CHAPTER TWENTY-FOUR

97 29 17
                                    


SAMANTHA'S POV

Biglang naglahong parang bula si Lucas sa harap ko. Napatayo ako at agad ko siyang hinanap. Pumunta ako sa room namin at nagbabakasakaling naroon siya. Maging ang salamin ay aking tinignan kumakatok din na baka sumagot din si Lucas sa akin. Bagsak ang balikat kong napaupo ako sa gilid ng kama. Napatingin ako sa cellphone ko at dinial ang numero ni Lily pero ni isang sagot ay wala akong natanggap kaya naman ay dali-dali akong lumuwas ng Maynila.

ILANG ARAW na rin ang nakakalipas ng makabalik ako sa Maynila ngunit ni isang paramdam ni Lucas ay wala akong nakita. Nalibot ko na ang mga posibleng lugar na maaari niyang puntahan ngunit wala siya doon.

"Samantha."

Napalingon ako sa tumawag sa akin at agad naman siyang napangiti. 

Si Eric.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Napabuntong hininga ako at muling iginala ang tingin sa buong paligid.

"Oo." sagot ko kasabay niyon ang pag-akay niya sa akin papuntang parke. Muli akong natigilan at inalala si Lucas. Nasaan na kaya siya? nag-aalalang usal ko sa sarili.

"You know what, kanina ko pa napapansin yung pagkatulala mo. May nangyari ba?" tawag pansin sa akin ni Eric habang nilalaro ang dalang bola. Nag-angat ako ng tingin sa kanya sakto namang nagtama ang paningin namin. Nangunot ang noo niya at tila naghihintay ng sasabihin ko. 

"Paano ko ba sasabihin?" nag-aalangan bulong ko. Napababa ang tingin ko sa paa ko at muling umangat ang tingin ng magsalita ito.

"What's bothering you, Sam?" tanong nito saka naupo sa tabi ko habang nakalagay ang bola sa lap nya at pinatong ang sariling sikong nakatingin sa akin.

"I know tinanong mo na sa akin ito nung unang kita natin. Ibabalik ko yung tanong sa'yo." panimula ko. Mas lalo pang nangunot ang noo nito sabay upo niya sa tabi ko.

"What is it?"

Huminga muna ako ng malalim at saka nagsalita, "Do you believe in ghost?" Bahagya siyang nagulat at napalingon pa sa paligid. Bakas sa mga mata nito ang takot. Hindi ko tuloy malaman kung itutuloy ko pa ang pagkekwento sa kanya o hindi.

"Nagbibiro lang ako na naba-vibes ko kung may multo sa paligid." duwag na usal nito. Natawa ako sa naging reaksyon niya at agad rin akong napatakip ng bibig ng samaan ako nito ng tingin.

"Sorry." paghinging paumanhin ko.

"Biro lang, pinapatawa lang kita. Kanina ka pa kasi wala sa sarili ehh." biglang bawi nito. "Bakit mo nga pala naitanong?"

"Wala naman." maikling sagot ko.

"Bakit nga?" pangungulit nito sa akin. Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang pagke-kwento sa kanya.

"Can you keep a secret?" tanong ko at tumango lamang siya bilang pagtugon. "There's a ghost who keeps on following me at hindi siya normal na ghost like we see in the movies and paranormal videos. He keeps on pestering me like asking for my help."

"Is he still with you?" seryosong tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Pasulpot-sulpot lang siya pero mula pa noong isang araw hindi ko na siya nakikita pa.. As of now wala siya sa paligid ko." sagot ko. Tumayo si Eric at seryosong tumingin sa akin. "Bakit ka tumayo?"

"Tara may kailangan kang makita at malaman."

Naguguluhan man ay napasunod ako sa paglalakad ni Eric. Wala pa mang ilang minuto nang huminto kami sa isang lumang bahay. "Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang si Eric at sumenyas na pumasok na kami. Sa entrada pa lamang ng bahay ay parang may kakaiba nang enerhiyang nagpipigil sa aming makapasok.

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon