2. Gabby

1.2K 21 1
                                    

Gabby

“Hi baby bro! <3 <3 <3”

“Ano kailangan mo? Alis.”

“Ang sungit sungit mo naman! Saka paano mo nasabi na may kailangan ako sayo? Di ba pwedeng love na love lang kita? Ha?!”

“Alis.”    

      

Nakakainis talaga forevs ‘tong si Grant. Alam na alam niya talaga na lumalapit lang ako sa kanya pag may kailangan ako. Pano ko ba naman siya lalapitan eh kay lalaking tao napaka sungit! Akala mo may uterus at laging may mens ampupu!

Huhuhu gutom na gutom na ang peg ko. Nakakainis wala kasi si Mama eh! Buong buhay nagsha-shopping akala mo naman mayaman. Kailangan ko tuloy lambingin si Grant para lang ipagluto ako kasi dyosa ako, pretty. Kaya dapat ipagluto. O sabihin nalang natin na hindi talaga ako marunong magluto.

“Grant baby, I miss you!!!”

“Ingay. Alis.”

Hindi siya madadala sa ganito, kailangan ko ng pang star magic na jaforms dito.

“Ano ba Grant.. Tayo na nga lang dalawa ang magkasama tapos ganyan ka pa sa akin? Ni-minsan ba hindi mo ako tinuring na kapatid? Sana naman kahit paano respetuhin mo ako. Kung hindi mo ako kayang igalang bilang ate mo, kahit man lang sana bilang tao-“

“K.”

“T*NGINA MO!!! F*CK YOU!!!”

 

GRRRRR!!! Ang dami dami namang ibibigay sa akin na pwedeng maging kapatid isang psycho pa! Magii-starve to death na lang ako para kapag namatay ako, si Grant ang masisi o kaya may reason ako para maging cannibal. Pero yuck, di ko kakainin si Grant baka mahawaan pa ko ng bad vibes nyang taglay. Ewww lang ha! ayoko maging kasing bad ni Voldemort.

Mag ffb na lang ako! Ipopost ko yung mga mala-dyosa kong selfie kahapon. Di ako pwedeng magselfie ngayon tinubuan ako ng pimples eh. HUHUHUHUHU Malas pa! may pasok na kami bukas. OMGGGG!! Baka makita to ni Romeo my L O V E!!!!!!!!!!!!

30 friend requests

6 messages

24 notifications

Ang famous ko. WAHAHAHA! Tinignan ko yung notif.. Juicekolored! 20 notifs mula kay Charity. Sa ganito lang ba talaga umiikot ang buolyf niya? (buolyf eww! Jeje!) Nilike niya yung pictures and status chorva ko tapos the rest ng notifs ko puro game request na. Ang famous ko diba?

Tapos naman binuksan ko yung messages. 6 messages mula kay Charity. Super excited na daw siya kasi magkikita na kami basta di ko na binasa lahat. Super gutom na ang peg ko wala akong gana para sa mga sh*t. Saka para namang di kami magkikita bukas hindi makapaghintay?

Lastly binuksan ko na yung 30 friend request,  25 lang to noong isang araw. Grabe ang famous ko. Actually di talaga ako nag-accept ng mga hindi ko kilala. Kadiri naman kasi yung ibang nag-add sa akin eh. Kundi jeje, taga ibang bansa. Noong nakaraan nga may nag-add pa sa akin na taga Ouagadougou, Seriously? Burkina Faso? Di ko nga alam na may nag-eexist na ganung lugar eh. Ganun ba ako ka-peymuth? Baka sa susunod may mag add na sa akin na Alien ha.

Skye Verano

17 mutual friends

Trinity Julian

Millicent  Lacsamana

66 mutual friends

Abdul JD

Blake Shelton

OMG! Inadd ako ng naglalakad na basura na si Millicent. Akala ko nakakapaglakad lang siya, yun pala nakakapag fb na din! Inaccept ko ang gaga. Humanda siya sa akin. Inaccept ko na din yung Skype Verano chuchu kahit na mukhang jeje. Okay lang naman siguro mahaluan ng jeje ang friendlist ko paminsan-minsan saka schoolmate ko naman siya eh. Pero di ko siya kilala, di famous!

Agad agad kong tinignan ang wall ni Millibag. Tinignan ko yung mga nakakasukang pictures niya. Nawala tuloy gutom ko.

OMG! 238 Ang likes ng profile picture niya. Bulag ba lahat ng friends niya o siya lahat to? O baka naman inisa-isa niyang minessage yung friends niya para lang i-like tong basura niyang picture.

Naglog-out na ako. Naumay na kasi ako sa kapangitan ni Millicent eh. Pumunta ako sa salas pagkatapos ay humiga sa sofa. Ano ba yan, sobrang nakakalungkot. Lagi na lang akong ganito. Kahit na may kasama ako dito sa bahay feeling ko ako lang mag-isa ang namumuhay dito. Si mama laging busy sa bago niyang boyfie, si Grant naman p*ta! Hay nako sana magkaboyfriend na ko! Wait nga magdadasal muna ako!

“Lord sana po bigyan niyo po ako ng taong makakasama at magpapasaya sa akin, higit sa lahat mamahalin ako ng totoo at hindi ako lolokohin. Sana po-”

“I’m home!!! May dala akong pizza at carbonara!”

At yun na nga, kumain ako ng madami. As in madami talaga. Tapos na kumain sina Mama at Grant pero ako matibay.

"Lakas kumain. Kaya tumataba eh." sabi ng autistic kong kapatid. Hindi ko na siya pinansin kasi seriously, naaawa na ako sa kanya. Ang hirap kaya ng may kapansanan. 

Pero di nga??? Tumataba nanaman ba ako? Ayoko na ulit tumaba! 

Pagkatapos ko chumibog pumasok ako sa cutie room ko na puro hello kitty at kinuha ang medida na nasa drawer ko. 

OMG! Tumaba nga ako! 26 na ang bewang ko! OMG OMG OMG NO NO NO!!! 

Simula bukas madadiet na ako! Di na ako pwedeng tumaba ulit. Ayoko na ulit bumalik sa dati yung pakikitungo sa akin ng tao.  Alam naman natin lahat na sa paningin ng mga tao ngayon, puro physical appearance nalang ang nakikita, puro outside outside wala ng inside inside.

Pero nakakapagtaka talaga, sexylicious na nga ako at umaapaw sa kapreetihan pero wala pa ding nanliligaw sa akin! Foota lang? Maybe because I'm super nice. Shet magpapaka bad na nga ako!

Pero di pa din ako nawawalan ng hope! Pasukan na tom, malay mo makahanap na ako ng TALL, WHITE AND HANDSOME NA BOYFRIEND! At sana si Romeo my love na yun <3

Ah! My bad. Nakalimutan kong i-introduce ang sarili ko sa inyo. My name's Jean Gabrielle Santander. Mage-dedebut na ko bukas. Yeah, bukas. Pero parang wala lang. Hindi ko naman kasi hilig maghanda saka sino naman ang pupunta? Si Cha  lang? Eh wala naman akong ibang friends. Hindi naman sa anti-social ako. Kapal nga ng face ko eh. Kaya lang hindi lang talaga ako sanay magtiwala sa tao. Saka sa panahon ngayon mahirap maghanap ng tunay na kaibigan, yung iba mabait kapag kaharap ka pero pag talikod mo kung anu-ano na ang sinasabi na masasama tungkol sayo. Yung iba naman user, lalapit lang sayo pag may kailangan. Madami na akong na-experience na ganun. Hanggang sa nadala na din ako. Actually sa totoo lang kaya ko na mamuhay ng mag-isa ng walang kaibigan. Hindi ko sila kailangan lalo na kung ganun lang din naman sila. Mas mabuti pang mag-isa. 

Pero sa ngayon natutuwa ako dahil meron akong kahit isa man lang na kaibigan. Si Charity! Kahit na boba boba yun at nakakarindi ang bunganga eh talagang maaasahan siya sa lahat ng bagay. Pag may problema ako napagsasabihan ko siya at never niya akong jinudge dahil sa ugali ko. Siya yung tipo ng tao na napaka slow pero masayang kasama. Natutuwa ako sa pagiging slow niya, sa totoo lang yun ata ang namiss ko sa kanya ngayong bakasyon. Hindi kasi kami nagkita ng buong 2 months na bakasyon dahil umuwi siya sa province niya. HAHAHA! Siguro ang neg neg niya ngayon!

Our Playful Secret (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon