Chapter 7

976 82 10
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Sabado ngayon at walang pasok.

Si Ismael ay inaya kami na uminom sa bahay nila kaya pumayag naman agad kami, sinabi ko rin na mag-sasama ako ng kaibigan.

Pag-labas ko sa bahay ay sumalubong sa'kin si Brandon, naka-ngiti ito kaya parang natunaw ako at nanghina ang mga tuhod.

Tama na ang mixed signal Brandon.

Pagtapos ko masigurado na naka-lock ang bahay ay lumapit ako sakaniya. Sabay kasi kaming pupunta sa bahay ni Ismael which is malapit sa bayan.

"Tara na?"

Tipid akong ngumiti bago sumunod sa kaniya.

Simpleng Blue shirt at Short lang ang suot niya pero ang lakas na ng dating niya. Hindi ko tuloy makalimutan nung pumunta siya sa building namin, sobrang hot niya sa suot niya.

Sa gitna ng pag-lalakad ay biglang may nag text sa'kin.

Ismael Loko:

Nandito na 'yung kambal at Hansel, san kayo?

Me:

Malapit na.

Pinatay ko na ang phone ko para sabihin kay Brandon na bilisan namin. Sinabi ko na malapit na kami kahit kaalis palang namin sa bahay. mga Filipino talaga.

Hindi naman naging matagal ang naging biyahe namin. mabilis kaming naka-punta malapit sa bayan, kasabay na rin namin si Jacob dahil siya ang sinasabi ko na isasama ko.

Tumigil kami sa isang napakalaking bahay. Napa-nganga ako sa nakita.

"Ito ba talaga 'yung bahay ni Ismael?" Manghang tanong ko.

"Oo." Sagot nung dalawa.

Pag-pasok namin ay doon ko mas nakita ang kabuoan ng bahay. Sobrang laki niya talaga.

Kulay puti at ginto ang kulay nito, may malaking front door sa unahan na akala mo ay parang sa mga simbahan. May nakaparada din na iba't-ibang klase ng mamahaling sasakyan at syempre ang mahal na big bike ng kambal.

Nang tuluyan kaming maka pasok ay may sumalubong sa'min na isang babae. Maid.

"Sir sa Rooftop daw po kayo dumiretso sabi ni Sir Ismael." Ani ng babae na agad naman naming sinunod.

Simple lang ang disenyo ng bahay nila pero yung gamit sobrang mahal tignan, 'yung chandelier na sobrang laki at kumikinang palang hindi na kinaya ng kaluluwa ko.

"Grabe sobrang ganda..." Hindi parin maalis sa'kin ang pagka-mangha habang paakyat kami sa hagdanan.

Nakarating kami sa Rooftop at nakita ko ang kambal nagpi-picture, habang si Ismael ay nag-iihaw ng barbeque at si Hansel ay naka-upo lang may binabasa na magazine.

"Primo!"

Hindi ko napansin si Tito Prim na nandito rin pala, agad akong lumapit at binigyan ito ng yakap. Kahit sobrang ingit ko kay Ismael ay masaya parin ako dahil kahit paano ay nararamdaman ko kay Tito Prim ang hindi naiparamdam sa'kin ni Papa.

"Tito nandito rin po pala kayo."

Napansin kong lumapit si Brandon kay Ismael at tinulungan ito, si Jacob ay umupo katabi ni Hansel na hindi ito binigyan ng pansin.

"Mabuti at naisipan niyong dumalaw dito, namiss ko kayong mga bata kayo!" Ani Tito Prim na halata mo sa mata sa kasiyahan.

Masaya naman talaga ako na magkakasama kami, lalo pa't nagiging malalim na rin ang pinagsasamahan namin bilang magkakaibigan.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon