In Silence with John

59 2 0
                                    

Ako nga pala si Jessie Montegrande.

Kung aakalain mong lalake ako ay nagkakamali ka. Babae po ako, sa pisikal na anyo pati na rin sa puso ngunit, may iilang katangian sa akin na hindi makikita sa iba. 

Oo, boyish nga ako. Siga kung makalakad sa daan. Taas noo at parang may susuguring kaaway ang asta kung ako'y iyong unang makikita. Pero wag ka maguluhan, hindi naman ako tibo gaya ng inaakala ng iba. Isa na siguro ito sa mga katangian ko kung bakit noong pumasok ako ng kolehiyo ay hindi na ako nagka-nobyo pa. 

Hindi kasi ako iyong tipong babae na "girly". Ayoko maging girly. Hassle sa lahat ng bagay. Ang daming arte sa katawan, pagkain pati na rin sa iba pang bagay. Matrabaho maging girly kung tutuusin. Make-up sa mukha, manicure at pedicure sa mga kuko, mga damit na "fitted" pati na rin ang kulay na pink. Oo, ayoko ng pink. 

Ano nga ba magagawa ko di ba? Kung ito ang katangian na pinili ko simula pa lang noong pagkabata ko pero hindi porque ganoon ako eh, hindi pa ako nakaranas ng salitang "PAG-IBIG". 

 Pag-ibig, sa ingles ay LOVE na ni minsan hindi nagkaroon ng ispesipikong kahulugan. Nararamdaman mo siya, pinapahalagan, pinapangarap, inaayawan, kinalulungkutan at tinatalikuran. Kung aakalain nating napaka-husay magmahal, hindi po lahat ng sitwasyon eh ganoon sapagkat kadalasan, maraming natatapos at nagsisimula, nangangako ngunit nabibigo at nasasaktan sa pagiging masaya ng iba nang dahil lamang sa PAG-IBIG.

19 years old na ako ngayon, nagmahal lang ako pero bakit ako nasasaktan ngayon? Nagpakita lang naman ako ng pag-aalala at sinseridad sa kapwa ko, pero bakit ang pakiramdam ko ngayon ay kinulong ako sa isang seldang malamig na kailanma'y hindi na lalaya pa. Malamig nga, at wala pang kasama, naghihintay lang baka sakali makalaya ako sa mga tanong na kailanma'y hindi ko talaga binigkas at hindi rin naman nasagot. Pero basta, ang alam ko kasi noon ang mga ala-alang iyon ay mahalaga at hinding hindi ko makakalimutan pa.

"Ngunit ang Pag-ibig ay parang apoy, lalamunin ka nito ng buhay" bigkas ni John sa pagtatapos ng kanyang tula na binasa sa harapan ng klase.

"Whoa! Ayos ah, naks naman", ang sinabi ko sa katabi ko sa klase noong araw na iyon. 

Si John isang lalakeng napaka-common ng pangalan, noong una ko siyang nakilala ay ayaw na ayaw ko sa kanya. Maingay siya, mayabang, bully, loko-loko at isa sa mga dakilang "cheater" sa klase simula pa noong first year college namin. Hindi ko pa siya nakakausap noon, pero unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa kanya noong unti-unti ko siyang nakilala. 

Masaya siyang kausap. Hinding-hindi ka mababato kung kasama mo siya. Magaling kasi siya magsalita at bilib na bilib ako sa kanya lalo't lalo na kapag siya ang naka-assign mag-report sa harapan ng klase.

Hindi naman siya kagwapuhan kung tutuusin. Hindi ko nga siya type eh. Medyo matangkad siya, kayumanggi ang balat, di katangusan ang ilong at tama lang naman ang kanyang katawan. Oo nga pala, may dimples siya sa magkabilaang pisngi, isama mo na rin ang kanyang "broad shoulders" at ang kanyang mga pangil sa ngipin na mukhang pang-bampira. Ordinaryong tao lang naman siya, gaya ko, gaya mo, gaya ng nanay, tatay, ate at kuya mo at kung sino-sino pang tao ang nasa angkan mo. Nagkakaiba lang naman tayong mga tao sa ugali eh, kung ano ang tingin natin sa ating sarili pati na rin ang ibang tao sa atin.

Hindi ko masasabing LOVE STORY ang naranasan ko kay John ngunit kung ako din lang naman ang tatanungin mo, syempre marami din akong binigyang kahulugan. Oo, naging ASSUMING nga ako at nag-EXPECT pa ako. Parang tanga lang eh noh? Di mo naman aakalain na ang mga bagay na iyon ay walang kahulugan eh, kahit ikaw pa ang nasa kalagayan ko. 

"Uy Jessie, ang cute mo daw pag naaasar sabi ni John" ang biglang bigkas ng kaibigan kong si Minorin habang nasa gitna kami ng pagkukuwentuhan. Nangiti naman ang isa naming kaibigan na si Lorraine at sabing "Oo nga daw eh, ayeee" ang kantyaw naman na pinahabol niya. Ako naman, na wala pang malay sa mga bagay-bagay eh nagsabi na lang ng "Eh oh? Nangti-trip na naman yung loko na yun! HAHA!".

Yung mga panahong iyon, pasimula pa lang ang aming pagkakaibigan. Depressed ako noon sa dati kong matalik na kaibigan na minahal ko pero iniwan naman ako sa ere at si John naman, may nililigawan na kaibigan ni Minorin. 

Di ko rin naman inakalang magiging kaibigan ko siya. Yung mga panahong iyon kasi, bumait siya. Nag-lie low ang kanyang mga pangit na ugali na nakita ko noon at doon nagsimula akong maglook-up sa kanya.

Matalino kasi siya, loko-loko nga lang. Tipong, pa-easy easy lang sa life. Maraming bagay man akong nalaman tungkol sa kanya, marami din naman yung mga bagay na hindi niya balak banggitin. Hindi kasi siya open na tao. Dali-dalian na lang naming nalaman na naging girlfriend na niya iyong nililigawan niya noon tas dali-dalian din naming nalaman na naghiwalay na pala sila.

Hindi man niya sinasabi ang lahat, nakikita ko rin sa kanya na may mga bagay siyang kinalulungkutan ngunit, di ko lang malaman kung ano nga ba iyong mga iyon. 

Nagsimula akong magka-crush kay John noong nag-outing kami tapos noong pauwi na kami galing sa swimming na iyon ay nadali ang kamay ko sa alambreng nakalawit sa gilid ng isang construction site at pagkatapos noon ay nagpakita siya ng sobrang pag-aalala. Yung pag-aalalang nakikita mo sa taong alam mong pinapahalagahan ka. 

"Aray!" Sigaw ko noong nasugutan ako.

"Oh, anong nangyari? Ok ka lang? sabi ni John.

"Ah eh nadali ako doon sa alambreng nakalawit doon sa dinaanan natin kanina eh."

"Hala ka, patingin nga ako" pag-alala niya.

"Ok lang ako, gasgas lang yan, malayo pa sa bituka" sabi ko sa kanya.

"Eh kahit na ba, alambre yun, baka ma-Tetanus ka pa, di mo kasi tinitignan dinadaanan mo eh. May band-aid yata  ako dito sa bag, saglit lang hanapin ko". -John

"Hindi wag na, gasgas lang naman oh. Hugasan ko na lang pag-uwi. " -Jessie

"Ay naku, wag kang pasaway. Eto na oh, nahanap ko na. Halika dito at ilalagay ko na sayo. Ayan kasi, hindi nag-iingat." -John

"Eh kasi parang yan lang naman eh" -Jessie

"Eh mas maganda na yung sigurado" -John

"Oo na po. Salamat ah" -Jessie

"Aysus, parang yun lang. Alerto kasi ako sa mga ganito, laging may first aid haha. " -John

"Haha, okay, ikaw na ang boy scout." -Jessie

At doon naghiwalay na kami ng landas at umuwi sa kaniya-kaniyang mga bahay. 

Noong oras na iyon, may tuwang bumakas sa puso ko. "Kilig" yata ang tawag doon at bigla ko naisip, hindi puwede, may girlfriend siya; kilala ko pa. 

In Silence with JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon