Chapter 9

884 75 9
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Hindi mapalagay ang puso ko hanggang sa maka-uwi kami. Kahit hindi na namin kasama si Brandon ay ramdam ko parin ang presensya niyang nasa tabi ko lang.

Ano ba 'tong iniisip ko. Nag-sorry at humingi lang naman ng tawad ang tao kung ano-ano agad naramdaman ko. I hate this feeling na parang umaasa nanaman ako sa walang kasiguraduhan bagay.

Hindi ako sigurado kung totoo nga ba ang lahat ng sinabi ni Brandon at kung totoo man 'yon, alam kong hindi na siya mag-kakagusto sa'kin at hanggang kaibigan lang talaga.

"Kanina ka pa tulala, may ginawa ba sayo si Brandon nung nasa likod ko kayo?" Tanong ni Ismael.

Siya lang kasi ang kasama ko ngayon dito sa bahay, tinutulungan niya akong mag-linis at mag-hugas ng mga basong gagamitin namin para mamaya.

"Wala, ano namang gagawin namin e, nasa gitna kami ng kalsada." Palusot ko.

Tinignan lang ako ni Ismael pero alam ko iniisip niya, mahigit mag-isang buwan na pero hindi parin ako marunong mag-palusot. Ang hirap din naman kasing lusutan ng lalaking 'to. Akala mo detective conan kung maka-suri.

"Sabi mo e."

Nagkibit-balikat lang ito bago muling ituloy ang ginagawa. Ako naman ay inaayos ang mga boteng binili niya kanina.

Isang tingin ko palang sa mga bote ay alam kong may kamahalan na ito bawat isa. May iba't-ibang kulay kang makikita dito na talaga namang nakaka-akit tignan.

Bumili din siya ng isang alak na sinabi niyang hindi daw nakaka-lasing, ayon nalang daw ang inumin ko para naman masanay daw ako, bukod dun ay marami ring mga pulutan, may binili din itong fries para sa'kin dahil tuwing kakain kami sa Mcdo ay ayan ang ino-order ko.

Nang matapos kami ay nag-pahinga muna kami saglit sa sofa. Magka-tabi kaming naka-upo habang nasa balikat ko ang ulo niya.

"Mahal mo parin si Brandon 'no?" Tanong nito habang ang ulo ay nanatili sa balikat ko.

Gusto kong sabihin na oo gusto ko parin siya, mahal ko na nga e, maging sarili ko tinatanong ko kung dapat ko pa bang ituloy 'to? dapat ko pa ba siyang gustuhin kahit masakit? kahit nasasaktan na ako.

"Hindi. Ilang linggo na ang lumipas, nakalimutan ko na 'yon." Pagsisinungaling ko. Hindi naman ako sigurado sa mga sagot ko pag-dating kay Brandon.

Dahil pag-dating kay Brandon ay nakaka-limutan ko ang lahat.

Ngayon ko lang ulit kasi ito naranasan sa buong buhay ko. Ang mag-mahal at syempre ang masaktan. Simula kasi nang mamatay si Lolo ay labis akong nasaktan kaya pati lahat ng Lalaki dinamay ko do'n sa sakit na naramdaman ko.

Na kesyo lahat sila iiwan ako ng walang paalam, na wala nang magma-mahal sa'kin at higit sa lahat wala nang tatanggap sa kung ano man ako.

Pero isang araw nakilala ko si Brandon.

Si Brandon na nagpa-dama sa'kin sa maikling panahon na hindi ako nag-iisa, na may kasama ako sa mga problema ko. Kaya nga umiyak talaga ako nang umiyak dahil sa sinabi sa'kin ni Brandon.

"Hindi mo'ko maloloko, bihasa na kaya 'to, at alam ko ding 'yung kaibigan mong si Jacob may gusto sa'kin." Hindi ako nagulat sa sinabi niya.

Halata naman kasi talaga na may gusto sa kaniya si Jacob. Tuwing aayain ako ni Ismael kumain ay lagi itong sisingit at sasabihin na sasama rin daw siya, tapos kapag free time naman namin ay wala itong ibang bukang bibig kun'di si Ismael kaya sawang-sawa nako marinig ang pangalan niya.

"Hayaan mo na 'yon, trip ka lang naman no'n, h'wag mo nalang pansinin."

Tumayo ito at nilibot ang paningin sa buong bahay, hindi ko siya pinansin sa ginawa niya at umayos nalang ako ng higa sa sofa.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon