Chapter 35: I'm so gonna blog this shop

257 4 0
                                    

Hello guys! Missed me? Apparently not. Huhubells. Okay!!! Here's anew update! Hope you enjoy this one! ;)

-----

Dumiin ang pagkakapikit ko sa mga mata ko bago ito lubusang ibukas. Napaupo ako at agad na napasapo sa aking noo nang maramdamang kumirot ito.

"Ano bang nangyari?" ungol ko. Sinipat ko ng tingin ang paligid at agad na nalamang asa loob pala ako ng kwarto. Tumayo na ako para sana dumeretso palabas nang makainom ako ng tubig dahil natutuyuan ako ng lalamunan pero parang may nagsasabing lumingon ako sa aking likuran. "What the!?" napamulagat ako ng mata nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Bumaba ang mga mata ko sa suot suot ko habang hawak ito ng pareho kong kamay.

"Mervin!" sigaw ko. Siya lang ang pwedeng gumawa nito! Wala akong natatandaang sinuot ko itong pajama na to! Pink hearts? Pwe! Natatandaan kong sya pa ang nagpumilit na bilhin ito nung araw na bumili kami ng matching cellphones. Don't tell me, don't tell me siya ang nagpalit sa ak... Ohh I don't even wanna think about it.

Hinanap ko agad ang cellphone ko. Asan ba kasi yun? Ginalugad ko ng tingin ang buong side table. Binalibag ko na rin ang comforter pero wala. Lumabas ako sa kwarto at dumeretso sa sala. Nakita ko yung hand bag sa single sofa kung kaya ay dun ako agad tumungo.

"Lagot ka sa akin Mervin...." I fidgeted on the handbag and fished for the phone.

Hinanap ko agad sa phonebook yung pangalan niya at pipindutin na sana ang call icon until it hit me. 'You can call me someone who will never care about Veronica Jimenez.' Oh right. He's mad at me at wala man lang akong ideya kung bakit. So paano ako nakauwi dito sa unit at nagpalit sa pj na to?

Halos mahulog ko na yung phone nang bigla itong magvibrate at tumunog sa kamay ko. Pinindot ko yung answer icon at tinapat ang device sa tenga ko.

"Hello?"

"How are you?"

"Tommy, what the? Ang aga aga miss mo na agad ako?" pang-aasar ko sa kanya. At first inaasahan ko na magggrunt siya at maasar kaya nakahanda na yung ngiti kong tagumpay. Magandang gawain yan Ronnie. At least maganda magiging umpisa ng araw ko dahil naasar ko siya.

"Yeah I miss you. Gusto mo date tayo?" hindi ako agad nakasagot sa narinig kong sinabi niya. I just stared to nothingness until nung may sinabi siya ulit. "Andyan ka pa ba? Huwag ka munang kiligin."

"Ha.Ha.Ha. Very funny."  I countered while shaking my head.

"Ikaw nag-umpisa eh. Anyways, I just called to check you up."

"Check me? Bakit ano bang nangyari?" naguguluhan kong tanong at narinig ko na lang siyang magbuntong hininga sa kabilang linya.

"Sabi ko nga wala ka na namang natatandaan."

"Ano nga? Will you cut to the chase?"

"Nirape mo lang naman ako kagabi." seryoso niyang sabi at naramdaman ko na lang na bumagsak yung panga ko.

"Asan ka?" tanong ko.

"Bakit? May plano kang reypin ako ulit?"

"Hindi. Nang mabatukan kita."

"Harsh." tapos bigla siyang tumawa. "Hoy Tom, si Ronnie ba yan?" rinig ko sa kabilang linya at mukhang si Timmi yun. "No." rinig ko namang sagot ni Tommy.

"Hoy sinungaling ka." natatawa kong saad nang bigla siyang tumawa at makarinig ako ng kung ano sa kabilang linya.

"Hi Ronnie! Ayos ka lang ba? Baka mamaya may ano tong ginawa while unconscious ka, ako na magbibitay sa kakambal ko para sayo! (Tumahimik ka nga dyan Timz.)" Napatawa na lang ako dahil mukhang nag-aagawan sila ng telepono. Pero bigla ring sumeryoso nung magsink in sa utak ko ang sinabi niya.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon