You Belong With Me [Chapter 6: Exams]

2.3K 25 0
                                    

Lessons. Lessons. Lessons. Yun lang ang inintindi ko.  March 15 kasi birthday ni Cyrus. Malapit na sa pagtatapos ng school year at final exams. Yehess! Kaunting paghihirap na lang ay summer na. Tapos fourth year na ako next school year! Ang saya-saya ko. Wala lang, nababaliw na siguro ako. Nakangiti pa nga ako.

"Sab? Nababaliw ka na ba?" Siya naman si Jasmine Enriquez. Bestfriend ko din yan. Pero hindi sila mag-BFF ni Cyrus. Kami lang dalawa. Ayos di ba? Dalawa bestfriend ko. :D

"Masaya lang ako kasi malapit ng mag-summer!" Sabi kasi ni Mama baka daw mag-beach kami. Yehey! Gusto ko na talaga mag-beach.

"Gusto mo lang magbikini! Ang landi mo!"

"Che! Eh ano naman? May sexy back naman ako!"

Tapos nagtawanan kami. Actually, exams na talaga namin ngayong week kaya nag-aaral na lang ako. Hindi ko nga masyadong pinapansin si Cyrus. Panggulo lang kasi siya. Magpapaturo ng mga lessons na na-miss niya. Aynaku. Paano kasi yung inaatupag niya lang eh yung girlfriend niyang ma-.

After ng short break ay test na ulit. Grrrrr. MATH my weakness. Yan lang talaga ang panira sa card ko. Buti nga nakaka-88 pa ako diyan. Hindi tuloy ako maging silver or gold medalist. Lagi na lang akong bronze.

Dumugo yung utak ko sa exam namin sa Math kaya napadasal ako. Lord, kahit 88 lang masaya na ako! O kaya kahit si Cyrus lang ibigay niyo na sa akin- ay saglit lang matagal naman na siyang sa akin. Lord, alisin niyo na lang sa mundong ibabaw si Nadine kahit maka 87 ako masaya na ako. Joke lang Lord baka totohanin niyo.

Nabaliw na ako. T_T

After ng tatlong araw natapos na rin ang exam week.

"Min! May gala ka ba?" Gusto ko kasing gumala. Haha.

"Wala. Eh ikaw?"

"Meron." CYRUS?

"Wala naman ah."

"Pwes ngayon meron na."

Huh?

"Sige Jasmine, una na kami"

"Okay. Ingat ka Cyrus ah! Nangangagat si bespren!"

"Asa ka! Bakla!"

"Bakla ka din! Umalis na nga kayo!"

Tapos nag-bye ako sa kanya. Ang kulit talaga nung baklang yun. Haha. Psh. Pero ayos lang atleast magkakaroon kami ng time ni Cyrus. Bakit naman kaya ako ang pinili niyang kasama? Kadalasan kasi si Nadine talaga. Natupad na ata yung pinalangin kung nung nakaraan ah. Nasagasaan ata si Nadine at nalumpo na habang buhay. Bakit hindi pa tinuluyan? JOKE. Palabas na kami ng school.

Takte. Takte.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon