Kakaibang i love you <3

108 0 1
                                    

Kuya's girl si Rhian, kaya nman nung isama ang kuya bobit niya sa Bicol ng kaibigan nitong si Benj, sumama na rin siya. Hindi sila nagsummer class ng bakasyon na yun. Magbarkada kasi ang kuya bobit niya at si Benj mula pa nung high school days nila. At ngayon ngang pareho ng fourth year collage ang mga ito best of friends parin sila.

Mas bata ng three years si Rhian kay Benj at crush niya ito. Minsan niyang nasabi kay Marie best friend niya sa manila " Pag ako niligawan ni kuya Benj, ssagutin ko agad siya". Kilig na kilig naman si Marie "Wish ko lng!" sabi nito sa kanya.

Sumama si Rhian sa kuya niya hindi lang dahil sa kuya's girl siya, hindi lng dahil crush niya si Benj, kundi dahil gusto rin niyang makita si Marife, bunsong kapatid ni Benj na kasing edad niya.

Welcome na welcome sila sa bahay nila Benj. Hindi mabilang na beses ng nakarating doon ang kuya bobit niya. Pero siya, first time pa lng.

"kuya Benj, yung sinabi ko sayo, yung pili nuts, bibili tayo ha?" sabi niya rito nung gabi na't katatapos nilang maghapunan at lumabas sila para magpahangin. Sobrang init kasi ng panahon. April kasi nun nun at laging maalinsangan ang klima.

"Pwede ba, little girl, huwag mo akong tawaging kuya? Sabi ko sayo Benj na lng ang itawag mo sakin eh"

"O sige, Benj na lng" sabi nito sa knya at humagikgik

"HIndi kita bibigyan ng pili nuts," banta nman nito sa knya

"Sige na nga kuya Benj !"

"Sandali," at pumasok si Benj sa loob ng bahay. Lumabas din ito agad dala ang malaking garapon ng pili nuts.

"O eto, ubusin mo yan ha! Marami pa sa loob!"

"Ay ang galing! Akin to lahat ha!" sabi niya pagkaagaw sa garapon

"Hoy, mamigay ka!" sabi nman ng kuya bobit niya

"Yaan mo tol marami sa loob"

"Talaga tol?"

"Sa kusina kumuha ka"

"Sige dyan muna kayo , nood kmi ng TV ni Papay" Ang tatay ni Benj ang tinutukoy ni Bobit. Pumasok na ito sa loob at hindi na lumabas.

Habang kumakain ng Pili nuts si Rhian, panay naman ang kwento ni Benj tungkol sa probinsya nila sa Albay, tungkol sa Mayon Volcano, tungkol sa kamag anak nila, sa klase ng kabuhayan don, at yung ngang tungkol sa mga sweet delicacies sa probinsya nila.

Na enjoy nman niya ang kwento ni Benj nangako ito sa knya na ipapasyal sa bukid ng lolo, di kalayuan sa bhay nila. At mangunguha rin sila ng mga manggang piko sa manggahan ng isang pinsan nito.

"Siguro naikot mo na ng buong Bicol ano?" tanong niya

"Oo, kasi alam mo sina Mamay at Papay mahilig pumunta sa mga kamag anak, tapos lagi kming bakabuntot ni Marife. O nga pla bukas pa ang dating ni Marife". Nasa bayan si Marife dahil nag ssumer class ito.

Nagkwnto pa ng nagkwento si Benj at hindi nawawala ang good sense of humor nito. Inabot sila ng alas onse ng gabi sa balkonahe.

Paghiga ni Rhian sa kama, isip siya ng isip sa naging pagkkwnto ni Benj. Kinikilig siya

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kakaibang i love you &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon