwi na rin dahil magrereview pa daw.

Humiga na ako sa kama ko at nag cellphone. I opened my instagram account to view some stories. Kaagad bumungad sa akin ang story ni Billy. 'Yung una ay picture niya kaninang nasa office siya ni Marco. Ang pangalawa naman ay.. What the FUCK!? Picture naming tatlo kanina kasama ni Kitty!? Bakit kailangan niya itong ilagay sa story niya!?

'My almost fam..."

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon